NAGPAABOT ng pakikidalamhati sa mga Katoliko ang TRABAHO party-list kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.
“We mourn the passing of Pope Francis”, mababasa sa Facebook page ng 106 TRABAHO Party-List nitong Lunes.
Kalakip ng nasabing mensahe ang larawan ng Santo Papa at sipi mula sa kanyang homily patungkol sa kabanalan ng trabaho bilang pinakaunang bokasyon ng tao.
Sa mga salita ni Papa Francisco, “Ito ang pinakaunang bokasyon ng tao: magtrabaho. At ito rin ang nagbibigay ng dignidad sa tao- siyang dignidad na naghahalintulad sa kanya sa Panginoon.
Ang dignidad ng pagtatrabaho ay kabanalan.”
Ayon sa TRABAHO, ang mga turo ng Santo Papa patungkol sa dignidad ng trabaho at importansya ng katarungang panlipunan ang magsisilbing kanilang mga gabay. Kasunod nito ay ipinanawagan ng grupo ngayong Miyerkoles na magpatupad na agad ang pribado at pampublikong sektor ng kani-kanilang safety adaptation plan bunsod ng patuloy na pagtaas ng temperaturang nararanasan ng bansa.
Naitala na nga ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pinakamataas na 5-day heat index ngayong Abril 23, 2025 matapos pumalo sa 50°C-52°C o ang temperatura sa kalakhang Maynila at Calabarzon.
Naghuhudyat ang nasabing temperature ng hindi lamang basta panganib, kundi matinding panganib o “extreme danger” sa kalusugan at buhay ng mga Pilipino.
Suhestyon ng grupo na isama ang alternative work arrangement sa safety plan pati na rin ang pagbibigay ng mga ng sapat at naaayon na protective uniform laban sa init at polusyon sa mga manggagawa.
Pwede rin i-adjust ang working hours ng mga manggagawa ngunit dapat parte ng bayad na oras ang kanilang mga maiikling oras para sa pahinga, pagpunta sa lilim at pag-inom ng tubig upang sila ay ma-rehydrate.
Bilang 106 sa balota, layunin ng TRABAHO Party-list na tutukan ang kondisyon ng mga manggagawa hindi lang laban sa mga maling panuntunan, kundi pati na rin ang pangangailangan ng mga manggagawa bunsod ng pabagu-bagong panahon.
