(Ni Joel O. Amongo) Ipatutupad na ng Department of Finance (DOF), Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR) ang Fuel Marking Program matapos na mailathala na sa pambansang pahayagan ang Implementing Rules and Regulations (IRR) nitong nakaraang Hulyo 5, 2019. Sa Joint Circular (JC) na nakapaloob sa Section 148-A ng National Internal Revenue Code (NIRC) bilang amendments sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law ay nakasaad na gagamitin ang mga katanungan kaugnay sa official fuel marker sa refined, manufactured o imported gasoline, diesel at kerosene…
Read MoreCategory: ADUANA SPOTLIGHT
SONA NI DUTERTE APRUB KAY GUERRERO
Aprub kay Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte nitong nakaraang Lunes (Hulyo 22) partikular ang pagtutok nito sa usapin ng korapsyon sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno. “President Rodrigo Duterte, in his 4th SONA, has made it clear to all that anti-graft and corruption is among, if not, his top priority during his remaining years as president. He cited the BOC’s impressive collection last year and noted how much more it could have been had the…
Read MoreREGULASYON SA ‘THIRD PARTY ACCREDITATION’ HINIGPITAN NG BOC
(Ni Boy Anacta) Bilang bahagi pa rin ng inisyatibo para masugpo ang korapsyon at smuggling sa Bureau of Customs (BOC), hinigpitan na ang pagbabantay laban sa mga hindi awtorisadong transaksyon sa Aduana. Kaalinsunod na rin ito sa inilabas na Customs Administrative Order (CAO) No. 06-2019 na naglalayong bantayan at higpitan pa ang mga transaksyon ng ahensya. Partikular na hinigpitan ay ang ipinatupad nitong regulasyon kaugnay sa accreditation ng ‘third parties’ na awtorisadong makipagtransaksyon sa ahensya. Ayon sa BOC, magtatakda ng karagdagang requirements ang ahensya para sa ‘third parties’ na siyang …
Read MoreCEBU IMPORTER KINASUHAN NG BOC
Sa misdeclaration ng luxury vehicles (Ni Joel O. Amongo) Kinasuhan ng Bureau of Customs (BOC) ang isang importer sa Cebu matapos matuklasang mali ang deklarasyon nito sa kanyang inimportang mga sasakyan kamakailan. Nakilala ang kinasuhan ng BOC na si Melanie Yason Serrano, sole proprietress ng Kyleman General Merchandise at consignee ng mga kargamento, samantala ang kanyang licensed Customs broker ay nakilalang si Erwin Roy Vito Rojas. Ayon sa report, ang misdeclared shipment ay dumating sa Port of Cebu noong nakaraang Disyembre 19, 2018 ay nakitaan ng apat na mamahaling sasakyan.…
Read MoreBAGGAGE DECLARATION PROCEDURES SA MGA PASAHERO IPINATUPAD NG BOC
Sa layuning magiging epektibo ang serbisyo- publiko, sinimulan nang ipatupad ng Bureau of Customs (BOC) ang baggage declaration procedures para sa mga travelers/passengers sa international airports sa bansa. Ang mga pasahero at biyahero na may mga goods na kailangang ideklara ay kinakailangang mag-fill up at magsumite ng Customs Baggage Declaration Form (CBDF) na makikita sa Customs arrival area. Ang nasabing forms ay nakahanda para sa panahon ng flights ng mga airline operators para sa kanilang mga pasahero. Ang BOC, sa pakikipagtulungan ng airline operators, ay regular na ipaaalam sa publiko…
Read MoreOPERASYON NG BOC-CIIS, ESS AT PNP-CIDG: 2 HULI SA PAGBEBENTA NG KONTRABANDO
Naaresto ng pinagsanib na operasyon ng Bureau of Customs-Customs Intelligence and Investigation Service (BOC-CIIS), BOC-Enforcement and Security Service (ESS) at ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang dalawang lalaki dahil sa ilegal na pagbebenta ng items na nasabat ng BOC kamakailan. Nakilala ang mga naaresto na sina Primo Baldon at Richard Lagrolia. Ayon sa report, noong Hulyo 12, 2019, ang mga elemento ng CIIS at ESS ay nakipag-ugnayan kina PLtCol Cesar G. Paday-os, chief ng CIDG Anti-Transnational Crime Unit (ATCU) kaugnay sa ulat ukol sa iregularidad ng …
Read MoreBOC PINANGUNAHAN ANG ASW 48TH MEETING
Pinangunahan ng Bureau of Customs (BOC) ang 48th meeting ng ASEAN Single Window (ASW) na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang bansa sa Asya na isinagawa sa Rizal Park Hotel, kamakailan. Ang ASW ay isang regional initiative, na ang layunin ay magkaroon ng maayos na cross-border electronic exchange ng Customs documents sa pagitan ng ASEAN’s 10 member-states. Pangunahing lumahok sa four-day meeting ay ang Technical Working Group (TWG) mula sa mga delegado ng ASEAN member-states, miyembro ng Philippine delegation mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at kinatawan…
Read MorePROSESO NG MGA PAPELES SA BOC MABILIS NA
(Ni JOMAR OPERARIO) Sa pamamagitan ng paggamit ng Customs Care Portal System (CCPS) at ng Document Tracking System (DTS), ay mabilis na ngayon ang proseso ng mga papeles ng stakeholders sa Bureau of Customs (BOC). Magugunitang nitong nakalipas na Hunyo 17, 2019, sinimulang gamitin ang CCPS at DTS. Ang CCPS ay isang web-based system na kung saan ang stakeholders ay dadalhin ang kanilang katanungan, kahilingan sa pamamagitan ng nasabing portal. Bukod dito, nakapaloob din sa CCPS ay ang ticketing system na kung saan ang unique ticket number ay ibinibigay sa…
Read MorePANINIYAK NG BOC-NAIA: ILLEGAL GOODS WALANG LUSOT
(Ni JOMAR OPERARIO) Tiniyak ni Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) District Collector Mimel Talusan na hindi makalulusot sa kanila ang mga illegal goods na planong ipasok sa pamamagitan ng nasabing paliparan. Ang paniniyak ni Talusan ay bunga ng sunud-sunod nilang pagkakasabat ng mga ilegal na kontrabando na tinangkang ipasok sa NAIA. Nitong nakaraang Hulyo 1, 4 at 7, 2019 ang BOC-NAIA ay nakasabat ng iba’t ibang klaseng baril at rifle parts mula sa DHL warehouse sa Pasay City. Ang mga imported na baril at iba’t ibang parte nito…
Read More