IKAKASA sa Miyerkoles, Setyembre 8 ang pilot testing ng granular lockdown sa Metro Manila. Ito ay dahil sentro ng ekonomiya ng Pilipinas ang kalakhang Maynila. Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, ang mga magiging rekomendasyon pagkatapos ng pilot project ay isusumite kay Pangulong Rodrigo Duterte upang maaprubahan. Nauna nang itinulak ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez ang granular lockdown matapos ang ilang linggong community quarantine para mabuksan muli ang mga negosyo. Nasa ilalim pa rin ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila hanggang sa…
Read MoreCategory: COVID-19
ACTIVE COVID CASES SA CALABARZON 37K NA
PUMALO na sa mahigit 37,000 ang aktibong kaso ng nakakahawang coronavirus disease sa buong lalawigan kasunod ng pagtatala ng 4,692 bagong kaso nito lamang Biyernes. Bunsod nito, muling nanawagan ni Department of Health – Calabarzon regional director Eduardo Janairo sa publiko na sundin ang standard public health safety protocols lalo pa’t higit na mabagsik ng mutated strain ang patuloy na lumalaganap sa iba’t ibang panig ng bansa – kabilang ang mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon. Sa kabuuang tala ng DOH-Calabarzon, mayroong 37,197 na pasyente ang patuloy…
Read MorePAGBABAKUNA SA 12-17-ANYOS POSIBLE SA OKTUBRE
MAGANDANG balita sa sektor ng kabataan – possible nang umpisahan ng pamahalaan sa susunod na mga buwan ang vaccination rollout sa mga batang edad 12 hanggang 17 nang sa gayon ay mabigyang proteksyon ang kabataan laban sa banta ng nakamamatay ng COVID-19. Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Food and Drugs Administration director-general Eric Domingo na binabalangkas na ng iba’t ibang ahensiya ang paraan ng deployment and vaccination plan para sa mga kabataan. “Palagay ko po na 4th quarter of the year, from October [to] December ay aabot na…
Read MorePwede kapag 50% ng populasyon bakunado na BOOSTER SHOTS ISANTABI MUNA
SA kabila ng rekomendasyon ng mga eksperto, hindi muna planong pag-usapan ng pamahalaan ang pagbibigay ng booster shots sa mga bakunado. Ani Health Undersecretary Rosario Vergeire sa isang panayam sa radyo, tatalakayin nila ang panawagan para sa booster shots ng COVID-19 vaccines sa sandaling mahagip na ang kalahati ng target nitong populasyon. Dapat din aniyang ikonsidera ang problema sa supply mula sa mga manufacturers. “Titingnan natin ang stability ng supplies natin… Kapag naabot na ang 50% vaccination sa lahat ng bahagi ng bansa, maaari nang pag-usapan ang booster shot. Kapag…
Read MoreONE HOSPITAL DINADAGSA PA RIN
UMAKYAT sa 200% ang dami ng tawag na natatanggap ng One Hospital Command nitong Agosto buhat sa publiko na humihingi ng tulong para makakuha ng hospital bed o humihingi ng payong medikal. Ayon kay Dr. Marylaine Padlan, OHCC Medical Director, nasa 400 hanggang 500 na tawag kada araw ang kanilang natatanggap na higit na mataas sa 100-200 tawag nitong nakaraang Hulyo. Sa nasabing bilang ay nasa 20% ang tawag mula sa National Capital Region (NCR) habang marami ring tawag buhat sa Region 4A at Region 3. Sa kasalukuyan, nasa ‘high…
Read More9 PATAY SA COVID-19 SA NAVOTAS, VALENZUELA
UMABOT sa lima ang naitalang namatay sa COVID-19 sa lungsod ng Navotas at habang apat naman sa Valenzuela City, ayon sa ulat ng kanilang health office. Hanggang 11:59 pm noong Setyembre 2 ay 451 na ang COVID death toll sa Navotas habang 1,811 ang active cases matapos na 71 ang nagpositibo sa virus at 90 naman ang gumaling. Pumalo na sa 15,022 ang tinamaan ng COVID sa lungsod at 12,760 na sa kanila ang gumaling. Ayon naman sa Malabon City Health Department, 180 ang nadagdag na confirmed cases noong Setyembre 3. Sa…
Read MoreSCLA SA QC BUMABA NA SA 49 LUGAR
UNTI-UNTI nang bumababa ang bilang ng mga lugar na nasa ilalim ng Special Concern Lockdown Areas (SCLA) sa Quezon City sa pagpasok ng Setyembre 2021. Sa pinakabagong ulat na inilabas ng Quezon City Government, as of September 3, 2021, nakapagtala na lang ng 49 SCLA sa nasabing lungsod. Batay sa data na inilabas ng lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon, noong unang linggo ng Agosto 2021 ay nasa 63 ang isinailalim sa SCLA dahil sa mataas na kaso ng COVID-19. Subalit noong Setyembre 2021 ay nakapagtala na lamang 49 na…
Read MoreMAILAP NA BAKUNA SALIWANG POLISIYA
KUNG ang pagbabatayan ay ang bilang ng mga bagong kaso ng mga tinamaan ng lintek na pesteng higit na kilala bilang COVID-19, mukhang malabong makamit ng gobyerno ang target nitong herd immunity bago matapos ang taon. Paano ba naman kasi maaabot ang target kung marami sa Local Government Units (LGUs) ang dumadaing pero ‘di naman tinutugunan sa kabila pa nang paulit-ulit na pakiusap ng mga gobernador at alkalde para sa karagdagang bakuna. Dangan naman kasi, napakakumplikado ang umiiral na proseso sa pagbili ng bakuna. Ang siste, hindi pinahihintulutan ng Malakanyang…
Read MoreSENADO MAY 39 AKTIBONG KASO NG COVID-19
KINUMPIRMA ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na nasa 39 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Senado habang 168 empleyado nito ang kasalukuyang naka-quarantine. Sinabi ni Sotto na marami sa mga apektadong empleyado ay mula sa Bills and Index at sa kanilang 32 empleyado, 20 ang naka-quarantine kung saan 10 na ang nagpositibo. Kaugnay nito, inaprubahan ng mga senador ang rekomendasyon ng Senate Medical Office na bawasan pa ang mga empleyado na papayagang pumasok araw-araw. Sa rekomendasyon, mula sa 50 percent, gagawin na lamang 20 percent ang mga papayagang…
Read More