AABOT sa 90 porsyento o 73 sa 81 gobernador sa bansa ang nagpahayag na ng suporta sa kandidatura ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., kasabay ng kanilang pangako ng landslide victory sa darating na halalan sa Mayo 9. Dumating sa BBM headquarters sa Mandaluyong nitong Linggo ng gabi ang 16 na governors para igiit ang kanilang suporta kay Marcos. Ito ang ikalawang round ng pakikipagpulong ni Marcos sa mga gobernador para siguruhin ang tinatawag na “command votes” sa kanilang probinsya. “Yung sinabi ni Chavit (Singson) na almost 90 percent…
Read MoreCategory: BBM
Pagtiyak ni Gov. Petilla 80% NG BOTO SA LEYTE MAKOKOPO NI BBM
NANINIWALA si Governor Leopoldo Dominico Petilla na mananalo sa Leyte si Partido Federal ng Pilipinas standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. dahil tiyak na makakakuha ito ng 70 hanggang 80 porsyento ng boto mula sa kanyang lalawigan. Ibinahagi ni Petilla na ilang linggo na silang nakikipagkita sa mga residente at barangay officials sa iba’t ibang bayan at siyudad upang ipakilala si Marcos. “We have already endorsed BBM. This is just a rally to reiterate our support. Unang-una, galing siyang Leyte. Regionalistic tayo at talagang kinakampihan namin ang taga-rito. Endorsing him is…
Read MorePatunay ng epektibong panawagan para sa pagkakaisa GOYO AT GOMA KAPWA SUPORTADO BBM-SARA UNITEAM
BAGAMA’T magkalaban sa pagka-congressman ng 4th District ng Leyte sina Ormoc City Mayor Richard ‘Goma’ Gomez at dating Comelec Commissioner Gregorio ‘Goyo’ Larrazabal, ay nagkaisa naman sila sa desisyon na suportahan ang tambalan nina presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos at running mate na si Inday Sara Duterte. Dahil dito, lalong lumakas ang panawagan ng pagkakaisa nina BBM at Inday Sara na ngayon ay umaabot na sa iba’t ibang probinsya at mga bayan at lungsod sa bansa. Unang kinausap ni Marcos ang grupo ni Gomez at ang kanyang maybahay na si…
Read MoreSOUTHERN LEYTE 100% ANG SUPORTA SA BBM-SARA UNITEAM
PINANGUNAHAN ni Southern Leyte Governor Damian G. Mercado at iba pang mga opisyal ng lalawigan ang paglagda ng ‘statement of support’ nitong Sabado para ipakita na buo ang kanilang suporta sa tambalan nina presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at running mate niya na si Inday Sara Duterte. Kabilang sa lumagda si Vice Governor Coco Yao na ngayon ay tumatakbong congressman ng 2nd district ng lalawigan, at si Maasin City Mayor Nacional ‘Nikki’ V. Mercado. Kasama din sa pumirma ang walong board members , mga municipal mayors at representante ng…
Read More100K boto kalamangan ni BBM sa Samar, ipinangako ni Gov. Tan
IBINIGAY ng Catbalogan City at iba pang parte ng Samar ang kanilang buong suporta para sa tambalan nina presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr at kanyang running mate na si Inday Sara Duterte. Ito ang ipinakita ng mga Samarnons sa rally ng UniTeam nitong Biyernes matapos mapuno ang capitol compound ng lalawigan ng kanilang taga-suporta sa kabila ng malakas na ulan. Libo-libong taga-suporta sa loob at labas ang nag-abang para sa UniTeam. Nauna ng inendorso ni Samar Gov. Reynolds Michael Tan ang UniTeam at nanawagan sa kanyang mga nasasakupan na…
Read MoreRobredo tatambakan ng 19.5M boto – Pulse Asia BBM NAMUMURONG ‘MAJORITY PRESIDENT’
POSIBLENG si presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong” Marcos Jr., ang kauna-unahang “majority president” sa bansa sa ilalim ng multi-party setup, matapos mapanatili ang malaking lamang laban sa kanyang mga katunggali sa darating na halalan sa Mayo 9. Base sa resulta ng Pulse Asia survey nitong Miyerkules, nanatiling matatag si Marcos sa unang posisyon matapos makakuha ng 56% voter preference. Nasa malayong pangalawa si Leni Robredo na umiskor ng 24% habang si Isko Domagoso ay pangatlo na may 8%. Si Manny Pacquiao, ay nakakuha naman ng anim na porsyento habang si Panfilo…
Read More56% NI BONGBONG NILAMPASO 23% NI LENI Sa PUBLiCUS survey
PINATIBAY ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang kanyang patuloy na pagdomina sa kanyang mga karibal sa darating na 2022 elections sa pamamagitan ng pagrehistro ng 56% voter preference sa pinakabagong pre-election survey ng PUBLiCUS Asia. Halos isang buwan bago ang pambansang halalan sa Mayo 9, 2022, napipintong maging kauna-unahang majority president si Marcos sa ilalim ng isang multi-party na sistemang pampulitika. Ang voter preference ni Marcos sa PAHAYAG 2022 First Quarter Survey ay nagpakita ng napakalaking 33 percentage points na agwat sa kanyang pinakamalapit na katunggali para sa…
Read MoreBBM-SARA HAHAKOT NG SUPORTA – DEFENSOR
INAASAHAN na hahakot pa ng mas maraming suporta sa mga botanteng Pinoy ang UniTeam tandem nina dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (BBM) at Davao City Mayor Sara Duterte sa natitirang buwan bago ang halalan sa Mayo 9. Ito ang deklarasyon ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor kung pagbabasehan ang pinakahuling survey kung saan nangulelat ang ibang kandidato. “It’s the natural occurrence in every election. As voting nears and the dominant candidates emerge, people switch to the survey leaders. They will naturally choose the candidates they think will win,” ayon…
Read MoreBBM: OUT-OF-SCHOOL YOUTH GAWING PRODUKTIBO
PALALAKASIN ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang mga programa para sa ‘out-of-school youth’ (OSY) para mabigyan sila ng pagkakataon na maging mas produktibo at responsableng mamamayan ng kanilang mga komunidad. Sa inalabas ng datos ng Department of Education (DepEd) ngayong taon, nagkaroon ng halos apat na milyong kabataan ang hindi nakapag-enrol dahil sa COVID-19 pandemic. Ayon kay Marcos, mahalagang tutukan ang problemang ito na aniya ay nakababahala na sapagkat dumarami ang mga kabataan na hindi nabibigyan ng pagkakataon na makabalik sa kanilang pag-aaral. Aniya, wala pang pandemic ay…
Read More