(CHRISTIAN DALE) HINILING ng mga alkalde sa Kalakhang Maynila sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na suspendihin ang polisiya na pinapayagan ang mga kabataang may edad 5 taon pataas na lumabas na ng bahay at makapunta sa ilang piling outdoor areas sa gitna ng banta ng mas nakahahawang COVID-19 Delta variant. “Kami po ay nagbotohan kanina, kami pong mga alkalde, mga mayors.. nag-usap-usap po kami at hinihiling po sana namin sa IATF na baka maaari na ‘yong polisiya tungkol sa 5 year old pataas ay…
Read MoreCategory: COVID-19
Dahil sa 105.6% COVID case growth rate 24-ORAS CURFEW SA MINORS IBINALIK SA NAVOTAS
BUNSOD nang muling pagdami ng mga kaso ng COVID-19, inihayag ng pamahalaang lungsod ng Navotas na muling ipatutupad ang 24-oras na curfew sa mga menor de edad. Ayon kay Mayor Toby Tiangco, batay sa COVIDKAYA report na may petsang Hulyo 17, nakapagtala ang Navotas ng 105.06% growth rate ng COVID cases sa loob ng dalawang linggo, ang pinakamataas sa Metro Manila. “In June, we had the lowest average daily attack rate in the region. We even recorded 41 active cases on June 25. Now, our active cases have multiplied almost…
Read MoreTatanggap ng first dose ng bakuna kailangan pumila ‘WALK-IN’ INAWAT SA MALABON
TANGING second dose ang itinurok at hindi nagbakuna ng first dose sa Malabon City kahapon. Mahigpit ding ipinagbawal ang walk-in vaccination, ayon sa Pamahalaang Lungsod. Samantala, magpapatuloy ang pagbabakuna ng 2nd dose ng ibang brand ng bakuna sa Fishermall Malabon at Oreta Sports Complex kaya’t kung naka-schedule para sa 2nd dose sa dalawang vaccination sites ay pinayuhang pumunta lamang sa nasabing sites. Sa kabilang dako, nagsimula nang mamahagi ng cash allowance para sa special education (SPED) students ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas. Aabot sa 375 benepisyaryong Persons with Disabilities (PWD)…
Read MorePERLAS GAMES ‘ON HOLD’ DAHIL SA 1 COVID POSITIVE
PINIGIL ng Premier Volleyball League (PVL) ang nakaskedyul na games ng Perlas team sa ongoing Open Conference matapos na isa sa delegasyon nito ang nagpositibo sa COVID-19. Nasa isolation facility na ang naturang indibidwal habang ang iba pang Perlas members ay naka quarantine sa magkakahiwalay na rooms at muling sasailalim sa RT-PCR testing matapos ang limang araw. “Pending the results (of the tests), the scheduled games of Perlas have been postponed,” opisyal na pahayag ni PVL president Ricky Palou kahapon. Sabado sana ang debut game ng Perlas kontra Cignal sa…
Read MoreSa gitna ng banta ng Delta variant NCR PLUS BUBBLE MULING HIGPITAN
(RENE CRISOSTOMO) ISINUSULONG ng OCTA Research Group ang muling paghihigpit ng ‘NCR Plus bubble’ upang maiwasan ang banta ng Delta variant ng COVID-19 habang patuloy ang pagtakbo ng ekonomiya sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan. Ayon kay OCTA Research fellow Guido David, ang ideya ng bubble ay makakaiwas para kumalat pa ang Delta variant dahil magiging limitado ang galaw sa essential travels. Sa ilalim ng bubble, ang mga bata ay mahigpit na ipinagbabawal na lumabas ng bahay dahil ang Delta variant ay maaring makapagdulot ng long-term effects ng…
Read MoreDahil sa natukoy na Delta variant HOME QUARANTINE BAWAL NA SA MAYNILA
DAHIL natukoy na may dalawang kaso ng kinatatakutang Delta variant, iniutos ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na muling ipagbawal ang home quarantine sa mga indibidwal na kinakitaan ng mga sintomas ng COVID-19 at maging ng mga asymptomatic upang mapigilan ang posibleng pagkalat nito. Umapela ng suporta at pakikipagtulungan si Moreno sa mga apektadong residente at sinabing hindi siya magdadalawang-isip na pairalin ang batas sa mga tatanggi at ipipilit na mag-home quarantine dahil kaligtasan ng mas nakararami ang nakataya rito. Nabatid kay Moreno, binigyan nito ng direktiba si Dr. Ed Santos, assistant…
Read MoreIBAYONG PAG-IINGAT IBINABALA VS DELTA VARIANT
UPANG hindi magaya sa India, nagbabala si Philippine National Police (PNP) chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar, dating Joint Anti-COVID Task Force commander, na mas maging maingat ngayong kumpirmado nang may ilang kaso ng delta variant sa Pilipinas. “The detection of the Delta variant in the country serves as a warning to all of us against complacency,” wika ni P/Gen. Eleazar kasunod ng pahayag na mas paiigtingin ng pulisya ang kanilang mandato na ipatupad ang health and safety protocols na inilatag ng pamahalaan upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.…
Read MoreSa mga biyaherong mula sa ‘green countries’ QUARANTINE PERIOD IIKLIAN
INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang listahan ng mga bansa/jurisdictions/territories na kinokonsidera bilang “Green” para sa layunin ng testing at quarantine protocols sa fully vaccinated individuals. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na kabilang dito ang mga bansang Albania, American Samoa, Anguilla, Antigua at Barbuda, Australia, Azerbaijan, Barbados, Benin, Bermuda, The British Virgin Islands, Brunei, Burkina Faso, Cayman Islands, Chad, China, Comoros, Cote d’ Ivoire (Ivory Coast), Curacao, Dominica, Eswatini, Falkland Islands, French Polynesia, Gabon, Gambia, Ghana, Greenland, Grenada, Hong Kong (Special Administrative Region of China), Iceland, Isle of…
Read MorePINAS NAGTALA NG 11 LOCAL DELTA VARIANT CASES
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DoH) ng kauna-unahang mga lokal na kaso ng mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19 sa Pilipinas. Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa isinagawa nilang pinakahuling genome sequencing run ay nakatukoy sila ng 16 bagong Delta variant cases. Sa naturang bagong bilang, 11 ang lokal na Delta variant cases at lima naman ang returning overseas Filipinos (ROFs). Nabatid pa kay Vergeire, sa 11 local cases, dalawa ang natukoy sa Metro Manila at isa sa mga ito ang namatay habang isinusugod sa pagamutan noong Hunyo…
Read More