WAGE HIKE IMBES DAGDAG NA KONTRIBUSYON

IGINIIT ng isang mambabatas sa Kamara na iprayoridad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos ang national minimum wage increase sa mga manggagawang Pilipino imbes magdagdag ng kontribusyon sa Social Security System (SSS).

Kasabay nito, umapela si Rep. Perci Cendaña sa Malacanang na suspendihin ang dagdag na SSS contribution habang nasa gitna ng kahirapan ang mahigit kalahati sa pamilyang Pilipino dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo publiko.

“Humingi ‘yung mga tao ng taas-sweldo, pero ang nakuha nila contribution hike? This increase is insensitive to the demands of the Filipino workers. It puts the burden on them instead of the government actually making an effort to resolve systemic issues,” ani Cendaña.

Sa ngayon, hindi umuusad ang mga panukalang batas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa across the board wage hike tulad ng P100 na ipinanukala ni House deputy Speaker Democrito Mendoza.

Bukod dito, may panukala rin ang Makabayan bloc na P750 across the board wage increase subalit wala pang aksyon dito ang liderato ng Kongreso.

Ayon kay Cendaña, kailangan na ang dagdag na sahod at kung hindi pa rin ito aaksyunan ng gobyerno ay lalong mababaon sa kahirapan at kagutuman ang sambayanang Pilipino.

“Hindi na nga ma-afford ng mga pamilya ang presyo ng gasolina at bigas, babawasan pa natin lalo ang kita nila. Our government should be sympathetic to the plight of Filipinos when implementing policies,” ayon pa sa kongresista.

Samantala, kinastigo ng dating mambabatas ang aniya’y wala sa timing at walang pusong petisyon ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na magtaas ng pasahe sa Light Rail Transit (LRT) 1.

“Walang-pusong timing ang LRMC,” paglalarawan ni dating Congressman Ferdinand Gaite ukol sa petisyong inihain ng LRMC sa Department of Transportation (DOTr) para magtaas ng pamasahe.

Ayon sa dating mambabatas, tiyak na iindahin ng mga commuter sa LRT 1 lalo na ang mga minimum wage earner ang hinihingi ng LRMC na dagdag pasahe dahil aabot ito ng hanggang P12.50.

“Nanghihingi sila ng dagdag-pasahe na aabot sa P12.50 kada biyahe habang 63% ng mga pamilyang Pilipino ay nahihirapan nang tustusan ang pang-araw-araw na gastusin,” paliwanag ng dating solon.

Dahil dito, nanawagan ang dating mambabatas sa DOTr na tablahin ang petisyong ito ng LRMC. (BERNARD TAGUINOD)

75

Related posts

Leave a Comment