PWD TSINAPTSAP, SINUNOG; LIVE-IN PARTNERS ARESTADO

BATANGAS – Inaresto ng mga awtoridad ang mag-live in partner na itinuturong suspek sa brutal na pagpaslang sa isang 33-anyos na babaeng PWD sa Barangay Barualte, sa bayan ng San Juan sa lalawigan. Ayon sa ulat, bandang alas-12:00 ng tanghali noong Miyerkoles nang damputin ng mga tauhan ng San Juan Municipal Police Station ang mga suspek na sina Archangel Armamento Patal, 45-anyos, at Teodora, 53-anyos. Matatandaang dakong alas-11:00 noong Lunes ng gabi, ang mag-partner ang nag-report sa barangay officials na may nakita umano silang mga sunog na bahagi ng katawan…

Read More

Malabon Rep. Noel, mister at kagawad inireklamo DSWD RELIEF GOODS NI-REPACK BAGO PINAMUDMOD

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong qualified theft at paglabag sa Republic Act 10121 o Philippine Disaster Risk Reduction Management Act of 2010 si Malabon Representative Jaye Lacson Noel, asawa nitong si Florencio “Bem” Noel at kasabwat na kagawad dahil sa pagre-repack ng relief goods mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Bukod sa mag-asawang Noel, kasama sa inireklamo si Kagawad Romulo Cruz. Batay sa reklamo ni Rogelio Gumba, inamin nito na siya mismo ang inutusan ng kongresista na irepack ang DSWD…

Read More

3RD IMPEACHMENT CASE VS VP SARA INIHAIN SA KAMARA

INIHAIN na kahapon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ng mga religious group, mga paring Katoliko, non-government organization (NGO), mga abogado ang ikatlong impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte. Personal na inihain ng abogado ng mga 12 complainant na si Atty. Amando Virgil Ligutan ng grupong Saligan ang ikatlong impeachment complaint laban kay Duterte sa tanggapan ni House Secretary General Reginald Velasco kahapon, December 19 ng umaga. “The complainants are arguing that it is no longer just a constitutional, legal obligation of the members of Congress to impeach/remove the…

Read More

NOCHE BUENA PACKAGE KALOOB SA MGA SUNDALO SA WEST PHILIPPINE SEA

MATAGUMPAY at mapayapang naihatid ng Armed Forces of the Philippines ang mga pamaskong supplies para sa mga sundalong nakatalaga sa West Philippine Sea sa isinagawang rotation and reprovisioning (RoRe) mission ng AFP mula December 3 hanggang 14. “Western Command vessels transported essential life support and sustainment provisions, efficiently conducting unloading operations. This mission delivered morale-boosting Christmas packages in line with the AFP’s 89th Anniversary,” ani AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla sa isinagawang pulong balitaan sa Camp Aguinaldo sa Quezon City kahapon. “The mission underscores the AFP’s commitment to ensuring…

Read More

LATE NIGHT OPERATION NG LRT, MRT GAWING BUONG TAON

HINILING ng isang mambabatas sa Department of Transportation (DOTr) na i-extend hanggang hatinggabi ang operation ng Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) upang makatulong sa mga manggagawa na nagtatrabaho hanggang alas-onse ng gabi. Ginawa ni Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña ang kahilingan matapos i-anunsyo ng DOTr na hanggang alas-dose na ng hatinggabi ang operation ng LRT 1, RT2 at MRT 3 sa loob ng isang linggo na nagsimula noong December 16. “Kung in-extend na natin for a week, bakit hindi natin ito gawin buong taon? Kung kaya…

Read More

FPJ ECO PARK SA SAN CARLOS CITY, PANGASINAN BINUKSAN

NAGSIMBA sina Senator Grace Poe, Lovi Poe at Brian Poe, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan Partylist sa San Carlos City Minor Basilica of Saint Dominic, Pangasinan bago ang pagbabasbas sa FPJ Eco Park. (Photo: Minor Basilica of Saint Dominic (San Carlos) Pangasinan) DUMALO ang pamilya at mga kaibigan ng yumaong National Artist Fernando Poe Jr. sa pagbubukas ng Eco Park sa hometown ng aktor sa San Carlos City, Pangasinan. Pumunta sina Brian Poe, Senator Grace Poe, Lovi Poe at mga kasamahan nila sa lalawigan ng Pangasinan upang pasinayaan ang…

Read More

DU30, BONG GO, RONALD DELA ROSA, ET AL PINAKAKASUHAN NG CRIMES AGAINST HUMANITY

PINAKAKASUHAN ng Quad Committee ng crimes against humanity sina dating pangulong Rodrigo Duterte, Sens. Christopher Lawrence “Bong” Go at Ronald Bato dela Rosa dahil sa 30,000 biktima ng extra-judicial killings (EJK) sa kanilang war on drugs. Sa kanyang privilege speech ukol sa “progress report”sa imbestigasyon ng komite sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), illegal drugs at EJK, sinabi ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na nilabag nina Duterte, Go at Dela Rosa ang section 6 ng Republic Act (RA) 9851 o “Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian…

Read More

DOT NAKAPAG-AMBAG NG P3.36-T SA EKONOMIYA

IBINAHAGI ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco na nakapag-ambag ang turismo sa Pilipinas ng P3.36 trilyon sa ekonomiya, na nagkakahalaga ng 8.6% ng GDP, isang makabuluhang paglukso mula sa 5.1% noong 2020. (ITOH SON) IBINIDA ng Department of Tourism (DOT) ang mga kahanga-hangang pagganap nito sa turismo sa Pilipinas sa buong taong 2024. Sa ginanap na Year-End press briefing, inilahad ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco na umangat ang ekonomiya ngayong taon dahil sa turismo. Ayon kay Frasco, nakapag-ambag ito ng P3.36 trilyon sa ekonomiya, na nagkakahalaga…

Read More

DND-AFP ‘DI MAGDEDEKLARA NG CEASEFIRE KONTRA CPP-NPA

WALANG planong magdeklara ng holiday truce sa Communist Party of the Philippines at kanilang armadong galamay na New People’s Army, ang gobyerno ngayong nalalapit na kapaskuhan. Ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., hindi magdedeklara ng tigil-putukan ang pamahalaan sa hanay ng CPP-NPA-NDF ngayong panahon ng kapaskuhan. “Any ceasefire with the CPP-NPA-NDF is a ceasefire against terrorists and criminals. It is a last-ditch measure of a Jurassic group to find relevance in the national political ecosystem,” ayon kay Sec. Teodoro. Inihayag din ni Col. Francel Margareth Padilla, Armed Forces of…

Read More