Sa renovation ng Bahay Pangulo MARCOS INUNA LUHO KAYSA SIKMURA NG MASANG PINOY

(SAKSI NGAYON) IPINAPAKITA lang ng administrasyong Marcos na hindi nila alintana ang kahirapang namamayani sa halos kalahati ng pamilyang Pilipino kaya mas inuna nilang buhusan ng pondo ang pagpapaayos sa Bahay Pangulo. Obserbasyon ito ng maraming netizens kaugnay sa viral photos ng ni-renovate na opisyal na tirahan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at First Lady Liza Araneta-Marcos sa Bahay sa Palasyo ng Malacañang. Nauna nang binatikos ng grupong Bayan Muna ang anila’y maluho at mala-resort na tirahan ng mga Marcos. “The unveiling of President Bongbong Marcos’ newly renovated official…

Read More

SOLON DISMAYADO KAY BBM SA ‘DI PAGPAPAHALAGA SA IBA’T IBANG WIKA SA PINAS

DISMAYADO ang isang mambabatas kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dahil hinayaan nito mag-lapse into law ang panukalang batas na magtatanggal sa mother tongue bilang medium of instruction sa kindergarten hanggang Grade 3. Ayon kay ACT party-list Rep. France Castro, sa ginawa ni Marcos ay mistulang pagtalikod sa iba’t ibang wika sa Pilipinas kaya hindi nito naitago ang kanyang labis na pagkadismaya gayung maaari namang i-veto ito ng Pangulo. “Ang pag-abandona sa Mother Tongue ay pagtalikod sa iba’t ibang wika ng bansa at ang ambag nito sa iba’t ibang kultura…

Read More

15,000 MULA SA INDUSTRIYA NG SINING TUMANGGAP NG CASH AID MULA SA BPSF

INILUNSAD ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang isang malawak na programa na nagkakahalaga ng P75 milyon, na layuning magbigay ng tulong pinansyal at mga pagkakataon sa pagpapahusay ng kakayahan para sa mahigit 15,000 miyembro ng industriya ng sining, kabilang ang pinansyal na suporta at iba pang mga serbisyo ng pamahalaan. Ang event na may paksang “Paglinang sa Industriya ng Paglikha” ay ginaganap ngayong Linggo hanggang Lunes sa PhilSports Arena (ULTRA) sa Pasig City, na layuning itaguyod ang mga propesyonal mula sa sektor…

Read More

PINOY SA SAUDI ‘DI NAISALBA NG MARCOS ADMIN SA BITAY

BINITAY ang isang Pilipino sa Kingdom of Saudi Arabia dahil sa kasong pagpatay sa isang Saudi national. Sa isang mensahe, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega na ginawa ng departamento ang lahat ng posible sa kaso ng akusadong Pilipino kabilang na ang pagpapadala ng presidential letter of appeal, subalit nabigo lamang sila. “No official confirmation from Saudi authorities yet but yes, our Embassy in Riyadh reports that there was an execution. It was for murder of a Saudi national over money,” ayon kay De Vega.…

Read More

HALOS P100-M NAIPAMAHAGI NG BBM ADMIN SA DAVAO REGION

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Tingog Party-list Reps. Yedda K. Romualdez at Jude Acidre, Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian, at iba pang ahensya ang paghahatid ng halos P100 milyong halaga ng tulong sa may 11,808 benepisyaryo sa Davao Region kasama ang healthcare worker, estudyante, mga kabataan, at mga guro. Sa ilalim ng flagship program ni Pangulong Marcos na Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP), na pinasimulan ng Kamara de Representantes sa pangunguna ni Speaker Romualdez at DSWD…

Read More

Alyansa ng mga partido hindi plantsado LOCAL BETS NI BBM NAGBABARDAGULAN?

(BERNARD TAGUINOD) MAY hindi pagkakaunawaan sa mga lokal na kandidato ng mga partidong kabilang sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas (ABP) na binuo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa 2025 midterm election. Ito ang lumalabas matapos aminin ni ABP spokesman at Navotas Rep. Toby Tiangco na kaya siya nag-file agad ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) para sa kanyang reelection bid ay upang maharap ang problema sa local candidates. “Hindi pa. Kaya nga ako nag-file nang maaga kasi hanggang kagabi meron pa kaming inaayos (problema),” ani Tiangco nang…

Read More

Senatorial lineup ni BBM inismol ng netizens BAGONG PILIPINAS WALANG BAGO, PURO TRAPO

(CHRISTIAN DALE) DISMAYADO ang mga netizen sa inilabas na listahan ng mga pambato ng administrasyong Marcos sa pagkasenador sa midterm elections sa susunod na taon. Karamihan sa mga komento ay patutsada na budol ang slogan na Bagong Pilipinas ng Marcos admin dahil wala namang pagbabago kundi pareho pa rin na mga trapo at produkto ng dinastiya ang kanilang ilalako sa mga botante. Komento ng isang alyas Ricky: The Admin line up swarming with political butterflies and old recycled TRAPOS. Hindi nababagay ang Bagong Pilipinas na tagline ni BBM Jr dahil…

Read More

MARCOS NAIS PANAGUTIN SA HOARDING NG 20M KL BIGAS

KUNG may dapat panagutin sa pagho-hoard ng bigas sa Manila Port ay walang iba kundi si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Giit ito ng grupong Bantay Bigas at Amihan kaugnay ng 888 shipping containers sa Manila Port na naglalaman ng 20 milyong kilo ng bigas. “Sa lahat ng ito, walang ibang dapat managot kundi si Marcos dahil sa promotor siya ng Rice Liberalization Law, Executive Order No. 62 at iba pa,” ani Cathy Estavillo, secretary general ng Amihan at spokesman ng Bantay Bigas. Pinagbabantay rin ni Estavillo ang taumbayan dahil…

Read More

DURAN DURAN’ SA B-DAY BASH NI MARCOS, URI NG KORUPSYON

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) PARA sa maraming netizens, uri ng korupsyon ang pagpe-perform ng British pop band na Duran Duran sa bonggang birthday party ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kamakailan. Ito ay kahit pa sinasabi ng Malakanyang na libre at sorpresang handog ang party ng mga kaibigan ng pangulo. Maging abogado, law professor, at TV personality na si Dean Mel Sta. Maria ay sang-ayon dito. Katunayan, sa X platform ay nag-post din ang abogado ng ganito: “PUBLIC OFFICERS MUST LIVE MODEST LIVES. KUNG NIREGALUHAN ng malaking bagay ang isang politiko…

Read More