4 DAGDAG SA CALOOCAN COVID CASUALTIES

APAT ang naitalang namatay dahil sa COVID-19 sa Caloocan City noong Hulyo 4. Mula sa bilang na 1,093 noong Hulyo 2, pumanhik sa 1,097 ang COVID death toll sa lungsod, habang 411 naman ang active cases matapos na 20 ang nagpositibo sa virus. Pumalo na sa 38,530 ang tinamaan ng COVID sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 37,022 na ang gumaling. Wala namang naitalang namatay sa Malabon City sa nasabing araw kaya’t hindi gumalaw ang 448 COVID death toll ng siyudad.  Walo naman ang nadagdag na confirmed cases at sa…

Read More

BAGETS KUMIKILOS NA PARA MABAKUNAHAN ANG SENIORS – DEFENSOR

MISMONG ang mga bagets na ang kumikilos para mabakunahan ang mga matatanda sa kanilang pamilya at makaligtas sa nakamamatay na coronavirus disease 2019 o COVID-19. Ito ang nabatid kay Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor na naniniwalang malaki ang naitutulong ng mga kabataang ito para maproteksyunan ang mga matatanda sa kanilang pamilya laban sa COVID-19. “Based on the feedback we obtained around Quezon City, children are doing their share to keep their older loved ones out of harm’s way,” ayon sa mambabatas, dahil mismo ang mga kabataang ito ay nagrerehistro na…

Read More

PROTOCOLS SA MGA FULLY VACCINATED INILABAS NG IATF

NAGLABAS na ang Inter-Agency Task Force (IATF) ng protocols para sa fully vaccinated individuals. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, ang mga fully vaccinated individual ay nabakunahan na ng dalawang linggo o higit dalawang linggo matapos na makatanggap ito ng second dose sa 2-dose vaccine; sa mga single dose vaccine naman ay kinakailangan na dalawang linggo o higit na dalawang linggo nang nabakunahan ang fully vaccinated individual pagkatapos niyang matanggap ang single-dose vaccine. Pangalawa, ang fully vaccinated individual ay kinakailangang naturukan ng bakuna na nasa Emergency Use Authorization (EUA) List…

Read More

TAAL EVACUEES ISASALANG SA SWAB TEST

PINANGANGAMBAHANG maging superspreader ng coronavirus ang evacuation activities sa lalawigan ng Batangas bunsod ng nakaambang pagputok ng Bulkang Taal. Sa ulat na nakarating sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), dahil dito ay naghahanda ang Batangas PDRRMC na isailalim sa swab testing ang mga evacuee kung kinakailangan para matiyak na ligtas ang mga ito sa banta ng COVID-19. Sakali umanong may magpositibo ay dadalhin ito sa mga isolation facility, at kung punuan na ang mga ito ay maaari naman dalhin ang mga COVID-19 positive sa probinsiya ng Laguna. Ayon…

Read More

MONITORING IKINASA SA COVID VACCINES

SINIMULAN na ng Food and Drug Administration (FDA) ang monitoring sa lot number ng mga COVID-19 vaccine sa bansa. Ito’y kaugnay ng pagkakahuli kamakailan sa ilang indibidwal na ilegal na nagbebenta ng COVID-19 vaccine. Sa panayam sa radyo kay FDA chief, Dr. Eric Domingo, ang hakbang ng ahensya sa mga lot number o batch codes ay para matukoy kung bahagi ng bakunang inangkat ng bansa o donasyon dito ang mga ilegal na ibinebenta. Ayon kay Domingo, nakaaalarma ang ilegal na bentahan ng bakuna dahil posibleng maapektuhan ang suplay nito maging…

Read More

HIGIT 6K KASO NG COVID-19 NAITALA NG DOH

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng mahigit 6,000 bagong kaso ng COVID-19 sa isang araw sa Pilipinas. Ngayong araw ay 6,192 ang karagdagang kaso sa bansa kaya nasa 1,424,518 na ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng nasabing sakit mula noong nakalipas na taon. Sa naturang bilang ay nasa 94.4 porsiyento ang gumaling o 1,344,063. Umabot naman sa 2,212 ang mga bagong iniulat na gumaling ngunit nadagdagan ng 177 ang mga nasawi. Dahil dito, ang death toll sa Pilipinas dahil sa COVID-19 ay nasa 24,973 na. Samantala, tiniyak ni…

Read More

Para makapasok sa Pinas VACCINATION CARDS DAPAT IPRISINTA – BI

NILINAW ng Bureau of Immigration (BI) na ang fully vaccinated passengers ay dapat ipresenta ang kanilang documentary proof sa kanilang pagdating sa Pilipinas. Sa kanyang advisory, sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente, ang fully vaccinated sa Pilipinas ay dapat dala ang kanilang vaccination card, na dapat ay naberipika bago ang kanilang departure mula sa Pilipinas sa pamamagitan ng Certificate of Vaccination Record Portal ng Department of Information and Communications Technology o ng City Health Officer ng local government unit na siyang nangasiwa sa full vaccination. “For those vaccinated outside the…

Read More

EMPLOYERS, EMPLOYEES HINIKAYAT MAGPABAKUNA

HINIKAYAT ni Metropolitan Manila Development Authority chairperson Benhur Abalos ang lahat ng employers at mga manggagawa na magpabakuna na laban sa COVID-19 lalo pa’t marami ng tao ang pinapayagang bumalik sa kanilang trabaho. Sa Laging Handa public briefing, binigyang-diin ni Abalos ang kahalagahan na masiguro na ang lahat ng mga empleyado ay protektado na laban sa COVID-19 sa gitna ng unti-unting pagpapaluwag sa restrictions. Aniya, tinatayang nasa 4 milyong residente na ang nakatanggap ng kanilang bakuna laban sa COVID-19, kabilang na ang mahigit sa 3 milyong katao na nakatanggap ng…

Read More

Isinusulong ni Defensor para sa volunteer vaccinators P1K DAILY ALLOWANCE

HINILING ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor sa Department of Health (DOH) at Local Government Units (LGUs) na bigyan ng allowance na P1,000 kada araw ang volunteer vaccinators. “It’s not enough compensation, but it could cover the volunteer’s transportation, snacks and lunch, and perhaps leave him with change good for two to three kilos of well-milled rice,” ani Defensor. Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil marami sa mga volunteer nurse na tumutulong sa DOH at LGUs sa pagbabakuna laban sa COVID-19 ay mga walang trabaho at naghihintay pa umano ang…

Read More