PBBM NAGBAGO TONO SA ALYANSA RALLY

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang kampanya ng admin Senate slate sa Ynares Event Center sa Antipolo City nitong Sabado. Muli niyang itinaas ang kamay ng kanyang mga pambato na sina (mula kanan) Erwin Tulfo, Vicente Sotto III, Ping Lacson, Bong Revilla Jr., Benhur Abalos, Camille Villar, Abby Binay, Pia Cayetano, Lito Lapid at Francis Tolentino. (DANNY BACOLOD)

KAPANSIN-PANSIN na nagbago ang tono ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pag-endorso sa kanyang senatorial slate matapos tuluyang kumalas ang kapatid na si reelectionist Senator Imee Marcos mula sa ticket.

Sa mga nakalipas na campaign rally kasi ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, palaging nagtatapos ang talumpati ng Pangulo sa “Labingdalawa, Alyansa!”

Subalit sa campaign rally sa Antipolo City, Rizal, ang sigaw ng Pangulo ay “Alyansa all the way!”

“Kaya sa Mayo po, ‘wag na kayong magdalawang-isip. Alyansa all the way! Alyansa sa bagong Pilipinas!” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

Ito ang kauna-unahang campaign rally simula nang kumalas si Imee sa administration slate.

(CHRISTIAN DALE)

94

Related posts

Leave a Comment