P380-M KUMPISKADONG YOSI, WASAK SA ZAMBO

SA layong tiyaking hindi na makararating pa sa merkado, piniling wasakin na lamang ng Bureau of Customs (BOC) ang P380-milyong halaga ng mga imported na sigarilyong nasabat ng Port of Zambonga sa mga operasyon kontra smuggling sa nasabing rehiyon mula ng Mayo hanggang Nobyembre. Sa ginanap na pagwasak ng mga kumpiskadong sigarilyong nakabarega sa isang bodega sa Barangay Baliwasan, bina­laan din ni Port of Zamboanga District Collector Segundo Sigmundfreud Barte ang mga sindikato sa likod ng cigarette smuggling sa karagatang sakop ng kanyang distrito na bukod sa pagsamsam ng mga…

Read More

BOOSTER PARA WALANG LIBAN

MAKARAANG kilalanin bilang kauna-unahang ahensyang (non-LGU, non-health category) nagpatupad ng pagbabakuna sa mga kawani, muling pina­ngunahan ng Bureau of Customs (BOC) ang pagtuturok ng dag­dag proteksyon sa mga klasipikadong frontliners ng nasabing kawanihan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Sa dalawang-araw na prog­ramang Resbakuna nitong naka­raang Biyernes at Sabado, isina­lang sa turukan ng booster shots ng COVID-19 vaccines ang mga kawani ng BOC-Port of NAIA, sa hangaring tiyaking iwas sakit ang kanilang mga frontliners sa gitna ng peligrong dala ng mas nakakahawang mutated virus strain na tinagurian ng World Health…

Read More

Pinabubusisi ng Senado PALIT PANGALAN NG MGA BULILYASONG IMPORTERS

MAKARAANG ibunyag kama­kailan ng Bureau of Customs (BOC) ang modus ng mga importer sa likod ng agricultural smuggling sa bansa, nanawagan naman ang Senado para sa mas malalim na imbestigasyon kasabay ng pagtukoy ng iba pang mga kumpanyang di umano’y nasa likod ng patuloy na pagpupuslit ng mga gulay mula sa bansang Tsina. Sa pagdinig ng Senado kaugnay ng usaping agricultural smuggling, hinimok ni Senador Risa Hontiveros ang BOC para sa malalimang imbestigasyon sa mga kumpanyang paulit-ulit lang nabubulilyaso subalit nagagawa pa ring magpuslit ng mga produktong agraryo mula sa…

Read More

PAGKUKUBLI NG PANGALAN

BAGAMAT nakalulugod ang bawat tagumpay ng operasyon kontra smuggling, lubha namang nakakapagtaka ang ginagawang pagkukubli ng pagkakakilanlan ng mga arestadong claimants ng mga kontrabandong nabulilyaso ng Bureau of Customs (BOC). Sa isang liham na ipinadala ng isang masugid na mambabasa ng pahinang Aduana Spotlight ng pahayagang SAKSI NGAYON, itinanong ng isang mapanuring netizen ang aniya’y hindi pangkaraniwang kalakaran kaugnay ng mga claimants ng mga illegal parcels na nadakip sa mga controlled delivery operations ng kawanihan. Kabilang sa mga tinukoy ng ating masugid na mambabasa ang pagkakasabat ng smuggled na gagambang…

Read More

DAMO AT AMO SILAT SA CLARK

HINDI nasayang ang sala­ping pinag-ukulan ng gob­yerno sa mga makabagong x-ray machines na minsan pang napatunayang epektibo sa kampanya ng gob­yerno kontra droga. Patunay nito ang pagkasabat ng bulto-bultong high-grade marijuana na nadiskubre ng Bureau of Customs (BOC) sa Clark, Pampanga kamakailan. Sa isang kalatas ng Port of Clark, 15 pakete ng high-grade marijuana na nadiskubre sa isang bagaheng lumapag sa kanilang pasilidad mula sa Washington sa Estados Unidos nito lamang nakalipas na Lunes. Anila, nabisto ang iligal na epektos makaraang isailalim ang paketeng idineklarang kobrekama sa x-ray scanning na…

Read More

PUBLIKO BINALAAN KONTRA COSMETIC PRODUCTS MULA CHINA

INALERTO ng EcoWaste Coalition ang publiko laban sa panganib na dala umano ng 15 cosmetic products mula sa bansang China at Pakistan na kumakalat sa merkado. Sa isang pahayag, partikular na tinukoy ng grupo ang 15 iba’t ibang klase ng mga facial cream na lantarang binebenta sa halagang P100 hanggang P250 bawat isa sa mga establisimyento sa mga lungsod ng Maynila, Parañaque at Pasay. Anila, nagtataglay ng mapaminsalang kemikal na mercury ang mga nasabing produkto. “We did our latest test purchase to draw attention to the urgency of effectively enforcing…

Read More

Walang lumahok na bidders 5 LUXURY CARS DI NAISUBASTA NI ANGEL F. JOSE

TALIWAS sa inaasahan, hindi nagawang perahin sa itinakdang araw ng public auction ng Bureau of Customs (BOC) ang limang kumpis­kadong luxury vehicles na pinaniniwalaang iligal na ipinuslit sa bansa – ang dahilan, walang sumipot na bidder. Gayunpaman, kumpiyansa ang pamunuan ng BOC na madi-dispatsa ng kanilang ahensya ang limang mamahaling sasakyang inaasahang magbibigay ng dagdag pana­nalapi sa gobyerno para ipantustos sa COVID-19 pandemic response. Kabilang sa mga sinusubastang sasakyan ng kawanihan ang 2008 Ferrari Scuderia 430 (P23.23M), 2001 Porsche Boxster (P1.79M) at tatlong Mercedes Benz – 2011 E220 (P1.49M), 2001…

Read More

SMUGGLING NG ASUKAL PURNADA SA LANGGAM

NAPURNADA ang tangkang pagpuslit ng pri­merang klase ng asukal sa bansa makaraang dumugin ng mga langgam ang kargamentong laman ng isang dambuhalang container sa Port of Subic kamakailan. Sa tala ng Bureau of Customs (BOC), hindi bababa sa P16.7 milyong halaga ng asukal ang nabuko sa isinagawang inspeksyon ng mga tauhan ng Port of Subic base sa timbre ng isang impormante bago pa man lumapag ang nasabing kargamentong inangkat ng Multi-Subsonic Marketing Company. Base sa impormasyon ng Port of Subic, idineklarang panglampaso at basurahan ang laman ng container van na…

Read More

CONSIGNEE ARESTADO SA GAGAMBA

HINDI nakalusot sa mga makabagong x-ray machine ng Bureau of Customs (BOC) ang panibagong tangkang pag­pu­puslit ng mga gagamba mula pa sa bansang Poland sa Central MailExchange Center (CMEC), sa lungsod ng Pasay. Arestado rin sa isinagawang operasyon ng BOC-Port of NAIA Enforcement and Security Service Environmental Protection Compliance Division (ESS-EPCD) ang hindi pinangalanang consignee ng mga nasabing gagambang nagkakahalagang P75,000. Aktong kinukuha ng suspek ang bagaheng idineklarang pinagtabasang papel na angkop ng origami – isang uri ng sining mula sa bansang Japan. Subalit bago pa man ang pagdakip, nakaantabay…

Read More