REMULLA TINIYAK TRANSPARENCY SA FLOOD CONTROL PROBE

TINIYAK ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang buong transparency sa imbestigasyon ng Independent Commission of Inquiry (ICI) kaugnay ng kontrobersyal na flood control project. Sa kanilang unang pagpupulong, napagkasunduan na igagalang ang independence ng komisyon at suportado ito ng DOJ, kabilang na ang pagbibigay ng lahat ng hawak na dokumento at ebidensiya kaugnay ng kaso. Ayon kay Remulla, mahalagang bukas at malinaw ang proseso para mapanatili ang tiwala ng publiko. Dagdag pa niya, layunin ng koordinasyon na hindi lang pag-isahin ang mga ahensya ng gobyerno kundi masiguro na patas,…

Read More

PNP: MAG-INGAT SA PEKENG DONATION DRIVE

PINAIGTING ng Philippine National Police (PNP) ang operasyon laban sa mga naglipanang pekeng donation drive at online scam na sumulpot matapos ang serye ng mga bagyo. “Verify before donating. Legitimate drives come from known organizations, government, or accredited NGOs,” babala ni PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., kasabay ng paalala na maging mapagmatyag sa mapanlinlang na solicitations. Inatasan ng hepe ang Anti-Cybercrime Group (ACG) na tutukan ang kahina-hinalang social media pages, websites, at e-wallet transactions. Pinayuhan din niya ang publiko na magbigay lamang ng donasyon sa beripikadong organisasyon.…

Read More

7,000 QCITIZENS, NAKINABANG SA QCPD COMMUNITY DRIVE

MATAGUMPAY ang inilunsad na 160 community engagement activities ng Quezon City Police District (QCPD) sa pangunguna ni Acting District Director PCOL Randy Glenn Silvio mula Setyembre 22–28, 2025. Umabot sa 7,160 QCitizens ang naabot ng programa sa iba’t ibang barangay sa Quezon City. Ayon kay PCOL Silvio, ang mga aktibidad na pinangunahan ng iba’t ibang police stations ay idinisenyo upang palakasin ang ugnayan ng pulis at komunidad, maiwasan ang krimen, at matulungan ang mahihina at nangangailangan. Kasama rito ang feeding program, pamamahagi ng relief goods, outreach services, at information drive…

Read More

LIBONG GURO MAGWO-WALKOUT SA WORLD TEACHERS’ DAY

LIBONG guro at education workers ang magwo-walkout sa Oktubre 3, kasabay ng World Teachers’ Day, ayon sa Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines. Sa halip na selebrasyon, isang martsa papuntang Mendiola ang idaraos ng mga guro para igiit ang dagdag pondo sa edukasyon, makabuluhang umento sa sahod, at wakas sa korupsyon at burukratang kapitalismo na pumipiga sa pondo ng bayan. “Hindi simpleng selebrasyon ang World Teachers’ Day ngayong taon. Ginugutom, pinapabayaan, at ginagatasan ng mga tiwaling opisyal ang edukasyon. Ang tanging tugon ng mga guro: kolektibong aksyon at paniningil,” diin…

Read More

WOA VS GARMA ‘DI HADLANG SA ICC TESTIMONY – REMULLA

IGINIIT ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi mapipigilan ang pagtestigo ng dating PCSO General Manager Royina Garma sa International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng kasong crimes against humanity. Ito’y kahit may inilabas nang warrant of arrest laban kay Garma sa kasong murder at frustrated murder kaugnay ng pagkamatay ni dating PCSO board secretary Wesley Barayuga. Sabi ni Remulla, kung nasa abroad na si Garma, malamang ay hindi na ito bumalik ng Pilipinas at dumiretso na lang sa ICC para tumestigo. Dagdag pa…

Read More

ZALDY CO NAG-RESIGN

TULUYAN nang nagbitiw si Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co bilang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa gitna ng mga alegasyong sangkot siya sa malawakang katiwalian kaugnay ng flood control projects at umano’y mga “insertion” sa 2025 General Appropriations Act (GAA). Sa isang tatlong pahinang sulat na ipinadala kay House Speaker Faustino “Bojie” Dy III, sinabi ni Co na ang kanyang pagbibitiw ay bunsod ng umano’y “real, direct, grave and imminent threat” sa kanyang pamilya at sa sarili, pati na rin ng “evident denial” ng kanyang karapatan sa due…

Read More

GHOST FARM-TO-MARKET ROADS BUMULAGA SA MINDANAO

NAKAKITA na ng ghost farm-to-market road (FMR) projects ang Department of Agriculture (DA) sa Davao Occidental at Zamboanga del Norte. Kinumpirma mismo ni DA Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr. sa ambush interview sa Kamara kahapon ang naturang anomaly. “Sa FMR, ang inisyal na report sa akin, may nakita kaming ghost, in Davao Occidental,” pahayag ni Laurel, na tumutukoy sa mga proyektong ipinatupad noong 2021 at 2022. Bukod dito, sa Zamboanga del Norte naman, ghost project din umano dahil “may opening pero walang semento.” Magugunitang inatasan ng House committee on appropriations ang…

Read More

VP SARA: HINDI NA STABLE ANG GOBYERNO!

BUMIRA si Vice President Sara Duterte at idineklarang “hindi na stable” ang gobyerno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa gitna ng malalaking anomalya sa flood control projects. “Our institutions are clearly abused… walang nangyayari sa ating bansa,” banat ng Bise Presidente. Giit niya, matagal na nilang alam na si House Speaker Martin Romualdez ay tumatanggap ng kickbacks, hindi lang sa flood projects kundi pati sa ilegal na sugal. Hindi na rin daw siya nagulat sa testimonya na male-maletang pera ang idinedeliber sa bahay nina Romualdez at Cong. Zaldy Co.…

Read More

6 ARESTADO SA DRUG DEN

PANGASINAN – Anim katao ang nadakip sa pagsalakay ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Arellano Bani, Barangay Pantal, Dagupan City. Ayon sa ulat na ipinararating sa tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, na-dismantle ng kanyang mga tauhan ang isang drug den at anim na drug personalities ang naaresto sa ikinasang anti-narcotics operation na pinangunahan ng PDEA-Pangasinan Provincial Office (PDEA PangPO). Nagsimula ang operasyon bandang alas-2:35 ng noong Lunes ng umaga sa pangunguna ng PDEA PangPO, sa tulong ng PNP Drug Enforcement Group – Special Operations…

Read More