BINATILYO MALUBHA SA SAKSAK NG 2 SIGA

MALUBHA ang kalagayan sa pagamutan ng isang 18-anyos na binatilyo makaraang saksakin ng dalawang siga sa panulukan ng Moriones at Sto. Cristo Streets, Tondo, Manila noong Linggo ng hapon. Kinilala ang biktimang si alyas “Mark Ace”, residente ng Brgy. 73, Tondo, Manila. Nagsasagawa naman ng “Oplan Galugad” ang mga operatiba ng Asuncion Police Community Precinct, sakop ng Manila Police District – Moriones Police Station 2, upang madakip ang dalawang suspek na sina alyas “Jepjep” at “Bugoy”. Ayon sa ulat nina Police Corporal Philip Sarmiento at Police Master Sergeant Jesus Lumabao,…

Read More

PAG-ABUSO NI ROMUALDEZ KINUKUNSINTI NI BBM – VP SARA

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) INAKUSAHAN kamakailan ni Vice President Sara Duterte si House Speaker Martin Romualdez na inaabuso ang pera ng bayan ngunit hinahayaan lamang umano ito ni Pangulong Bongbong Marcos. Sa isang pahayag, sinabi ni Duterte na may mga video at mga testigo laban sa pagwaldas umano ni Romualdez sa pondo ng bayan. Ngunit kahit may mga reklamo ay tila kinukunsinti ito ng pinsang si Pangulong Marcos Jr. kaya hindi ito tinatanggal sa pwesto. Pinuna rin nito ang pag-iikot ng grupo ni Romualdez para mamigay ng ayuda na aniya…

Read More

VP SARA PANTAKIP SA KORUPSYON NG MARCOS ADMIN

(CHRISTIAN DALE) MULING binira ni Vice President Sara Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nang hamunin nito sa kanyang Facebook live, Linggo ng gabi ang matataas na opisyal ng gobyerno na sumailalim sa drug test at paalalahanan ang kanyang mga tagasuporta na mayroong karapatan ang mga ito na magdaos ng mapayapang pagtitipon. Sa isang live video sa kanyang social media page, sinabi ni VP Sara na ginagamit siya ng kanyang kaaway para itago ang kanilang korupsyon. “Wala na kayong mapuna sa akin. Pinagtatakpan ninyo ang mga kakulangan ng pamahalaan. Ako…

Read More

VP SARA PASASAGUTIN SA ‘KILL ORDER’

IPATATAWAG ng National Bureau of Investigation (NBI) si Vice President Sara Duterte habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang gobyerno ukol sa “kill order” ng huli laban kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sa press briefing sa Malakanyang nitong Lunes, sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na nagsimula na ang ahensya ng pag-iimbestiga nito sa ‘online threat’ ni VP Sara. Sinabi ni Santiago na hiniling na ng NBI sa social media giant na Facebook na ipreserba at ingatan ang video para sa nagpapatuloy na imbestigasyon, sinasabi pa na ang video ay authentic…

Read More

Sa gitna ng bangayan sa pulitika TROOP MOVEMENT ITINANGGI NG AFP

FAKE NEWS! Ito ang mariing katugunan ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippine (AFP) hinggil sa mga paskil na kumakalat online na may nagaganap ng mobilisasyon ng mga sundalo. “The posts circulating online, claiming that the Armed Forces of the Philippines (AFP) has initiated the mobilization of troops in connection with current events, are completely false and misleading.” Ayon sa AFP, ang malisyosong pahayag ay nagmula sa mga hindi mapagkakatiwalaang sources at hindi sinusuportahan ng anomang official AFP releases. “Such misinformation only serves to create unnecessary panic and confusion.…

Read More

VP SARA BANTA NA SA DEMOKRASYA?

HINDI na pinalagpas ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pag-amin ni Vice President Sara Duterte na kumontrata na ito ng taong papatay kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos at House Speaker Martin Romualdez kapag napatay siya. Kasabay nito, tumayo ang mga kinatawan ng iba’t ibang political party na kaalyado ng administrasyon kung saan binakbakan ng mga ito ang Pangalawang Pangulo, hindi lamang sa mga wala umanong basehang alegasyon nito kundi maging ang hindi paggalang sa kapulungan. “Let me be clear: Hindi na ito…

Read More

PINAS NANGUNA SA 41ST ASEAN SOCIAL SECURITY ASSOCIATION MEETINGS

(NAGPALIWANAG si Jose Arnulfo A. Veloso, president and general manager ng Government Services Insurance System kasama si Ahmad Zulqarnain Onn ng Malaysia Employees Provident Fund nang humarap sa isang pulong balitaan na ginanap sa Seda Manila Bay Hotel sa Parañaque City. PINANGUNAHAN ng Pilipinas ang ika 41st ASEAN Social Security Association (ASSA) na ginanap sa isang hotel sa lungsod ng Parañaque, Lunes ng umaga. Layunin ng naturang pagpupulong na palakasin ang social protection systems at palawakin ang coverage nito sa mga manggagawa. Ang 41st ASEAN Social Security Association ay dinaluhan…

Read More

BUDGET NG OVP, AKAP PROGRAM POSIBLENG DESISYUNAN NG SENADO BUKAS

POSIBLENG desisyunan na ng Senado bukas ang isyu kung daragdagan pa ang inaprubahang budget ng Kamara para sa Office of the Vice President at ang pondo para sa Ayuda Para sa Kapos ang kita o AKAP Program. Ayon kay Senador Grace Poe, chairperson ng Senate committee on Finance, puspusan na nilang pinag-aaralan ang mga panukala ng mga senador kaugnay sa mga naturang usapin. Sinabi ni Poe na layun nitong maisapinal ang latag ng proposed 2025 national budget na isasalang sa approval sa 2nd reading sa Senado, bukas. Una nang nagpasya…

Read More

Hindi deepfake o AI generated VIDEO NG BANTA NI VP SARA SISILIPIN NG PNP-CIDG

BUBUSISIIN din ng Philippine National Police ang umano’y banta sa buhay ng kanilang Commander in-chief, ang Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., base sa kumakalat na mga video hinggil sa naging banta umano ni Vice President Sara Duterte Inihayag ng PNP Criminal Investigation and Detection Group na iimbestigahan nila ang umano’y banta ni VP Sara kay Pangulong Marcos, maging sa asawa nitong si First Lady Liza Araneta Marcos at House Speaker Martin Romualdez. Magugunitang nitong nakalipas na linggo ay mabilis na kumalat ang umano’y pagbabanta ni VP Sara. Inaakusahan din ang…

Read More