CENTRALIZED EMERGENCY RESPONSE DEPARTMENT MULING IGINIIT

SA GITNA ng sunud-sunod na pagpasok ng mga bagyo sa bansa, muling nanawagan si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano para sa pagtatatag ng isang centralized Emergency Response Department o ERD. Sinabi ni Cayetano na ang kasalukuyang National Disaster Risk Reduction and Management Council ay binubuo ng mga committed at dedicated na tauhan subalit 44 na ahensya ito na ad hoc ang coordination. Iginiit ng senador na hindi sasapat ang ad-hoc response sa bawat kalamidad kaya’t dapat mayroong departamento na in charge dito at mayroong sistemang ipatutupad para laging handang…

Read More

MARIKINA COUNCILOR PINALAGAN AI-EDITED PHOTO SA KONTROBERSYA KAY CONG. MARCY

UMALMA ang isang konsehal ng Marikina City sa pagkalat ng isang AI-edited photo na inuugnay siya sa kontrobersiyang kinasasangkutan ni Marikina 1st District Rep. Marcy Teodoro. Tinawag ni Marikina 2nd District Councilor Jaren Feliciano ang paninira na “malisyoso, below the belt, at malinaw na black propaganda.” “Nakakalungkot, nakakainsulto at nakakayamot ang mga ganitong bintang. Sobrang below the belt na ang kabastusan ninyo,” wika ni Feliciano sa isang Facebook post. Ayon kay Feliciano, ang naturang larawan na ibinahagi ng Facebook group na Marikina Daily News ay ginawa gamit ang artificial intelligence…

Read More

‘CHISMIS’ SA PAGBIBITIW NI MAGALONG KINONDENA NI GOITIA

PINABULAANAN ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ang pahayag ni Ka Eric Celiz na nagbitiw si Mayor Benjamin Magalong sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) dahil umano sa panggigipit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ayon kay Goitia, walang katotohanan ang alegasyon at malinaw na si Magalong mismo ang nagpaliwanag na nagbitiw siya upang pangalagaan ang integridad ng pamahalaan laban sa korupsyon. “Ang bersyon ni Ka Eric na may utos ang Pangulo na itigil ang imbestigasyon o kaya’y tumanggi si Magalong na makipagpulong sa Malacañang ay walang basehan,” ani Goitia.…

Read More

Chiz pumalag sa mapanirang FB posts; FALCIS PINADI-DISBAR

NAGHAIN si Senador Francis “Chiz” Escudero ng reklamo sa Korte Suprema laban kay Atty. Jesus Nicardo Madarang Falcis III nitong Lunes, Setyembre 29. Hinihiling ni Escudero ang disbarment o pagtanggal sa lisensya ni Falcis dahil sa umano’y serye ng iresponsable at mapanirang social media posts na malinaw na lumabag sa Code of Professional Responsibility and Accountability (CPRA) ng Philippine Bar. Sa reklamo, inilatag ng senador ang mga banat ni Falcis mula Hulyo hanggang Setyembre 2025 kung saan tinawag umano siya ng abogado na “shameless,” “the worst Senate President in history,”…

Read More

Pangandaman: DBM tutulong sa pagtiyak ng sapat na pondo para sa edukasyon

MULING tiniyak ni Department of Budget and Management Sec. Amenah Pangandaman nitong Lunes, Setyembre 29, ang matatag na suporta ng administrasyong Marcos sa sektor ng edukasyon, sa pagsasabing makikipag-ugnayan siya sa Kongreso upang matiyak ang agarang pag-apruba ng karagdagang pondo para sa mga State Universities and Colleges. Binigyang-diin ni Pangandaman na pangunahing prayoridad sa National Expenditure Program ang edukasyon. “Education has always been our number one priority under the NEP,” aniya. Tinukoy din ng kalihim ang naging pahayag kamakailan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hinggil sa muling paglalaan ng pondo…

Read More

NANGANGAMOY NA BANGKAY, NATAGPUAN SA TABI NG SEMENTERYO SA CAVITE

NANGANGAMOY at halos naaagnas na ang katawan ng isang lalaki na natagpuan sa gilid ng sementeryo sa Himlayan Paraiso, Brgy. Sabutan, Silang, Cavite, kamakalawa ng umaga. Ayon sa pulisya, tinatayang nasa edad 44 hanggang 55 ang biktima na nakasuot ng stripe na polo at itim na pantalon. Base sa ulat, naglalakad si alyas MJ, caretaker, sa tabi ng sementeryo nang makalanghap siya ng masangsang na amoy. Nang siyasatin, tumambad sa kanya ang naaagnas na bangkay bandang alas-8:15 ng umaga. Patuloy na nagsasagawa ng awtopsiya ang mga awtoridad upang malaman ang…

Read More

PINSALA SA LTO OPERATIONS NG BAGYONG OPONG PINASUSURI

MARIING ipinag-utos ng Land Transportation Office (LTO), sa patnubay ni Department of Transportation (DOTr) Acting Secretary Giovanni Z. Lopez, sa lahat ng Regional Directors na magsumite ng damage assessment report para matukoy ang lawak ng pinsala ng bagyong Opong sa operasyon ng ahensya, lalo na sa mga hard-hit areas. Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, inatasan ang mga RD na suriin hindi lang ang opisina kundi pati na rin ang kalagayan ng mga tauhan at kanilang pamilya upang agad na makapagsagawa ng tulong. “Matindi ang…

Read More

P3.6-M SHABU AT ECSTASY HULI SA BIG TIME PUSHER

DAVAO CITY – Isang bigtime drug pusher at high value target drug personality ang nadakip ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isinagawang anti-narcotics operation sa Purok 10-B, Lower Madapo, Barangay 8-A, Davao City. Ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, noong Biyernes ng hapon, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Regional Special Enforcement Team/Davao City Office of the Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 11, katuwang ang Police Precinct 2, laban sa isang alyas “Bryan”, 21-anyos. Tinatayang nasa…

Read More

7,000 PULIS DINEPLOY SA SEARCH AND RESCUE

HABANG tinatahak ng Severe Tropical Storm “Opong” (international name: Bualoi) ang direksyon palabas ng Philippine area of responsibility patungong Vietnam, ipinag-utos ng Philippine National Police (PNP) ang deployment ng mahigit sa 7,000 pulis para magsagawa ng rescue and relief operations sa buong bansa habang maraming Pilipino ang nawalan ng tirahan sa pananalasa ng bagyo. Ayon kay PNP Acting chief, Lt. General Melencio Nartatez, may 7,349 police officers ang nagsasagawa ng search, rescue, at retrieval (SRR) missions, habang may 11,118 pa ang naka-antabay sakaling kailanganin pa ang dagdag na puwersa bunsod…

Read More