Local manufacturers nagpasaklolo kay Rep. Tulfo PAGPASOK NG CHINA-MADE PRODUCTS SISILIPIN SA KAMARA

ISASALANG sa pagdinig ngayong umaga sa Kongreso ang reklamong inilapit ng mga local appliance manufacturers kay House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo at ACT-CIS party-list laban sa mga produktong galing China. Ayon kay Rep. Tulfo, inimbitahan ang iba’t ibang local appliance manufacturers ng Pilipinas sa pagdinig ngayong umaga ng House committee on Trade and Industry dahil sa kanilang sumbong noong nakaraang buwan na pinapatay ng mga produktong galing China ang mga produkto ng Pilipinas. “Halos 300,000 na manggagawang Pinoy ang mawawalan ng trabaho kung magsasara ang mga factory ng mga…

Read More

SEAL OF GOOD GOVERNANCE NAKOPO NG MARIKINA SA IKALAWANG SUNOD NA TAON

NATANGGAP ng Marikina City government ang 2024 Seal of Good Local Governance (SGLG), ang ikalawang sunod na taon na nakuha ng siyudad ang prestihiyosong pagkilala sa pamumuno ni Mayor Marcy Teodoro. Kabilang ang Marikina City sa 14 na lokal na pamahalaan ng National Capital Region (NCR) na nakatanggap ng SGLG, ayon sa listahang inilabas ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Nagpaabot ng pagbati ang Mayors for Good Governance (M4GG) kay Teodoro at iba pang mayor na kabilang sa grupo na nakatanggap ng SGLG. “Congratulations sa 102 nating…

Read More

HOUSE NAKAHANDANG TULUNGAN MGA DISTRITO – ROMUALDEZ

NAKAHANDANG maglabas muli ng pondo ang House of Representatives para sa mga lugar o distrito na nasasakupan ng mga miyembro nito na tinamaan ng Bagyong Pepito. Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, “Inaantay lang namin ang report ng aming mga miyembro at kung magkano ang pinsala sa kani-kanilang mga lugar para makapagpalabas ng pondo para sa mga biktima ng dumaang bagyo.” “Of course yung pondo na ibibigay natin ay para doon sa pagkukumpuni ng mga nasirang bahay at siyempre yung para sa pangkain ng mga pamilya dahil maaaring nawalan sila…

Read More

TABANG BIKOL, TINDOG ORAGON RELIEF CARAVAN INILUNSAD SA KAMARA

INILUNSAD ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., katuwang ang Kamara de Representantes sa pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Social Welfare Sec. Rex Gatchalian, ang Tabang Bikol, Tindog Oragon relief initiative kung saan halos P750 milyong halaga ng financial assistance at 24 truck na puno ng relief goods ang ipamimigay sa mahigit 150,000 benepisyaryo sa Bicol region na sinalanta ng magkakasunod na bagyo, at ang huli ay ang super typhoon Pepito. Ang programa kung saan si Speaker Romualdez ang pangunahing tagapagtaguyod, ay naglalayong suportahan ang mga nasalantang komunidad…

Read More

FORMER GOV TIWALANG HINDI PANINIWALAAN NI FL LIZA ‘PEACE DISTRACTIONS’ SA BARMM

TIWALA si dating Maguindanao governor Esmael “Toto” Mangudadatu na hindi paniniwalaan ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang aniya’y ‘peace distractions’ na pinapanukala sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Sa pamamagitan ng video message, umapela ang dating gobernador sa kanyang mga kaanak na tigilan na ang paggamit sa pangalan ng Unang Ginang. “Hintuan na niya ang panggagamit kay Unang Ginang. Alam ko naman ang Unang Ginang ay mas mataas ang pinag-aralan sa amin. Huwag ho magpadala. Alam ko naman hindi siya nagpapadala eh,” pahayag ni Mangudadatu patungkol sa kaanak…

Read More

P800-M NI MAYOR TEODORO SA 2025 CITY BUDGET KINUWESTYON

MAY nakalaang aabot sa halos P800 milyon na budget sa tanggapan ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro para sa susunod na taon na kinukwestyon ngayon ng mga taga-lungsod. Ang naturang pondo ay pinangangambahan ng mga kritiko na mauwi bilang pork barrel dahil nasa buong kontrol ng Office of the Mayor kung paano ito gugugulin. Malaking bahagi ang halagang ito sa kabuuang P3.4 bilyon na iminumungkahing pondo ng lungsod para sa 2025. Kasalukuyan pang isinasagawa ang deliberasyon ukol sa 2025 Marikina City budget. Base sa numero, lumilitaw rin na ang P800…

Read More

AGAW-ARMAS TIKLO SA FOLLOW-UP OPS

ARESTADO sa isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ng Manila Police District – Del Pan Police Station 12 ang isa sa tatlong hinihinalang agaw-armas na nang-agaw ng baril sa isang security guard sa Tondo, Manila. Kinilala ang natimbog na suspek na si John Jonard Pacho, 25, binata, helper, residente ng Tondo, Manila habang tinutugis pa ang dalawang kasama nito na sina Shane Burlas at Taniel Blton, kapwa nasa hustong gulang. Napag-alaman, bandang alas-2:00 ng madaling araw noong Nobyembre 6 nang agawin umano ng isa sa mga suspek ang baril ng…

Read More

ARMADONG NAGHAMON NG AWAY, TIMBOG SA PULIS

HINDI nakapalag ang isang 23-anyos na lalaki nang dis-armahan ng mga tauhan ng Intelligence Section ng Manila Police District-Sta Mesa Police Station 8, makaraang magsisisigaw sa gitna ng kalye at naghahamon ng away habang iwinawasiwas ang dagger knife noong Miyerkoles ng gabi sa panulukan ng Old Sta. Mesa at Albina Streets sa Sta. Mesa, Manila. Kinilala ang suspek na si alyas “John Rafael”, residente ng ng nasabing lugar. Base sa report ni Police Master Sergeant Joey Ygaña, kasama sina Police Staff Sergeant Mark Anthony Buan at Police Staff Sergeant Arnold…

Read More

P4.7-M SHABU NASABAT SA CAVITE BUY-BUST

CAVITE – Tinatayang mahigit sa P4.7 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa arestadong tatlong hinihinalang tulak sa parking area ng isang kilalang mall sa Bacoor City noong Huwebes ng hapon. Nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5, Sec. 26 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang narestong mga suspek na sina Faisal Amil y Salim, 31, security guard; Gringgo Guiamalon y Bulod, 33, at Esmail Abbas y Majid, 42, isang driver. Ayon sa ulat, bandang ala-1:40 ng hapon, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng…

Read More