PEKENG EMPLEYADO NG BOC KALABOSO

BILANGGUAN ang kinabagsakan ng isang taong nagpakilalang tauhan ng Bureau of Customs (BOC) makaraang hulihin siya ng mga awtoridad noong Hunyo 23. Natapos ang maliliga­yang araw ni Macario Samson, alyas “Intsik”, nang masakote ito ng pinagsanib na puwersa ng BOC – Intelligence Group-Customs Intelligence and Investigation Service (IG-CIIS), Port of Manila (POM) at ng Manila Police District (MPD). Sa pagkakahuli kay Samson, matitigil na ang pambibiktima nito sa mga tao kung saan libu-libong halaga ang kanyang nakukulimbat gamit ang pagiging kawani umano nito ng BOC. Nahaharap si Samson sa maraming…

Read More

Matapos lumahok sa US-sponsored workshop BOC-NAIA, LALONG LALAKAS

LALONG lalakas ang Bureau of Customs – Port of NAIA (BOC – NAIA) sa paglaban at pagsugpo sa ilegal na pagpasok ng samu’t saring produkto sa bansa matapos itong lumahok sa 2-day workshop na inilunsad ng United States (US) kamakailan. Lumahok ang BOC – NAIA sa kauna-unahang “Hybrid Virtual Workshop for International Air Cargo Interdiction Training (IACIT) ng United States Export Control and Related Border Security (US-EXBS) Program at ng United States Customs and Border Protection (US-CBP) noong Hunyo 17 at 18. Ayon sa press statement ng BOC, layunin ng…

Read More

BOC-NAIA, NAGLUNSAD NG TRAINING

NAGLUNSAD ng training ang Bureau of Customs–Port NAIA (BOC–NAIA) at ang SGS Philippines Inc. upang mapaghusay pa ang “quality service” ng ahensiya sa mga negos­yante, Customs brokers at sa publiko, sa pangkalahatan. Ang pagsasanay na inilunsad nitong Hunyo 16 ay ginabayan ng Multi Sector Advisory Council (MSAC). Ang training na online ang pagdaraos ay pinamagatang “Training Seminar on Customs Best Practices”. Ang mga dumalo ay ang mga kawani ng BOC – NAIA, CMEC, Customer Care Center (CCC), Public Information Office (PIO), Office of the District Collector at mga kinatawan ng…

Read More

21 SMUGGLED VEHICLES, WASAK SA BOC

PAGKATAPOS harangin ang 21 mga mamahaling sasakyan, winasak ang mga ito ng apat na port ng Bureau of Customs (BOC) nitong Hunyo 18. Tumataginting na P58.55 milyon ang kabuuang halaga ng mga magagarang sasakyan ang winasak ng Manila International Container Port (MICP), Port of Manila (POM), Port of Subic at Port of Cagayan de Oro (CDO), ayon sa BOC. Ang pagwasak sa mga idineklarang smuggled vehicles ay malinaw na ebidensiyang magpapatunay na walang nakalulusot sa liderato ng MICP, POM, Port of Subic at Port of CDO na mga produktong galing…

Read More

ANOMALYA SA BOC-DAVAO UMALINGASAW!

Imbestigahan Natin Ni Lucas Castigador UMALINGASAW ang anomalya sa Bureau of Customs (BOC) Port of Davao, ayon sa sumbong sa IMBESTIGAHAN NATIN ng Aduana Spotlight ng SAKSI Ngayon kamakalawa. Direkta mula sa Davao City ang ating natanggap na tawag sa celphone mula sa impormanteng nagsiwalat sa ‘mahiwagang’ pagsira ng 11 container vans ng smuggled items. Ayon sa impormante, noong nakaraang buwan daw ay may winasak na smuggled items ang BOC Port of Davao. Sa 11 container vans, 7 rito ay ukay-ukay at 4 ang mga pekeng sigarilyo na tulad ng…

Read More

P9-M SIBUYAS, ‘DI NAKALUSOT SA PORT OF SUBIC

Ni JOEL O. AMONGOSIYAM na milyong pisong halaga ng mga sariwang sibuyas ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs – Port of Subic (BOC–Subic) nitong Hun­yo 14. Dumating sa Port of Subic noong Mayo 29 ang nasabing mga pulang sibuyas na minarkahang “Bill of Lading No. 022BA08118”. Ayon sa BOC, GINGARNION AGRI Trading ang consignee ng mga nasabing imported agricultural product. Idineklarang “fresh yellow onions” ang sibuyas nang iproseso ito noong Hunyo 8. Ngunit, nadiskubre sa masusing pagsisiyasat ng mga tauhan ng BOC – Subic na fresh red…

Read More

P75-M SIGARILYO, WINASAK NG BOC – CDO

WINASAK ng Bureau of Customs – Port of Caga­yan de Oro (BOC-CDO) ang mga sigarilyong P75 mil­yon ang kabuuang halaga. Isinagawa ang pagwasak noong Hunyo 14 sa loob ng pasilidad ng Terra Cycliq Corporation sa Brgy. Mantibugao, Manolo Fortich sa Bukidnon. Idineklara ng Port of CDO na smuggled ang mga sigarilyong iba’t iba ang tatak. Batay sa rekord ng BOC-CDO, naka-consign sa Sixty Nine Enterpri­ses ang mga sigarilyong dumating sa Mindanao Container Terminal sa Tagoloan, Misamis Oriental noong Enero 11 ng taong kasalukuyan. Ang unang deklarasyon ay kitchenware ang nilalaman…

Read More

RELASYON SA STOCKHOLDERS, PINALAKAS NG BOC-NAIA

PINALAKAS ng Bureau of Customs – Port of Ninoy Aquino International Airport (BOC – Port of NAIA) ang relasyon at pakikipag-ugnayan nito sa kanyang mga stockholder. Pinatibay din nito ang komunikasyon sa stockhol­ders at publiko. Sinimulang isagawa ang programang ito ng BOC-NAIA, sa pamamagitan ng paglulunsad ng forum, o virtual Engagement Meeting, sa external stakeholders nitong Hunyo 15. Sa nasabing pulong, inilatag ni NAIA District Collector Carmelita M. Talusan ang mga inisyatiba at prog­rama ng BOC sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero. Inihayag din ni Talusan…

Read More

BOC KINILALA SA ANTI-SMUGGLING AT ANTI-COUNTERFEITING

KINILALA ng Louis Vuitton Company ang Bureau of Customs (BOC) dahil sa mga nagawa nito laban sa smuggling at counter­feiting operations ng ilang kumpanya sa bansa. Pinangunahan ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang pagtanggap sa plake ng pagkilala ng Louis Vuitton nitong Hunyo 14. Si Guerrero ay naging komisyoner ng BOC mula noong Oktubre 2018. Ang Louis Vuitton na nagsimula sa negosyo no­ong 1854 ay kilalang kum­panya sa buong mundo hanggang kasalukuyan. “The recognition came as part of the Bureau of Customs relentless drive against smuggling and counterfeit items”, wika…

Read More