MARCOS PANALO SA MGA PINOY NA MAY CELLPHONE, INTERNET AT FB ACCESS—LAYLO SURVEY

NAMAMAYAGPAG si presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., sa mga Filipino na mayroong cellphone, internet at Facebook access, ayon sa resulta ng Laylo Research survey na isinagawa nitong Marso. Sa Marso 15 hanggang 22, 2022 Laylo survey, nakakuha si Marcos ng pinakamataas na voter preference na 61 porsyento mula sa 3, 000 respondents na mayroong mobile phones. Malayong nasa pangalawang pwesto si Leni Robredo na nakakuha ng 18 porsyento, habang pangatlo si Isko Domagoso na may 10 porsyento; Manny Pacquiao, 10 porsyento; at Ping Lacson, dalawang porsyento. Sa mga respondents…

Read More

BBM UNBEATABLE PA RIN; LENI MALABO NANG MAKAHABOL—PULSE ASIA

INIHAYAG ni Pulse Asia Research Director, Ana Tabunda nitong Miyerkoles na nananatiling dominado ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang malaking kalamangan sa presidential race sa kabila ng bahagyang pagbaba ng kanyang bilang at maliwanag na hindi nito naapektuhan ang kanyang tsansa para magwagi sa darating na halalan sa Mayo 9. “His (Marcos) decline in is not significant nationwide,” ayon kay Tabunda sa panayam sa ANC News Channel, kasabay ng pahayag na malinaw na hindi naapektuhan si Marcos sa mga ibinabatong isyu sa kanya. Idinagdag pa ni Tabunda na…

Read More

Pinas may potensiyal na manguna sa wind power production sa buong mundo – Bongbong

ISUSULONG ni Presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang mga reporma sa regulasyon at patakaran para maging isang major wind power producer ang Pilipinas sakaling siya ang palarin sa darating na 2022 national elections. Naniniwala ang UniTeam presidential bet na ang wind power, kasama ang iba pang Renewable Energy (RE) sources, ay makakatulong sa bansa na mapababa ang presyo ng kuryente nito upang lalong makaakit ng mas maraming dayuhang mamumuhunan matapos ang pandemya. “We have the potential to be a major wind power producer in the world. Our unique topography…

Read More

JPE: CARPIO HINDI NAIINTINDIHAN ANG BATAS SA PAGBUBUWIS

BINARA ni dating Senate President Juan Ponce Enrile ang propagandista ng mga dilawan na si Atty. Antonio Carpio na hindi umano naiintindihan ang batas ukol sa mga buwis dahil sa mali at walang basehang pag-iingay nito ukol sa estate tax ng pamilya Marcos. Kasabay nito, iginiit ni Enrile na wala siyang nakikitang ibang dahilan sa isyu kundi pulitika lalo na at isang buwan na lamang bago maghalalan sa Mayo 9. “Alam ninyo, mga kababayan pulitika ngayon eh bago kayo maghusga, bago kayo maniwala, makinig kayo. Bago kayo maniwala isipin muna…

Read More

BBM pinuri ang mga barangay workers, volunteers sa matagumpay na vaccine program

bbm

Binigyan ng pagpupugay ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, ang mga barangay officials, workers, at volunteers dahil sa kanilang kabayanihan na naging daan upang maging matagumpay ang national vaccination program ng pamahalaan kontra Covid19. Sa kanyang talumpati sa harap ng mga barangay officials, workers, at volunteers kamakailan, sinabi Marcos sa kanila na malaki ang kanilang naging ambag upang muling makabangon ang bansa. “Ako’y nagpapasalamat sa trabaho na ginawa ng ating barangay officials at ng ating barangay volunteers dito sa pandemiya. Kung hindi sa inyo ay hindi talaga naging maganda ang…

Read More

JPE: ESTATE TAX, HINDI UTANG NI BBM

WALANG pananagutan si presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., hinggil sa estate tax na pilit ibinabato sa kanya ng mga kalaban. Ayon kay dating Senate President Juan Ponce Enrile, ang anumang tax liabilities na kinakaharap ngayon ng Marcos estate ay hindi maaaring ipasa kay BBM, lalo’t karamihan sa mga ito ay dinidinig pa hanggang ngayon sa Court of Appeals at Supreme Court. Si Enrile, kilalang tax expert ay nagtapos ng Masters of Laws degree sa Harvard School of Law na may specialization sa international tax law. Sinabi nitong bago dapat…

Read More

BIR OFFICIALS SINUPALPAL SI CARPIO ET AL; TAGAPAGMANA NI MARCOS HINDI PWEDENG PAPANAGUTIN SA P203B ESTATE TAX

BINASAG ng mga regional director at mga district official ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa buong bansa ang kanilang katahimikan at ibinunyag na ang mga tagapagmana at administrador ng estate ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ay hindi pwedeng papanagutin sa P203 bilyong estate tax assessment. Kinontra ng mga opisyal ang pahayag nina dating Supreme Court Justice Antonio Carpio at presidential wannabes Isko Domagoso, Manny Pacquiao, Leni Robredo at iba pa, kasabay ng paliwanag na ang estate tax ay ipinapataw sa real at personal property ng namatay na tao…

Read More

10 PANG GOBERNADOR SUPORTADO SI MARCOS; NANGAKONG BABANTAYAN ANG BOTO NI BBM

bbm

SAMPU pang gobernador mula sa iba’t ibang lugar sa bansa ang nagpahayag ng buong suporta kay presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., sa isang pulong nitong Linggo ng gabi sa BBM national headquarters sa Mandaluyong. Bukod sa kanilang mga concern at mga priority program sa kanilang probinsya, tinalakay sa pagpupulong ang mga hakbang kung paano mapo-protektahan ang boto sa darating na halalan sa Mayo 9. “Vote protection, yun ang aming napagusapan para makatiyak tayo na maganda ang takbo ng halalan. Mabilang lahat ng boto at hindi magka-problema,” saad ni Marcos.…

Read More

KALINGA, PAGKILALA SA OFWs IBIBIGAY NG BBM-SARA UNITEAM

bbm

TIYAK na proteksyon at mas maraming benepisyo para sa kanilang mga pamilya ang pangako ng BBM-Sara UniTeam para sa overseas Filipino workers (OFWs). Sa ginanap na miting de avance, isang online dialogue kasama ang mga OFWs, nilahad ni Partido Federal ng Pilipinas standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang kaniyang plano na maayos ang pagbalik ng mga modern-day heroes na malaki ang kontribusyon sa ekonomiya ng bansa. “Kailangang kilalanin natin ang paghihirap ng ating mga OFWs. Ang remittance nila ang bumuhay sa ating ekonomiya nitong pandemiya. Ang mga remittance nila ay…

Read More