(CHRISTIAN DALE/DANG SAMSON-GARCIA) UMAPELA na ang iba’t ibang indibidwal at grupo sa kampo ng mga Marcos at Duterte na pahupain ang tensyon para sa kapakanan ng bayan. “Cool it down for the sake of the country,” ang pahayag ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile sa lumalalim na away nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte. “I think the less we talk about that, the better. My God, we are one country, one people. We have to fight our political debates in a very straightforward manner.…
Read MoreCategory: BBM
BANTA NI VP SARA LABAN KINA PBBM, FL, SPEAKER ROMUALDEZ LAMAN NG BALITA SA BUONG MUNDO
LAMAN ng halos lahat ng telebisyon, dyaryo, at online news sa buong mundo ang banta ni Vice President Sara Duterte noong Biyernes ng gabi na pinapapatay nito sa isang “hitman” si Pangulong Marcos at asawa nitong si Liza, at Speaker Martin Romualdez kung sakali na siya ay mapatay. Ilan sa mga kilalang news organization na binalita ang pagbabanta ni VP laban kay PBBM ang CNN, Bloomberg, Reuters, Associated Press ng Amerika, Agence France Presse ng France, ABC, CBS, Fox News, Strait Times ng Singapore, Nikkei TV ng Japan at ilan…
Read MoreAYUDA POLICY’ NI BBM SAPOL KAY VP SARA
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MISTULANG patutsada sa administrasyong Marcos Jr. ang pahayag ni Vice President Sara Duterte kamakalawa na ‘good governance’ ang kailangan para umunlad ang bayan at hindi ayuda. Sa isang panayam, sinabi ng Bise Presidente na good governance pa rin ang susi sa pag-unlad ng bansa at hindi ayuda ang solusyon sa problema ng mga tao. “We (OVP) still believe and it is our platform and it is in our budget na ‘good governance is the key to nation-building.” “Hindi nasosolusyunan ng ayuda ‘yung problema ng mga tao.…
Read More‘Baka nakawin lang’ DAGDAG FLOOD CONTROL BUDGET PINATATABLA
TIYAK na nanakawin lang ang hinihingi umano ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na karagdagang flood control projects matapos ang pananalasa ng magkakasunod na bagyo na puminsala sa mga proyektong ito lalo na sa Bicol region. Ito ang ikinababahala ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel kaya hiniling nito sa Senado na imbes na dagdagan ang flood control projects ay dapat gamitin ang pondo sa loss recovery, agrikultura at industrial productivity, climate adaptation at quick response disaster preparedness. “If we follow Marcos, Jr.’s call to increase the flood control infrastructure budget,…
Read MorePaalala sa mga nasa gobyerno CHRISTMAS PARTY SIMPLEHAN LANG
(CHRISTIAN DALE) HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na iwasan ang marangyang pagdiriwang ngayong Pasko bilang pakikiisa na rin sa libo-libong Pilipino na nagdurusa dahil sa sunod-sunod na bigwas ng bagyo sa bansa. Sa isang kalatas, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na walang dahilan para magpalabas pa ng kautusan dahil naniniwala at nagtitiwala sila sa kabutihan ng government workers na “can unilaterally adopt austerity in their celebration.” “Alinsunod sa panawagan ng ating Pangulo, hinihikayat namin ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na iwasan…
Read MorePULSO NG PINOY MATATAG KAY PBBM, PAGTINGIN KAY VP SARA NAGBAGO – RPMD
NAGPAPAKITA ang ‘Boses ng Bayan’ survey para sa ikatlong kwarter ng RPMD Foundation Inc. (RPMD) ng matibay at tuloy-tuloy na suporta para kay Pres. Bongbong Marcos Jr., na may 76% na ‘trust rating’ at 74% ‘approval rating’. Bagaman bahagyang bumaba ng 1% ang ratings, binigyang-diin ni Dr. Paul Martinez na ang mga pagbabagong ito ay nasa loob ng margin of error, at sinabi niyang, “This stability signifies that Filipinos retain the same ‘heartbeat’ for the President’s leadership as seen in the previous quarters results.” Ang survey ay nagpapakita ng kumpiyansa…
Read MoreBBM ADMIN DEDMA SA OIL PRICE HIKE
BAGAMA’T lalong nababaon sa kahirapan ang sambayanang Pilipino sa oil price hikes, mistulang dedma o walang pakialam dito ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ganito inilarawan ni dating Bayan Muna party-list rep. Carlos Zarate na tila walang pakialam ang administrasyon sa panibagong oil price hike kung saan aabot sa halos dalawang piso ang itataas ng mga produktong petrolyo. “This continuing oil price spiral is unacceptable and will further push our people deeper into economic hardship. While oil companies continue to rake in massive profits, ordinary Filipinos bear the…
Read MorePOGO ‘DI KAYANG BURAHIN NG EO 74 NI MARCOS JR.
(BERNARD TAGUINOD) HINDI tuluyang mawawala ang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa pamamagitan ng Executive Order (EO) 74 ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., hangga’t walang batas na tuluyang magbabawal dito. Bagama’t ikinatuwa ni CIBAC party-list Rep. Eddie Villanueva ang inilabas ni EO ni Marcos, iginiit nito na kailangang bigyang prayoridad ang pagpapatibay sa Anti-POGO Act kung nais ng Pangulo na tuluyang mawala ang nasabing sugal sa bansa na pinatatakbo ng mga Chinese nationals. “..the fight against gambling and its ill effects is not yet over. Arm, and will invite…
Read MoreSUBDIVISION, CONDO SUSUYURIN SA POGO
(CHRISTIAN DALE) INATASAN ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na tulungan ang Technical Working Groups (TWGs) sa Anti-Illegal Offshore Gaming Operations sa pagtiyak ng kooperasyon ng homeowners associations para masiguro na walang POGO/IGL at iba pang offshore gaming operations at services sa mga subdivision, condominium at iba pang real estate developments. Nauna nang tinukoy ng Palasyo ang panganib na dala ng operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa. Kaya naman nagpalabas si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Executive Order No. 74, pagpapatupad ng agarang…
Read More