BBM: MARCH 15 IDEKLARANG FRONTLINERS DAY

KUNG si presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang masusunod, dapat ideklara bilang ‘Frontliners Day’ ang March 15 bilang pagkilala sa mga makabagong bayani ng bansa na buong tapang na sinagupa ang panganib ng COVID-19. Kung matatandaan, March 15, 2020 nang ideklara ang kauna-unahang pinakamahigpit na ‘enhanced community quarantine’ (ECQ) sa Pilipinas dahil sa mabilis na pagkalat ng nakamamatay na coronavirus na sumalanta sa buong mundo. Sinabi ng standard-bearer ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na kung siya ang masusunod, dapat ay magpatibay ng batas na kikilalanin bilang Frontliners Day…

Read More

UniTeam lalagyan ng pondo, itutuloy ang natigil na CHED scholarship program

NANINDIGAN sina presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos at ang kanyang running-mate na si Inday Sara Duterte na ibabalik ang scholarship program ng Commission on Higher Education (CHED) na sinuspinde dahil sa kakulangan ng pondo sakaling manalo sila sa darating na 2022 national elections. Tumugon ang UniTeam bets sa pahayag ng CHED kamakailan na nagsasabing pansamantalang sinususpinde ang CHED Scholarship Program (CSP) para sa mga first-year college students ngayong Academic Year (AY) 2022-2023. “The UniTeam stands firm in its belief that investing in the education of our youth should be a…

Read More

PAGKAKAISA NG UNITEAM NIYAKAP NA NG SIMBAHAN

MISMONG mga taong simbahan na ang yumayakap ngayon sa panawagang pagkakaisa ng tambalan nina presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., at running-mate na si Inday Sara Duterte, kasabay ng pag-ayon na ito lamang ang susi upang tuluyan nang umunlad ang bansa. Si Bishop Leopoldo Jaucian ng Diocese of Bangued sa Abra ang nanguna sa pag-pray over at pagbibigay ng bendisyon kina Marcos at Inday Sara nang bumisita sa kanya ang UniTeam nitong nakalipas na Miyerkoles. Sinabi ni Bishop Jaucian na ang panawagang pagkakaisa nina Marcos ang isa sa pinakamatibay na…

Read More

MOA PINAWALANG BISA NG COMELEC DAHIL SA MASAMANG RECORD NG RAPPLER

GAMIT ang petisyon na isinampa ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Korte Suprema, ipinahinto ng Commission on Elections (Comelec) nitong Martes ang kanilang Memorandum of Agreement (MOA) sa online news website na Rappler. Sa isang memorandum na inisyu kay Comelec spokesman James Jimenez, binanggit ni acting Chairperson Socorro Inting ang mga isyu na inilabas ng OSG laban sa Rappler kaya niya ipinag-utos na ipatigil ang kasunduan. “Given the allegations against Rappler and the subsequent filing of the Petition with the Supreme Court, it is judicious for the Commission…

Read More

GAME OVER! MAY 9 ELECTION LABANAN NA LAMANG SA 2ND PLACE – KALYE SURVE

PAG-AAGAWAN na lamang para sa ikalawang pwesto sa darating na halalan sa Mayo 9 ng mga katunggali ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang inaasahan, matapos na naman siyang mamayagpag sa pinakahuling real-time, real-man-on-the-street survey at iba pang formal survey. Ito ay ayon sa SPLAT Communications, base sa kanilang analysis sa pinakahuling Kalye Survey na isinagawa sa iba’t ibang panig ng bansa nitong Pebrero 24. “BBM has the majority in all the clusters nationwide. That, in itself, is proof that at this stage, he is…

Read More

UNITEAM MAINIT NA SINALUBONG NG MGA BULAKENYO

MAINIT ang naging pagtanggap ng libu-libong Bulakenyo sa tandem nina Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Bongbong Marcos at Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) vice presidential bet Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio para sa nalalapit na 2022 national at local elections sa isinagawang whole-day campaign sortie ng BBM-Sara UniTeam kahapon, Marso 8 sa lalawigan ng Bulacan. Unang bumaba ang BBM-Sara UniTeam sa bayan ng Guiguinto kung saan halos nasa 25,000 ang dumagsa sa Municipal Oval dito at sila ay mainit na sinalubong ng mga opisyal na kandidato ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas…

Read More

DEKALIDAD NA TRABAHO PARARAMIHIN NG UNITEAM

SINABI ni UniTeam presidential bet Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at kanyang running-mate na si Inday Sara Duterte na isusulong nila ang mga reporma sa paggawa upang matugunan ang hindi pagkakatugma ng edukasyon at trabaho kapag nanalo sila sa darating na 2022 national elections. Problema maging sa mga mauunlad na bansa, ang education-job mismatch ay nangyayari kapag ang antas ng edukasyon ng isang indibidwal ay iba sa antas ng edukasyon na angkop para sa napupusuang trabaho. Ito ay madalas na nagreresulta sa pagkadismaya ng isang manggagawa at kadalasang humahantong sa pag-alis…

Read More

Statement on Erin Tañada’s misinformation:

“Mr. Tañada is perfectly right in saying that leadership is about honoring commitments — the very same reason why presidential candidate Bongbong Marcos cannot be in two different places at one given time. He had to politely beg off media interviews, sometimes skip debates and fora in order to honor his promise to meet with grassroots leaders, join caravans and attend campaign rallies that have been scheduled way ahead of the requests for media appearances. He can take the consequences for not attending the debates and media fora, but not…

Read More

UniTeam suportado ang paggamit ng nuclear energy para sa mas murang kuryente

PABIBILISIN nina presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at kanyang running-mate na si Inday Sara Duterte ang proseso upang maisaayos at agarang magamit ang nuclear power sa paglikha ng kuryente sa bansa sakaling manalo sila sa darating na 2022 elections. Ito ang naging tugon ng UniTeam sa paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Executive Order (EO) No. 164, na nagdedetalye ng mga magiging pamantayan ng bansa sa paggamit ng nuclear energy habang isinasaalang-alang ang mga layunin sa ekonomiya, pulitika, panlipunan, at kapaligiran ng bansa. Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang nasabing…

Read More