PATULOY na dumarami at nadaragdagan ang mga nag-eendorso sa tambalan nina presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at kanyang running-mate na si Inday Sara Duterte. Ito ay matapos magpahayag ng suporta ang dalawampung alkalde sa Bulacan na ika-lima sa vote-rich province para sa May 9, 2022 elections. Inilabas ng mga miyembro ng Mayors League Bulacan Chapter ang kanilang Manifesto of Support para sa kandidatura ng BBM- Sara UniTeam. “We, the municipal mayors comprising the Mayor’s League Bulacan Chapter, express our full support to the Presidential and Vice Presidential bid of…
Read MoreCategory: BBM
Pula na at hindi dilaw ang Tarlac!
Ito ang napatunayan nang mainit na sinalubong ng libo- libong Tarlakenyo si presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., kasama ang buong slate ng UniTeam na isang malaking sorpresa sa kasaysayan ng 2022 national elections. Ang pagbisita ng UniTeam ay isang linggo halos mula nang magpakita sa publiko si Kris Aquino upang i-endorso si Leni Robredo na nagsabing ang kanilang lalawigan ay nananatiling dilaw. Marami naman ang nagulat nang maglabasan sa kalsada ang mga Tarlakenyo upang ipakita ang mainit nilang pagsalubong kay Marcos na nagsagawa ng caravan. Ang motorcade na dapat…
Read MoreTodong suporta , proteksyon ibibigay ng BBM-Sara UniTeam sa mga OFWs, kanilang pamilya
Tiyak na proteksiyon at mas maraming benepisyo para sa kanilang mga pamilya ang pangako ng BBM-Sara UniTeam para sa mga overseas Filipino workers (OFWs). Sa ginanap na miting de avance, isang online dialogue kasama ang mga OFWs, nilahad ni Partido Federal ng Pilipinas standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr ang kaniyang plano na maayos ang pagbalik ng mga modern-day heroes’ na siyang malaki ang kontribusiyon sa ekonomiya ng bansa. “Kailangang kilalanin natin ang paghihirap ng ating mga OFWs. Ang remittance nila ang bumuhay sa ating ekonomiya nitong pandemiya. Ang mga remittance…
Read MoreBUKIDNON TINODO SUPORTA SA BBM-SARA UNITEAM
‘DI mahulugang karayom sa dami ang mga taong pumunta sa rally ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at running mate na si Inday Sara Duterte na ginanap sa capitol ground ng Malaybalay City, Bukidnon nitong Huwebes. Bago magtungo sa UniTeam grand rally nagkaroon muna si BBM ng maiksing caravan papunta sa Valencia City, Bukidnon upang pasinayaan ang bagong BBM-Sara UniTeam headquarters. Mula sa roadhouse kung saan nagsimula ang caravan inabangan na si Marcos ng kanyang supporters na todo ang hiyawan at sigawan. Tumagal ang caravan ng halos dalawang oras…
Read MoreBBM-SARA LANDSLIDE WIN SA LANAO DEL SUR Siniguro ni Gov. Adiong
WALANG pag-aalinlangan at buo ang suportang ipinakita ni Lanao del Sur Governor Mamintal Alonto Adiong Jr.kasama ang buong lalawigan sa tambalan nina presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at vice-presidential frontrunner Mayor Inday Sara Duterte. Sa ginanap na rally sa Lanao del Sur provincial gymnasium kamakailan ipinakita ng Lanaoeños na buo ang kanilang suporta para sa BBM-Sara UniTeam. Unang nagkaroon ng mini- rally ang UniTeam sa Marawi City gymnasium na dinaluhan ng libo-libong supporters. Sa talumpati ni Gov. Adiong ay sinabi nito na buo ang suporta ng Lanao del Sur…
Read MoreISKO NA-ISKAM SA ENDORSEMENT NG PEKENG GRUPO
TINAWAG na peke at walang saysay ng tunay na pamunuan ng Partido Federal ng Pilipinas ang lumabas na pahayag ng pagsuporta para sa kandidatura ni Isko Domagoso ng anila’y nagpapanggap na national chairman ng partido na si Abubakar Mangelen. Sa isang pahayag, tinawag na “fake news” ni PFP national secretary-general Gen. Tom GT Lantion ang pahayag dahil iisang kandidato lamang aniya ang ine-endorso ng kanilang partido at ito ay si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr na kanilang standard-bearer. “The Legitimate and accredited PFP National Directorate, PFP officers’ men and women members…
Read MorePANGANGALAGA SA KALIKASAN UNA SA UNITEAM
ANG pangangalaga at pagbibigay proteksyon sa kalikasan ang isa sa mga prayoridad ng UniTeam, ayon kay Partido Federal ng Pilipinas standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos. Binigyang-diin ni Marcos na nagkakaisa sila ng kanyang running mate na si Inday Sara Duterte sa adhikain na ito kasama na ang pagpapalakas ng kakayahan ng bansa na matugunan ang problema sa climate change. “Matagal ko na itong adhikain kaya naman marami akong ipinasang panukalang-batas noong ako ay nasa Kongreso at sa Senado na naglalayong proteksyunan at pangalagaan ang kalikasan. Ganun din ang aking tandem na…
Read MoreMahirap nang talunin sa May 9 – Kalye survey BBM NANGUNA SA 60 PROBINSIYA
MAGTATALA ng makasaysayan, malawakan, malakihan at hindi na maawat na tagumpay sa darating na May 9 elections ang nangungunang standard bearer ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. Base ito mismo sa pinakabagong resulta ng Kalye Survey kung saan ay lalo pang umangat ang numero ni Marcos dahil sa 67 probinsiya sa bansa ay malayo ang kalamangan nito sa 60 lalawigan kumpara sa mga kalaban. Ibinase ang numero mula sa mga ‘tabulation’ sa lahat ng Kalye Survey na isinagawa sa iba’t ibang panig ng bansa…
Read MorePOLITICAL RALLY NG UNITEAM DINUMOG NG 120,000 TAO
UMABOT sa 120,000 supporters ang dumalo sa political rally na isinagawa nina presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos at running mate niya na si Inday Sara Duterte sa Digos City, Davao del Sur nitong Miyerkules ng gabi. Kasabay nito, lubos na nagpasalamat si Marcos sa kanilang mga taga-suporta dahil sa malugod na pagtanggap sa kanya at kay Inday Sara ng buong Davao Region. Unang pinuntahan ng tambalang Marcos at Duterte ang Carmen, Davao del Norte, bagamat mainit ang panahon ay hindi pa rin napigilan ang mga libo-libong tao na umantabay at…
Read More