MAHIGIT 200 PULIS NAGPOSITIBO SA COVID-19

MAY kabuuang bilang na 224 ang nadagdag sa bagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP). Batay sa datos ng PNP-Health Service, mayroon nang 2,604 ang aktibong kaso o hindi pa gumagaling ngayon at patuloy na ginagamot sa ospital. Nasa 176 naman ang naitalang naka-recover kahapon na nadagdag sa 34,168 bilang ng mga gumaling sa naturang sakit. Wala namang naitalang namatay ngayong Sabado, September 11, 2021 kaya nanatili sa 108 ang kabuuang nasawi sa sakit. (JG TUMBADO) 267

Read More

PAGLULUWAG SA MGA FULLY VACCINATED PINAGDEDEBATEHAN

PINAGDEDEBATEHAN pa ng pamahalaan ang panukalang paluwagin ang COVID-19 restrictions para sa fully vaccinated individuals. “Isa pa nga po yang pinagdedebatehan…pero nagkakaisa ang IATF kailangan maibsan ang paghihirap ng lahat,” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque. Nauna rito, hiniling ng Metro Manila Council (MMC) sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na ikonsidera ang pagpapaluwag sa restriksyon para sa mga fully vaccinated laban sa COVID-19 sa National Capital Region (NCR). Sa Resolution No. 21-19, serye ng 2021 na ipinalabas noong Huwebes, ang MMC na kinabibilangan…

Read More

ECQ o GCQ na lang paiiralin NO MORE MECQ SA METRO MANILA

(CHRISTIAN DALE) HINDI na ilalagay sa moderate enhanced community quarantine o MECQ ang Kalakhang Maynila dahil magkakaroon na lamang ito ng 2 quarantine levels sa policy shift na inaasahan ng pamahalaan na makapipigil sa pagkalat ng COVID-19 habang gumagalaw naman ang business activity. Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 pansamantala ang guidelines sa pilot implementation ng “alert level system” sa capital region. “Sang-ayon po dito sa policy shift na gagawin natin, 2 na lang po ang ating quarantine classification. Ito po ang ECQ na ipapataw po ng IATF o…

Read More

16 DAGDAG SA CAMANAVA COVID DEATHS

UMABOT sa 16 katao ang namatay sa COVID-19 sa mga lungsod ng Malabon, Navotas at Valenzuela batay sa pinakahuling ulat ng health offices ng nasabing mga lungsod. Ayon sa ulat, siyam ang namatay sa Valenzuela City at umakyat na sa 668 ang COVID death toll ng lungsod noong Setyembre 9, habang 1,820 ang active cases matapos na 273 ang gumaling ngunit 340 naman ang magpositibo sa virus.  Pumalo na sa 29,270 ang tinamaan ng COVID sa lungsod at sa nasabing bilang ay 26,782 na ang gumaling. Limang COVID patients naman…

Read More

Sa lahat ng COVID-19 testing laboratories PAGSUNOD SA PRICE CAP TIYAKIN

HABANG patuloy ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, nanawagan si Senador Win Gatchalian sa Department of Health (DOH) at Department of Trade and Industry (DTI) sa pagkakaroon ng mekanismo upang masiguro ang pagtupad ng testing laboratories sa pinababang presyo ng real-time reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) o swab tests. “Napapanahon itong ganitong hakbang lalo na’t patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nahahawa ng COVID-19 dahil sa mas matinding Delta variant at kadalasan ay pami-pamilya na ang nagkakasakit. Kung naiimplementa nang tama at masigurong mas mababa ang…

Read More

Sa COVID-19 outbreak 122 POSITIVE SA QC ORPHANAGE

NANAWAGAN si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa lahat ng pamunuan sa mga trabaho na maghigpit sa pagpapatupad ng minimum health protocols upang maiwasan ang outbreaks ng COVID-19. Ang panawagan ni Belmonte ay kasunod ng ulat na 122 kabataan at personnel ng Gentle Hands Orphanage sa Barangay Bagumbuhay ang nasuring positibo sa COVID-19. Kabilang sa mga ito ang 99 kabataan na may edad 18-anyos pababa. “Mariin nating ipinapaalala na ang hindi pagsunod o hindi pagpapatupad ng minimum public health protocols ay paglabag sa RA 11332. Dapat maging mahigpit ang ating…

Read More

118 barangay inilagay sa granular lockdown NCR IBABABA SA GCQ MULA SEPT. 8

APRUBADO na ng Inter-agency Task Force (IATF) ang bagong community quarantine classifications simula sa Miyerkoles, Setyembre 8 hanggang Setyembre 30. Sa virtual press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque, binanggit nito ang mga lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) gaya ng probinsiya ng Apayao, Bataan, Bulacan, Cavite, siyudad ng Lucena, probinsiya ng Rizal at Laguna, Iloilo province, Iloilo City at Cagayan de Oro City. Ang mga lugar naman aniya na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) with hightened restrictions ay ang mga probinsiya ng Ilocos…

Read More

15 MILYONG PINOY FULLY VACCINATED NA

NAKATANGGAP na ng kumpletong bakuna laban sa COVID-19 ang may labinlimang milyong Filipino. Ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., mahigit 14,650,065 na ang fully vaccinated o nasa 19% ng target population ng pamahalaan. Ang mga nakatanggap naman ng kanilang first dose ay nasa 20,450,849 na ang kabuuang bilang. Umaasa naman si Galvez na mababakunahan ang 70% na populasyon ng bansa bago sumapit ang Pasko. Nauna nang sinabi ng kalihim na ang Kalakhang Maynila ay posibleng maabot ang population protection sa Oktubre o Nobyembre. Giit ni Galvez na ito…

Read More

SAKOP NG CLINICAL TRIALS PALALAWAKIN

INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na mapasama sa clinical trials ang mga taong nabibilang sa ibang age groups at may comorbidities. “Meanwhile, the IATF, subject to the considerations of the Food and Drug Administration, approved the recommendation for sponsors/trialists to shift their focus towards people of different age groups and people with comorbidities, or the immunocompromised, to be more inclusive in addressing the COVID-19 pandemic,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. Inaprubahan din ng IATF ang rekomendasyon na iprayoridad ang Phase 3…

Read More