INIHAYAG ni senatorial candidate at incumbent Sorsogon Gob. Chiz Escudero na posible na abot-kamay na ang tagumpay ni presidential bet Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa halalan sa Mayo 9 kung mapapanatili niya ang malaking kalamangan sa mga survey sa susunod na buwan. Ito ang sinabi ni Escudero sa isang panayam sa kanyang tahanan sa Sorsogon, isang araw bago ang caravan at campaign sortie ni Marcos at kanyang UniTeam sa probinsya. “If numbers in surveys will not change by next month, chances are Bonget (BBM) will win it,” ayon kay Escudero…
Read MoreCategory: BBM
On the fake information being circulated on social media
The statement being attributed to me with the title, “WALA NG DEBATE PARA SA MGA KANDIDATO NG UNITEAM MAGMULA PRESIDENTE HANGGANG KONSEHAL,” is a complete falsity and downright lie. Isa po syang fake news o pekeng impormasyon na may layong iligaw ang ating mga kababayan mula sa katotohanan. There is no such statement coming from me nor the BBM-Sara UniTeam. This stunt is part of the continuing “gutter politics” our adversaries have employed against presidential candidate Bongbong Marcos and, out of their desperation, will only get worse as we progress…
Read More10 ALKALDE SA QUEZON PROVINCE NAGDEKLARA NG SUPORTA SA BBM-SARA UNITEAM
SAMPUNG incumbent mayor mula sa Lalawigan ng Quezon ang nagpahayag ng pagsuporta sa kandidatura ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. kasabay ng pagsasabi na ang BBM-Sara UniTeam lamang ang kanilang pag-asa para sa tunay na pag-unlad ng kanilang probinsya. Personal na bumisita sa BBM headquarters sa EDSA, Mandaluyong City nitong Huwebes sina Lucban Mayor Oliver Dator, Guinayangan Mayor Cesar Isaac, Jomalig Mayor Rodel Espiritu, at Padre Burgos Mayor Ben Uy Diokno. Kasama rin nila sina Patnanungan Mayor Roderick Larita, Plaridel Mayor Bernard Tumagay, Burdeos…
Read MoreSingson positibo sa landslide win BBM-SARA UNITEAM SUPORTADO NG 1,194 MAYORS
PUMALO na sa 1,194 alkaldeng kasapi ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) ang nagbigay ng syento-por-syentong suporta sa tambalan nina dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte sa nalalapit na presidential derby sa Mayo. Sa isang kalatas, hayagang tinumbok ni LMP national president at Narvacan, Ilocos Sur Mayor Luis “Chavit” Singson ang nagbabadyang landslide win ng UniTeam nina Marcos ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at Duterte ng Lakas-CMD, sa ibinuhos na sentimyento ng 80% ng 1,498 municipal mayors na dumalo sa 2022 LMP…
Read MoreOn Bongbong Marcos’ estate tax and other issues raised by Mr. Ramel
“For the enlightenment of Mr. Ramel, this case is hinged on a legal issue that has yet to attain finality since the government through the public prosecutors has filed a Motion for Reconsideration with the Sandiganbayan, on the forfeiture proceedings on the very same properties that were made the tax base in the computation of the estate tax by the BIR thus, the properties subject of the estate tax case are still under litigation. In fact, even the Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Presidential Commission on Good Government…
Read More63% ni Bongbong bandera sa Laylo Research survey; 46% ang layo sa kasunod na kandidato
PUMALO pa sa napakataas na 46% ang lamang ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. laban sa kanyang malayong karibal sa karerang pampanguluhan, ayon sa survey ng Laylo Research na isinagawa mula Pebrero 14 hanggang 21, 2022. Ito’y matapos magtala si Marcos ng solidong 63% na voter preference mula sa 3,000 respondents sa survey. Patunay na suportado ng mayorya ng mga Pilipino ang kanyang kandidatura, dahil 6 sa 10 botante ang pinili siya kumpara sa ibang kandidato. Samantala, si Marcos ay namintene ang milya-milyang layo kay…
Read MoreBBM-SARA UNITEAM SUPORTADO NG LIBONG PINOY GRAPHIC ARTISTS
HIGIT pang nadagdagan ang hanay ng mga sumusuporta sa BBM-Sara UniTeam matapos isulong ang kanilang kandidatura ng mga graphic artist na nakabase sa Pilipinas at abroad, sa pagsasabing sina presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at vice presidential bet Inday Sara Duterte ang tamang tambalan na makatutulong at magpapaunlad hindi lamang sa kanilang industriya kundi sa buhay mismo ng mamamayang Pilipino. Karamihan sa mga graphic artist ay miyembro ng GRAPOWA (Graphic Arts Filipino Overseas Workers International Inc.), na isa sa pinakamalaking samahan ng graphic artists sa bansa. “Whereas, we have…
Read MoreUNITEAM NANAWAGAN NA BANTAYAN ANG OIL PRICE HIKE DAHIL SA RUSSIA-UKRAINE CONFLICT
NANAWAGAN ang BBM-Sara UniTeam sa pamahalaan na gawin ang lahat ng paraan upang mapigilan at bantayan ang posibleng pagsirit ng presyo ng langis at mga pangunahing bilihin kabilang ang pagkain na maaring maging epekto nang tumitinding digmaan sa pagitan ng mga bansang Russia at Ukraine. Sinabi ng UniTeam na sa harap ng sunod-sunod na pagsubok ng mga mamamayan dahil sa pandemya, hindi makatwiran na madagdagan pa ang paghihirap ng mga Pinoy dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis. “Masyadong magiging mabigat para sa ating mga kababayan kung lalo…
Read MoreBBM BUBUHAYIN ANG ‘BICOL EXPRESS’
DETERMINADO si presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na kailangang pagandahin at ayusin ang sektor ng transportasyon sa Bicol Region kaya ito ang isa sa magiging prayoridad niya sakaling manalo sa halalan sa Mayo 9. Aniya alinsunod ito sa kanyang adhikain na palaganapin at palakasin pa ang mass transport system sa bansa para na rin sa mas mabilis at maayos na biyahe ng mga tao at produkto na magreresulta naman sa mas maunlad na kalakalan at ekonomiya. “Madalas nating marinig noon ang salitang ‘Bicol Express’ patungkol sa mga tren na…
Read More