MAYOR, 1 PANG LGU OFFICIAL INARESTO SA RAPE

TATLONG kalalakihan na kinabibilangan ng isang town mayor, isang konsehal ng bayan at isa pang akusado ang inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police sa bayan ng Pandi sa lalawigan ng Bulacan. Kinilala ang mga inaresto na sina Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque, Pandi Councilor Jon Jon Roxas, at isa pang co-accused matapos na silbihan ng warrant of arrest sa isang resort sa Pandi, noong Martes ng gabi. Ayon kay PNP-National Capital Region Police Office chief, PBGen. Anthony Aberin, naglunsad ng law enforcement operation ang kanilang tracker team, bitbit…

Read More

NAGNAKAW NG P5-M PLUNDER NA ‘YAN – FORMER ES RODRIGUEZ

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) ITUTULAK ni Atty. Vic Rodriguez na ibaba sa limang milyong piso para makasuhan ng plunder ang isang tiwaling opisyal ng gobyerno. Ayon sa unang executive secretary ng administrasyong Marcos, isa ito sa mga nais niyang baguhin sakaling mahalal sa Senado sa 2025 midterm election. Sa kasalukuyang batas, P50 milyon ang sangkot na halaga bago masampahan ng reklamong plunder ang isang taga-gobyerno. Ngunit para kay Atty. Rodriguez, malaking kasalanan ang pagnanakaw sa pondo ng bayan kaya hindi na kailangan hintayin na umakyat sa P50 milyon bago magsampa…

Read More

P6.3-T BUDGET PARA SA KAPRITSO NG PANGULO, MGA KAALYADO

LUMALAKI at lumalawak na ang galit ng sambayanang Pilipino dahil isinakripisyo ang kalusugan at edukasyon ng mga ito para sa kapritso ng political allies umano ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. “Nanawagan kami sa pamunuan ng Kamara at Senado na tugunan ang lumalaking galit ng publiko sa pamamagitan ng agarang muling pagtitipon ng bicameral conference committee,” ani ACT party-list Rep. France Castro. Ayon sa mambabatas, habang idinedepensa ng mga kaalyado ni Marcos ang pagbokya sa subsidy ng Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth) at pagtapyas sa pondo ng Department of Education…

Read More

Sa dami ng pumapalag BBM NAGPRENO SA PAGPIRMA SA 2025 BUDGET

NAUDLOT ang target date sana para sa paglagda sa 2025 General Appropriations Bill (GAB) upang bigyan ng mas maraming oras at panahon si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa isang “rigorous and exhaustive” na pagrerebisa at paghimay sa batas. Sa isang kalatas, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na wala pang pinal na petsa para sa paglagda ng GAA na may P6.352 trillion national expenditure para sa fiscal year 2025. “The scheduled signing of the General Appropriations Act on December 20 will not push through to allow more time…

Read More

DESISYON KAY MARCY ‘DI PA FINAL – COMELEC

MAAARING baliktarin ng Commission on Elections (Comelec) ang nauna nitong desisyon at payagan si Marikina Mayor Marcy Teodoro na tumakbo bilang kongresista sa unang distrito ng lungsod kung makakapagprisinta siya ng bagong argumento o ebidensya sa kanyang motion for reconsideration. Ayon kay Comelec chairperson George Garcia, may mga pagkakataon sa mga nakaraang kaso na nabaliktad ang desisyon ng poll body base sa mga argumento o bagong ebidensiya na inilatag sa apela. “Marami rin namang pagkakataon na pagkatapos makapagprisinta ng mga argumento sa motion for reconsideration ay pwedeng magkaroon ng reversal…

Read More

KAMARA SISILIPIN ‘DI TAMANG PATAKARAN NG GRAB SA SENIOR AT PWD DISCOUNTS

NAGHAIN si Senior Citizens Party-List Rep. Rodolfo Ordanes ng isang resolusyon na imbestigahan ang hindi tamang pagpapatupad ng senior citizen at persons with disabilities (PWD) discounts ng Grab at iba pang ride-hailing at food delivery companies. Sa kanyang House Resolution No. 2134, nais ding tingnan ni Ordanes ang mga alegasyong pinapasagot umano ng Grab at iba pang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) sa kanilang mga driver ang 20 porsyentong diskwento sa senior citizens at PWDs. Ayon kay Ordanes, malinaw na paglabag ito sa mga polisiya ng Land Transportation Franchising and…

Read More

PAGSIBAK KAY HERBOSA AT PAGBALIK NG PHILHEALTH SUBSIDY SIGAW NG LABOR, HEALTH WORKERS

NAGLUNSAD ng malaking kilos protesta ang koalisyon ng labor groups, health workers at medical advocates sa Mendiola, Manila kahapon upang igiit ang pagpapatalsik kay Health Secretary Ted Herbosa at pagbabalik ng PhilHealth subsidy sa ilalim ng 2025 national budget. Nasa 1,000 miyembro ng Nagkakaisang Mamamayan para sa Pangkalusugang Pangkalahatan ang sama-samang nagmartsa sa Morayta patungo sa Mendiola at isinigaw ang pagtanggal na kay Herbosa gayundin ang panawagan kay Pangulong Bongbong Marcos na i-veto ang rekomendasyon ng Kongreso na bigyan ng zero budget ang PhilHealth. “Zero subsidy for PhilHealth but full…

Read More

VBANK INILUNSAD NI MANONG CHAVIT SA QC

PORMAL nang inilunsad ni senatorial candidate Luis “Manong Chavit” Singson ang VBank digital bank, isang digital platform na siguradong makakapagbago ng landscape ng online financial transactions sa bansa. Pinangunahan ni Manong Chavit ang paglulunsad ng VBank noong Linggo, Disyembre 15, sa Bridgetowne Destination Estate sa Eulogio Rodriguez Jr. Avenue, Quezon City. Kasama ni Manong Chavit si veteran comedienne Ai Ai delas Alas. Ang VBank digital bank ay isang digital banking platform na secure at siguradong makapagpapadali sa mga transaction online para sa mga Pilipino tungo sa pagiging financial inclusive ng…

Read More

PHILHEALTH SAGOT NA KALAHATI NG BAYAD SA OSPITAL, BABAWASAN PA PREMIUM

TINIYAK ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na babawasan ang premium contribution rates ng mga miyembro mula 5% patungong 3.25% at palalawakin ang hospital coverage ng hanggang 50% simula sa susunod na buwan, kahit walang natatanggap na subsidiya mula sa gobyerno. Ginawa ni PhilHealth President at CEO Emmanuel Ledesma Jr. ang pangakong ito sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee ng Kamara nitong Martes, bilang tugon sa panawagan ng mga mambabatas na mas gamitin ang malaking pondo ng ahensya para direktang makinabang ang mga miyembro. Hiniling ni House Assistant Majority Leader…

Read More