SPECIAL TAX IPINATAW SA IMPORTED CEMENT

BILANG proteksyon sa mga lokal na industriya, nakatakdang patawan ng pamahalaan ng karagdagang buwis ang mga sementong inaangkat pa mula sa bansang Vietnam. Sa isang kalatas, tiniyak ng Bureau of Customs (BoC) na hindi madedehado ang lokal na industriya ng semento sa bansa, kasunod ng pahayag kaugnay ng anila’y provisional anti-dumping duties na ipapataw sa loob ng apat na buwan para sa mga imported Portland cements. Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), lubhang nakakaapekto sa mga negosyanteng Pinoy ang pagpasok ng Portland cement ng Vietnam na ‘di hamak…

Read More

WALANG F2F DEAL PAGSAPIT NG 2025

ASAHANG tuluyan nang matutuldukan ang suhulan at pambabarako ng mga tiwa­ling kawani kaugnay ng mga pumapasok at lumalabas na kargamento pagsapit ng 2025, ayon mismo sa isang opisyal ng Bureau of Customs (BoC). Sa isang pahayag, hayagang sinabi ni Customs Associate Commissioner Vincent Philip Maronilla na matatapos na ng BOC ang programang full automation na aniya’y may kalakip at garantiyang iwas katiwalian bunsod ng pagwawaksi ng mga face-to-face transactions sa pagitan ng kanilang mga kawani at ng mga importers at customs brokers. Aniya, malaking bentahe ang full automation ng kawanihan…

Read More

Labis pa sa 2021 target collection SAPUL!

MARAMI ang nanlumo sa muling paglobo ng arawang talaan ng mga kumpirmadong kaso ng nakamamatay na COVID-19. ­Dangan naman kasi, ang inaasahang pagwawakas ng pagdurusa at balik-normal na pamumuhay, naunsyami pa. Pero iba ang pananaw ni Fr. Nicanor ­Austriaco, isang eksperto pagdating sa larangan ng molecular biology. Aniya, ito na ang indikasyong magwawakas na talaga ang pandemya, batay sa resulta ng pag-aaral ng mga kapwa niya dalubhasa. Pag-amin ni Austriaco, higit na nakahahawa ang Omicron variant. Gayunpaman, hindi naman aniya dapat mabahala dahil sa mga pag-aaral, ito raw ay isang…

Read More

P4.12M ECSTASY TIMBOG SA NAIA

TIMBOG sa operasyon kontra droga ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang isang bagaheng nagla­laman ng 2,437 tabletas ng party drugs sa Central Mail Exchange Center (CMEC) at DHL warehouse sa lungsod ng Pasay. Nasabat ang drogang nagka­kahalaga ng P4.12 milyon makaraang masipat ang laman ng dalawang sobre at isang bagaheng idinaan sa makabagong  x-ray facility of BOC sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Batay sa dokumentong isinumite sa tanggapan ng Port of NAIA, lumalabas na pawang deklaradong liham at “switch panels” ang nasabing epektos…

Read More

KUMPISKADO PINAMAHAGI SA BINAGYONG LALAWIGAN

TALIWAS sa nakagawian, pini­ling ipamahagi na lamang ng Bureau of Customs (BOC) ang mga kumpiskado at abandonadong kargamento sa daan-libong pamilyang sinalanta ng bagsik na dala ng bagyong Odette sa mga lalawigan sa Visayas at Mindanao. Kabilang sa mga isinalin ng Auction and Cargo Disposal Division sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa pamamahagi ang iba’t ibang klase ng kalakal tulad ng bigas, de lata, sapin sa paa, at iba pang tinangkang ipuslit sa bansa nitong mga nakaraang buwan. Sa tala ng BOC, aabot sa 5,200 sako…

Read More

DAVAO PORT, ISO CERTIFIED NA RIN

MAKARAAN ang mahabang proseso ng pagsusuri, inirekomenda na para sa inaasam na ISO Certification ng Port of Davao, ang kauna-unahang Puerto sa Visayas at Min­danao na gagawaran ng isang pagkilala ng husay sa pamantayan ng isang pandaigdigang tagasuri. Sa isang pahayag ng Bureau of Customs (BOC), buong pagmamalaking ibinida ang Port of Davao makaraang maipasa ang ikalawa at huling antas ng External Quality Audit, dahilan para irekomenda ang nasabing pasilidad para sa ISO 9001:2015 Certification, na patunay ng pinabuting sistemang akma sa modernisasyon sa larangan ng kalakalan. Giit ng BOC,…

Read More

Blacklist nakaamba sa makulit SABLAY NA IMPORTERS TIMBOG ULIT NGAYON

Ni JOEL O. AMONGO NAHAHARAP sa posibleng ma-blacklist ang dalawang rehistradong importers makaraang mabulilyaso ulit sa tangkang pagpupuslit ng mga inangkat ng gulay at asukal mula sa bansang Tsina. Partikular na tinukoy ng Bureau of Customs (BOC) ang EMV Consumer Goods Trading at JKJ International Co. na kapwa nakumpiskahan ng sandamukal na sibuyas at asukal na laman ng kargamentong idineklarang “wet wipes,” siopao at itlog. Sa tala ng Port of Subic, hindi bababa sa P37 milyong halaga ng sibuyas at asukal ang nasamsam mula sa dalawang kumpanyang kapwa napag-alamang may…

Read More

NASABAT NA KARGAMENTO, SINURI NG MGA BRAND REPS

SA hangaring palakasin ang mga asuntong isinampa laban sa mga smugglers ng mga branded na produkto, hiniling ng Bureau of Customs (BOC) sa mga kumpanya sa likod ng mga mamahaling signature products na makibahagi sa isinasagawang pagsusuri ng ahensya sa mga kumpis­kadong kargamento mula sa iba’t ibang bansa. Kasama ang mga abo­gado at brand representatives, inumpisahan na rin ang pagsusuri sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) exhibit room sa Pasay City ng mga kumpiskadong signature products na inabandona o nasamsam ng mga operatiba. Kabilang rin sa mga naatasang lumahok sa…

Read More

P15.5M ECSTASY HAGIP SA REGALONG PADALA

HUMIGIT kumulang 10,000 tabletas ng pampasiglang drogang kilala bilang ecstasy ang nasabat ng mga operatiba sa isang pinagsanib na operasyon ng Bureau of Customs (BOC), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa lungsod ng Pasay. Sa tala ng PDEA, aabot sa P15.5 milyon ang halaga ng mga kumpiskadong drogang ikinubli sa tatlong bagaheng naglalaman ng pitong mamahaling handbags na inangkat pa mula sa bansang Netherlands. Batay sa dokumentong ka-­­la­kip ng nasabing bagahe, idineklara ang kargamentong inilagak sa Central Mail Exchange sa NAIA Complex bilang mga regalong…

Read More