PAGBABANTAY SA MGA BORDER HINIGPITAN PA NG BOC-NAIA

BOC-NAIA-2

(Ni Jomar Operario) Hinigpitan pa ng Bureau of Customs Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang kanilang pagbabantay sa hangganan upang maharang ang mga ilegal na kontrabando na pumapasok sa nasabing paliparan. Kaugnay nito, si District Collector ng BOC-NAIA Mimel Talusan ay nagpaa­lala sa publiko na  mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng RA 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) in relation to RA 10863 (The Customs Modernization Tariff Act) ang pag-import at export ng illegal drugs. Matatandaan,  nitong nakaraang Hulyo 26, 2019 muling nakasabat ang Customs-NAIA ng P5.5 milyon…

Read More

TARGET COLLECTION NG SUB-PORT NG DUMAGUETE NALAGPASAN

SUB-PORT OF DUMAGUETE-2

Nalagpasan ng sub-port ng Dumaguete ang kanilang monthly collection target. Mula sa P353.325 milyon collection  target,  nakapagtala sila  ng  actual collection na P451.075 milyon. Ang tagumpay na ito ng puwerto ay ipinaabot  ni Sub-Port Collector Fe Lluelyn Toring  kay Bureau of Customs (BOC) Port of Cebu  Acting District Collector Atty. Charlito Martin R. Mendoza sa pagdalaw nito  kamakailan sa  naturang puwerto. Ang Sub-Port of Duma­guete ay nasa ilalim pa rin ng pangangasiwa ni Mendoza. Ipinaabot pa rin ni Toring ang mahigpit nilang pagmamatyag  laban sa pagpasok ng illegal goods. Sinabi…

Read More

CUSTOMS REVENUE COLLECTION PALALAKASIN NG PCAG

Assistant Commissioner Vincent Phi­lip Maronilla

Palalakasin ng Post Clearance Audit Group (PCAG) ang revenue collection ng Bureau of Customs (BOC) batay sa itinatadhana ng Customs Administrative Order (CAO) No. 01-2019. Ang Post Clearance Audit (PCA) functions ng BOC ay pormal na itinatag sa ilalim ng PCAG na nasa ilalim ng pamumuno ni Assistant Commissioner Vincent Phi­lip Maronilla. Ayon kay Maronilla, layunin ng PCA  na pataasin ang ‘trade facilitation, encouraging voluntary disclosures’ at protektahan ang government revenue sa pamamagitan ng pagsunod sa audits ng imported goods. Bukod dito, ang kanyang pagsisikap na pagsama sa non-traditional sources…

Read More

UNDERVALUATION NG RICE IMPORTS ITINANGGI NG BOC

BIGAS IMPORT

Itinanggi  ng Bureau of Customs (BOC) ang alegasyon ng Federation of Free Farmers, Inc. (FFF) na ‘undervalued’ ang rice importation. Sa data na nakuha mula sa BOC Assessment O­perations and Coordina­ting Group (AOCG), nabatid na ang office ng Import Assessment Service (IAS) ay maglalaan ng reference values sa rice import bilang gabay sa totoong deklaras­yon ng halaga. Kaugnay nito, ang lahat ng ports ay kailangang sumunod sa nasabing inilat­halang data maliban na lamang  kung ang commercial invoice ng rice shipment ay suportado ng tunay at validated na proof of payment …

Read More

P2-B IMPORTED FAKE GOODS NASABAT

counterfeit goods

Aabot ng  P2 bilyon  counterfeit goods ang nasabat ng  pinagsanib na puwer­sa ng Bureau of Customs-Customs Intelligence and Investigation Service (BOC-CIIS), BOC-Intelligence Property Rights Division (IPRD) at Armed Forces of the Philippines (AFP) Joint Task Force NCR-CL sa isinagawang pagsalakay sa iba’t ibang storage units sa Binondo, Maynila noong Hulyo 16, 2019. Isinagawa ang pagsalakay sa naturang lugar  sa  bisa na rin ng Letter of Authority (LOA) na nilagdaan ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero. Kabilang sa mga nasabat ay  ang mga pekeng brand  ng  Nike,  Emporio Armani, Hello Kitty,…

Read More

MAMAHALING SASAKYAN, MAKINA SA PAGGAWA NG SIGARILYO SINIRA NG BOC

MAMAHALING SASAKYAN

Tuluyan nang sinira ng Bureau of Customs (BOC) ang 1 unit ng mamaha­ling sasakyan, 12 makina sa paggawa ng pekeng sigarilyo at 1,000 master cases ng iba’t bang brand ng sigarilyo na isinagawa sa PUC Parking Bureau ng Customs Compound, Port Area,  Manila noong nakaraang Hulyo 23, 2019. Pinangunahan ito ni Undersecretary Jesus Melchor V. Quitain, OIC  ng Office of the Special Assistant to the President. Kabilang sa mga sinira ay ang Ferrari, na idineklarang gamit na auto spare parts, na dumating sa Port of Manila (POM) noong Mayo 13,…

Read More

JULY TARGET COLLECTION NG PORT OF SUBIC NALAGPASAN

PORT OF SUBIC

Positibong nalagpasan ng Bureau of Customs (BOC) Port of Subic ang kanilang target collection para sa buwan ng Hulyo ng taong kasalukuyan. Sa kanilang inilabas na report noong Hulyo 23, 2019, bagama’t walong araw pa bago matapos ang nasabing buwan ay nalagpasan na nila ang kanilang target collection. Nakapagtala ang Port of Subic ng kabuuang kolek­­syon na P1,993,013,456.96 na lumagpas ng P35,086,940.96 o 1.79% na mas mataas sa kanilang month of July target na P1,957,926,516.00. Ang  BOC-Port of Subic ay apat na taon nang nakakalagpas ng kanilang monthly collection target…

Read More

BABALA NI GUERRERO VS CUSTOMS BROKERS NA SANGKOT SA GAWAING ILEGAL: AKREDITASYON IRE-REVOKE

Commissioner Rey Guerrero

(Ni Joel O. Amongo) Nagbabala si Customs Commissioner Rey Leo­nardo Guerrero na kanyang aalisan ng Customs accreditation ang sinumang Customs broker na mapatutunayang sangkot sa maling gawain o smuggling sa nasabing bureau. Sa statement  ni Guerrero noong nakaraang Miyerkoles (Hulyo 24, 2019), sinabi niya na malaking hamon sa kanya ang pagsugpo ng korapsyon sa Customs lalo na ang mga Customs brokers na lumalabag sa batas, rules and regulations. Ayon kay Guerrero sa kanilang miting ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Palasyo ng Malacañang ay inihayag nito na dismayado siya sa…

Read More

NON-BROKERS MAKAPAGREREHISTRO NA BILANG DECLARANTS NG BOC

CMO-34

(Ni Jomar Operario) Maaari nang magparehistro  bilang declarants ng Bureau of Customs (BOC) ang mga non-brokers. Ito’y matapos na pahintulutan ng BOC ang lahat ng importers ang kanilang mga tao na tumayong ahente o Attorney-in-Fact na magdesisyon kung saan ilalagak at ipoproseso ang kanilang declaration of goods sa  ahensya sa pagsumite ng aplikasyon para makakuha ng Certificate of Accreditation bilang declarant mula sa ahensya. Kaalinsunod na rin ito sa inilabas  na Customs Memorandum Order (CMO) No. 34-2019  na kung saan  nakasaad na ang  declarant ay responsable para sa tamang  declaration…

Read More