COVID WARDS NG ILANG OSPITAL PARALISADO

BIBISITAHIN nina Chief Implementer Secretary Carlito Galvez at Testing czar Vince Dizon ang mga ospital na naiulat na nagsara muna ng kanilang COVID wards. Ito’y dahil na rin sa sinasabing pagkakasakit na ng mga medical staff nito matapos tamaan ng COVID 19. Pag-amin ni Dizon, nag-aalala sila sa naturang ulat na pati aniya ang pinakamalalaki at pinakamagagandang pribadong ospital ay damay sa pagsasara ng COVID wards. Maituturing ani Dizon na ito na ang pinakamalaking hamon sa ngayon lalo’t mataas pa rin ang kasong naitatala dulot ng Delta variant habang overburdened…

Read More

Bago bumalik sa face-to-face classes GURO DAPAT BAKUNADO – BONGBONG

BAGAMAT magandang senyales ang desisyon ng Pangulong Rodrigo Duterte na pahintulutan ang limitadong face-to-face classes sa mga lugar kung saan mababa o walang kaso ng nakamamatay na COVID-19, mas mainam pa rin tiyakin ng Department of Education (DepEd) na bakunado ang lahat ng mga guro bilang proteksyon hindi lamang sa kanila kundi maging sa mga mag-aaral. Sa isang pahayag, nanawagan si dating senador Ferdinand “Bongbong Marcos” sa kagawaran na huwag magpadalus-dalos sa agarang pagsasagawa ng mga in-person classes hanggat di pa bakunado ang mga guro at maging ang mga non-teaching…

Read More

78% TARGET POPULATION SA QC FULLY VACCINATED NA

UMABOT na sa 78 porsyento ng kabuuang target population ng Quezon City ang ‘fully vaccinated’ o nakatanggap na ng dalawang doses ng COVID-19 vaccines. Sa huling datos ng QC LGU, nabatid na 2,987,968 doses ng bakuna ang naiturok na sa QCProtekTODO Vaccination Program sa tulong ng healthcare workers, staff at volunteers. Sa mahigit 2.9 million doses ng bakuna, 1,754,345 o 103.20% ang nabakunahan na ng first dose, samantalang 1,233,623 o 76.80% naman ang nakatanggap na ng kanilang second dose. Sa kabuuan, 1,327,353 o 78.08% ng target adult population ang maituturing na…

Read More

PINAS ‘ENDGAME’ NA SA DELTA VARIANT

NANINIWALA ang OCTA Research Group na nasa huling yugto na ang laban ng Pilipinas kontra COVID-19 Delta variant dahil sa patuloy na pagbaba ng reproduction number. “I think we’re at the… what we’d might call the endgame of the Delta variant because it’s already starting to decrease,” ayon kay OCTA Research member Guido David. Sinabi ni David na bumaba na sa 1.1 ang reproduction rate sa Metro Manila at mas mababa na sa zero ang growth rate sa mga nakalipas na araw. Para maikonsidera na wala nang hawahan na nagaganap…

Read More

Binili ng PS-DBM sa Pharmally P1.8-B LUGI SA EXPIRED TEST KITS

AABOT sa P1.8 bilyon ang posibleng nalugi sa gobyerno ng Pilipinas sa biniling expired at nearly expired test kits mula sa Pharmally Pharmaceutical Corporation. Sa pagbubunyag ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan, umabot sa halagang P1.25 bilyon ang halaga ng test kits na malapit nang ma-expired at P500 milyon halagang test kits naman na expired ang hindi magamit. Partikular na tinukoy ni Pangilinan sa ginanap na pagdinig ng Senate blue ribbon committee hinggil sa overpriced medical supplies na binili ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM), ang liham…

Read More

PAGBILI NG ANTI-COVID DRUG PAHIRAPAN

INAMIN ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. na wala itong magawa at nahihirapan na makakuha ng stocks ng arthritis drug tocilizumab, ginagamit para gamutin ang isang COVID-19 patient, bunsod ng global shortage ng gamot. Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, nitong Huwebes, sinabi ni Galvez na idinulog na nila ang problema sa suplay sa Swiss ambassador at sa manufacturer ng gamot na Roche. “Wala po tayong makukuha kasi ..it’s a global supply problem. Wala talaga tayong magawa,” ani Galvez. Noong nakaraang linggo, binanggit ng Department of…

Read More

114 POSITIBO SA COVID-19 SA KUMBENTO SA QC

NAGPOSITIBO sa COVID-19 ang 114 katao na kinabibilangan ng 64 madre sa isang kumbento sa Quezon City. Ayon kay Dr. Rolly Cruz, head ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU), nagsasagawa na ng contact tracing matapos matukoy ang mga tinamaan ng virus sa Religious of the Virgin Mary na matatagpuan sa 214 N. Domingo St., Barangay Kaunlaran sa nasabing lungsod. Aniya, kabilang din sa mga nagpositibo ay apat na driver, 18 layman partners, 14 health aide, 13 caregivers, at tatlong Registered Nurse. Sa naturang bilang ay 22 ang asymptomatic,…

Read More

BUDGET NG GOBYERNO, DAPAT TUTUGON SA COVID-19 PANDEMIC

IGINIIT ni Senador Sonny Angara na dapat maging flexible ang proseso sa pagbalangkas sa 2022 national budget upang matugunan ang mga pangangailangan sa panahon ng pandemya. Bilang chairman ng Senate Committee on Finance, napansin ni Angara na marami sa mga kailangang programa ng mga ahensya ng gobyerno para sa susunod na taon ang hindi nakalatag sa proposed 2022 national budget. Partikular na tinukoy ni Angara ang mga programa na tutugon sa COVID 19 pandemic. Sa briefing ng Development Budget Coordinating Committee briefing ng Senador sa proposed P5.024 trillion 2022 national…

Read More

PAGBILI NG REFORMULATED BOOSTER JABS IKINAKASA

NAKIKIPAGNEGOSASYON na ang National Task Force Against COVID-19 para makabili ng reformulated booster jabs na rekomendado para labanan ang umuusbong na coronavirus variants. Ang tinaguriang next-generation vaccine boosters ang magpapalawig sa pagiging epektibo ng COVID-19 jabs. “We are now negotiating for next year as directed by (Department of Finance) Secretary (Carlos) Dominguez with four manufacturers for the introduction of a reformulated booster,” ayon kay NTF Against COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. Nauna rito, binanggit na ni Galvez na ang gobyerno ay nasa inisyal na kasunduan sa multilateral partners…

Read More