MANILA QUARANTINE FACILITIES ZERO PATIENT NA

MAGANDANG balita para sa mga residente ng Maynila, ang quarantine facilities sa lungsod na mayroong 870 beds capacity ay zero patient na sa nakaraang mga araw. Inanunsyo ito ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Sabado, kasabay ng papuri niya kay Vice Mayor Honey Lacuna, sa Manila Health Department sa ilalim ni Dr. Poks Pangan, at sa vaccinating teams ng pamahalaang lungsod dahil sa matagumpay na pagsisimula ng pagbibigay ng booster shots para sa 2,5417 indibidwal na nabibilang sa A1 category o health frontliners. Ayon sa alkalde, walang COVID-related deaths…

Read More

COVID-19 VAX SA PINAS ‘DI PA RIN SAPAT

“GOOD” ang estado ng suplay ng COVID-19 vaccines sa bansa base sa paglalarawan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ganunpaman, hindi pa rin maituturing na may sapat nang suplay ng naturang bakuna ang Pilipinas. “Medyo okay na tayo sa supply. We’re good pero hindi pa — hindi pa sapat talaga na… Pero mayroon na tayo,” ani Pangulong Duterte. “And if I can have the cooperation of all Filipinos, medyo gaganda talaga ang takbo ng ating bayan,” dagdag na pahayag nito. Para sa Pangulo, ito aniya ang susi para gumanda ang takbo…

Read More

BOOSTER SHOT SA A1 HCWs KASADO NA

SIMULA ngayong araw, Nobyembre 17 ay maaari nang mag-avail ng booster shots ang lahat ng fully vaccinated healthcare medical workers. Pinagtibay ni Acting Presidential Spokesperson Cabinet Secretary Karlo Nograles ang public advisory na ipinalabas ng Department of Health (DOH) ukol sa bagay na ito. “Uulitin ko po, para po muna ito sa A1 healthcare workers… Hintayin na lamang po natin ang Guidelines na ilalabas ng National Vaccination Operations Center,” ayon kay Nograles. Base sa Emergency Use Authorization na ipinalabas ng Philippine Food and Drug Administration, inirekomenda ng DOH ang paggamit…

Read More

3-DAY NAT’L VAX DAY BUBUKSAN SA WALK-INS

HINDI kailangang tanggihan ang mga walk-in sa tatlong araw na National Vaccination Day na nakatakda sa November 29, 30 at December 1. Ito ang inihayag ni Dr. Kezia Rosario ng National Vaccination Operation Center lalo’t maituturing na “big day” ang nakatakdang kaganapan na naglalayong lalo pang mapataas ang bilang ng mga bakunadong Pilipino. Sinabi ni Rosario, walang magiging problema kung walk-in ang gustong magpabakuna at kahit saan pa nila nais makatanggap ng vaccine ay maaaring gawin. “Sa ating registration po ng ating mga kababayan na gustong magpabakuna on that day,…

Read More

COVID-19 ALERT LEVEL SYSTEM, PAIIRALIN NA NATIONWIDE

IPATUTUPAD na sa buong bansa ang alert level system para sa COVID-19 response. Ito’y matapos tintahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Executive Order No. 151 ngayong araw, Nobyembre 11. Malinaw na nakasaad sa EO na obligasyon ng estado na protektahan at itaguyod ang karapatan sa kalusugan ng mamamayan nito. Iyon ang dahilan kaya’t kinakailangang magpatupad ang estado ng state of public health emergency sa buong bansa sa panahong may pandemya ng COVID-19. Labis kasing nakaapekto sa buhay ng mga indibidwal at mga pamilya sa buong mundo lalo na ang…

Read More

3-DAY VACCINATION DRIVE, HOLIDAY O HINDI?

NAKIUSAP ang Malakanyang sa publiko na hintayin ang magiging desisyon ng gobyerno kung idedeklarang holiday o hindi ang 3-day COVID-19 vaccination drive bago matapos ang buwan ng Nobyembre. Target kasi ng pamahalaan na bakunahan ang 15 milyong Pilipino sa panahon ng Nobyembre 29 hanggang Dec. 1 o 3-day COVID-19 vaccination campaign. At sa tanong kung ang mga petsang ito ay holidays, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na, “Inaasikaso po kung anong magiging desisyon ng Office of the President tungkol d’yan.” “Hintayin na lang po natin ang anunsyo galing sa…

Read More

COVID-19 QUARANTINE FACILITIES SA MAYNILA, 0% NA – DOH

BAKANTE na ang mga COVID-19 quarantine facilities sa lungsod ng Maynila habang patuloy ang pagbaba ng mga kaso nito sa buong bansa. Base sa ulat nitong Linggo ng Manila Health Department (MHD), 0% o wala nang laman ang 883 kama ng 14 COVID Quarantine Facilities. Nakatayo ang mga pasilidad na ito sa Delpan, Araullo, Patricia, T. Paez, San Andres, PLM, Dapitan, MLQu, Tondo Sports (Dialysis), P. Gomez, Arellano, Bacood, Del Pilar (Pregnant) at Dormitels. Bakante o 0% na rin ang nag-iisang COVID suspect cases quarantine facility sa Tondo High School…

Read More

5M BABAKUNAHAN SA 3-DAY NAT’L VAX DAY

TARGET ng gobyerno ng Pilipinas na bakunahan ang 5 milyong katao sa ikakasang three-day “National Vaccination Day” ngayong Nobyembre. “Our target here is to administer jabs for about five million. The plan is this November and that’s already in the pipeline,” ayon kay National Task Force (NTF) Against COVID-19 head of strategic communications on current operations, Assistant Secretary Wilben Mayor sa isang panayam. “It’s a convergence of all sectors, of the national government, private, and other entities so that we can arrive at that particular target,” dagdag na pahayag nito.…

Read More

FACE SHIELD AYAW BITIWAN NG DOH

HUMIRIT pa ng isang linggong palugit ang Department of Health (DOH) sa Inter Agency Task Force (IATF) para patuloy na pag-aralan ang guidelines kaugnay sa paggamit ng face shield. Sa virtual press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque, sinabi ni Health Undersecretary Rosario Vergeire na sa gitna ng mga rekomendasyon na alisin na ang paggamit ng face shield sa mga ipinatutupad na health protocols, lalo at bumababa na ang kaso ng COVID-19 sa bansa ay marapat na pag-aralan pa rin ito. “Iyon pong face shields pinag-usapan din po kahapon sa…

Read More