11 mayors all in sa UniTeam SUPORTA NG TAWI-TAWI NAKUHA NG BBM-SARA TANDEM

NAGPASA ng resolusyon ang provincial government ng Tawi-Tawi sa ilalim ng Tawi-Tawi One Party (TOP) nitong Lunes para ideklara na opisyal nilang kandidato sa darating na halalan sina presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong” Marcos Jr. at running-mate Inday Sara Duterte. Sa isang pahinang resolusyon na nilagdaan ng mga lokal na opisyal sa pangunguna ni Tawi-Tawi Gov. Yshmael “Mang” Sali, chairman ng TOP, sinabi nila na napag-desisyunan nilang suportahan ang BBM-Sara UniTeam dahil tiwala sila na matutulungan sila sa muling pag-unlad ng kanilang ekonomiya lalo na sa muling pagbangon mula sa pandemya…

Read More

Magkakalabang politiko sa Masbate NAGKAISA PARA SA UNITEAM

SINA presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at kanyang running-mate na si Inday Sara Duterte ang napiling pambato ng buong lalawigan ng Masbate nang pirmahan nitong Sabado ng mga lokal na opisyal sa pangunguna ni Governor Antonio T. Kho ang “manifesto of support” para sa kanilang tambalan. Binisita ni Marcos nitong Sabado ang lalawigan ng Masbate, kung saan nagkaroon ng caravan patungo sa Freedom Park, sa harapan ng Masbate Provincial Hall na pinag-ganapan ng UniTeam grand rally. Sa caravan ay magkakasama sina Marcos, Gob. Kho at Partido Federal ng Pilipinas…

Read More

BBM-SARA KASANGGA NG BRGY. OFFICIALS

KINILALA ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang kahalagahan at kabayanihan ng barangay officials sa bansa, higit lalo sa nakalipas na pandemya at sa tuwing nalalagay sa anomang sakuna’t trahedya ang mga komunidad sa bansa. Dahil dito, sinabi ni Marcos na sakaling manalo sa darating na May 9 national elections, tinitiyak niyang ipagkakaloob ang lahat ng pangangailangan ng mga local chief executives upang magampanan nila nang mas maayos ang kanilang mga tungkulin. “ Kahit gaano kaganda at gaano kahusay ang serbisyo na ibinibigay ng national…

Read More

BBM sa mga barangay officials: ‘May kakampi kayo sa amin ni Mayor Inday Sara’

KINILALA ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang kahalagahan at kabayanihan ng mga barangay officials sa bansa, higit lalo sa nakalipas na pandemya at sa tuwing nalalagay sa anumang sakuna’t trahedya ang mga komunidad sa bansa. Dahil dito, sinabi ni Marcos na sakaling manalo sa darating na May 9 national elections, tinitiyak niyang ipagkakaloob ang lahat ng pangangailangan ng mga local chief executives upang magampanan nila ng mas maayos ang kanilang mga tungkulin. “Kahit gaano kaganda at gaano kahusay ang serbisyo na ibinibigay ng national…

Read More

47% ang layo sa ibang kandidato 59% NG BOTANTENG PINOY TIWALA KAY BBM

LUMABAS sa isang pre-election survey kamakailan na si Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang pinaka-pinagkakatiwalaang kandidato sa pagkapangulo sa darating na 2022 elections. Sa pinakahuling bersyon ng presidential voter preference survey ng Laylo Research, nakakuha si Marcos ng net trust rating na +59, na nagpapahiwatig ng malalim na motibasyon sa mga Pilipinong botante na ihalal siya bilang unang mayoryang presidente ng bansa. Lumamang ng 47 puntos ang trust rating ni Marcos kaysa sa pinakamalapit na contender na si Manila Mayor Isko Moreno, na nakakuha lamang…

Read More

Sa masiglang ekonomiya SAHOD NG OBRERO TIYAK TATAAS – BBM

TINIYAK ni presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na tutugunan niya ang hinihinging dagdag pasahod ng mga manggagawa sakaling palarin na manalo sa darating na halalan. Ayon kay Marcos, ramdam at batid niya ang pangangailangan ng mga obrerong Pinoy, ngunit kailangan muna aniyang patatagin ang kalakaran sa bansa upang makabalik ang mga kompanyang tinamaan nang husto sa pandemya. “Alam natin ang pangangailangan ng sektor ng paggawa na kailangan ding taasan ang sahod pero dahil nga hindi pa tayo nakakabangon mula sa pandemya ay siguraduhin muna nating pasiglahin ang kalakalan,” ani…

Read More

UNITEAM NANAWAGAN NA BANTAYAN ANG OIL PRICE HIKE DAHIL SA RUSSIA-UKRAINE CONFLICT

NANAWAGAN ang BBM-Sara UniTeam sa pamahalaan na gawin ang lahat ng paraan upang mapigilan at bantayan ang posibleng pagsirit ng presyo ng langis at mga pangunahing bilihin kabilang ang pagkain na maaring maging epekto nang tumitinding digmaan sa pagitan ng mga bansang Russia at Ukraine. Sinabi ng UniTeam na sa harap ng sunod-sunod na pagsubok ng mga mamamayan dahil sa pandemya, hindi makatwiran na madagdagan pa ang paghihirap ng mga Pinoy dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis. “Masyadong magiging mabigat para sa ating mga kababayan kung lalo…

Read More

BBM LABIS ANG TUWA SA MAINIT NA PAGTANGGAP SA UNITEAM NG MGA BICOLANO

bbm

LABIS-LABIS ang pasasalamat at paghanga ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa mga Bicolano sa mainit nilang pagsalubong sa pagbisita ng BBM-Sara UniTeam sa Sorsogon noong Biyernes. Ang buong Sorsogon City Capitol compound ay nagkulay pula at berde nang dumagsa ang libu-libong supporters ng UniTeam. “Napakataas ng araw at napakainit ng panahon pero ‘yung salubong pala na ibibigay n’yo sa akin ay mas mainit pa. Alam ko po na marami sa inyo ang maaga pa kaninang nandito. Nagtiyagang nakatayo sa ilalim ng araw, pero hindi…

Read More

Taktikang desperado, di uubra BOYCOTT SA DEBATE NG UNITEAM, FAKE NEWS

SA hangaring hilahin pababa ang mataas na preference rating ng nangungunang tambalan sa nalalapit na halalan sa Mayo, isang bulaang pahayag ang ikinabit diumano sa tagapagsalita ng nangungunang kandidato sa posiyon ng Pangulo. Giit ni Atty. Vic Rodriguez na tumatayong chief-of-staff at spokesperson ni Marcos, hindi niya kailanman sinabing “Wala nang debate para sa mga kandidato ng UniTeam mula sa Presidente hanggang konsehal,” kasabay ng pasaring na indikasyon aniya ang mga kumakalat na fake news sa social media kung gaano kataas na ang antas ng nerbyos ng iba pang kampo…

Read More