UMABOT sa 42 mga kasong kriminal ang isinampa ng Bureau of Customs (BOC) sa Department of Justice (DOJ) ngayong 2021 laban sa mga importers at Customs brokers na tahasang lumabag sa batas ng importasyon. Ayon sa BOC, resulta ito ng puspusang kampanya ng ahensiya, sa ilalim ng liderato ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero, laban sa iligal na importasyon at ismagling ng mga produkto papasok sa bansa. Isa sa 42 ay ang kasong isinampa ng BOC laban sa Ben Zachary Agricultural Trading na posibleng lumabag sa Customs Law at kautusan ng…
Read MoreCategory: ADUANA SPOTLIGHT
P1-B pekeng produkto, kumpiskado SMUGGLERS, TAMEME SA BOC – IG – IPRD
MULI na namang pinatunayan ng Bureau of Customs (BOC) ang bangis nito laban sa mga ismagler. Sa pagkakataong ito, ang Intelligence Group Intellectual Property Rights Division (IGIPRD) ng BOC naman ang nakaharang sa mga pekeng produkto na ang kabuuang halaga ay umabot sa P1 bilyon. Nakumpiska ng operatiba ng IG – IPRD ang mga produkto sa Magallanes, Makati City nitong Hunyo 14, sa pakikipagtulungan ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ng Port of Manila District Office, o POM. Isinagawa ang operasyon alinsunod sa Letter of Authority (LOA) na nilagdaan…
Read MoreP391-M ang target POSF, LAGPAS NG P36.4-M ANG KOLEKSYON SA MAYO
LUMAGPAS sa P391,020,000 ang nakolekta ng Port of San Fernando (POSF) sa La Union para sa Mayo ng taong kasalukuyan. Ayon sa POSF, ang actual collection nito para sa Mayo ay pumalo sa P427, 437, 710.30. Kaya, nalampasan ng POSF ng 9 porsiyento, o eksaktong P36,417,710.30 ang itinakdang target para sa Mayo. Dahil sa napakagadang accomplishment, binati ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang pamunuan ng POSF dahil hindi lang naabot ang tudlang koleksiyon, kundi nalagpasan pa. Malaking ambag ang nagawa ng POSF sa pagkakalagpas din ng…
Read MoreSa pangunguna ni Guerrero 30TH ASEAN DGs OF CUSTOMS MEETING, NAGTAGUMPAY
NAGING matagumpay ang isinagawang 30TH ASEAN Directors-General (DG) of Customs Meeting para sa 2021 – 2022 na pinamunuan ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Leonardo Guerrero. Sa kanyang pagtanggap at pagkilala sa nasabing pagtitipon at pulong ng mga pinuno ng Customs bureau sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ipinaliwanag ni Finance Secretary Carlos Dominguez na: “The ASEAN region was severely affected by the pandemic. However, beginning the second half of this year, most of our economies should have gained stable footing on their path to recovery”. Binanggit ni…
Read MoreMICP, 2 BESES TINANGKANG PALUSUTAN NG ‘SMUGGLERS’
Imbestigahan Natin Ni LUCAS CASTIGADOR SUNUD-SUNOD sa loob lamang ng isang linggo ngayong Hunyo na dalawang beses tinangkang palusutan ng smuggled vehicles ang bakuran ng Manila International Container Port (MICP) sa Maynila. Ang tinutukoy po natin ay nitong Hunyo 2, tatlong mamahaling sasakyang ang tinangkang ipuslit mula sa bakuran ng MICP. Una ay ang isang yunit ng Ferrari F430 Scuderia, isang yunit ng Mercedes Benz SLK 55 AMG at isang yunit ng Mercedes Benz E220 na nagkakahalaga ng 20 milyong piso ang tatlong mga sasakayan. Sa tulong ng Customs Intelligence…
Read MoreP38-M ‘yosi’ naharang BOC-MICP WAGI ULI VS SMUGGLING
MULING pinatunayan ng Manila International Container Port (MICP) na panalo ito laban sa ismagling. Ayon sa Bureau of Customs (BOC), nakumpiska ng operatiba ng MICP nitong Hunyo 11 ang napakaraming sigarilyo, o “yosi”, na P38 milyon ang halaga. Ang naturang mga sigarilyo ay tinangkang ipuslit sa MICP, ngunit hindi nakalusot. Idiniin ng BOC – MICP na ang nasabing panibagong accomplishment ay bahagi ng pinatinding paniniktik at anti – smuggling operations ng ahensya. Makaraang makakuha ng positibong impormasyon ang Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ng MICP, nag-isyu si MICP District…
Read More200K PFIZER VACCINES, TODO-ASIKASO NG POC
HINDI pinatagal ng Bureau of Customs – Port of Cebu – Subport of Mactan ang pagtanggap at pagpapalabas ng 210,600 doses ng bakunang Pfizer nitong Hunyo 10. Kaagapay ng BOC – POC ang Department of Health (DOH) sa Region VII sa isinagawang pagpoproseso ng mga bakuna. Ayon sa BOC, nanggaling sa COVAX facility ng World Health Organization (WHO) ang Pfizer vaccines na diretsong inihatid sa Mactan, Cebu International Airport mula Belgium. Pinangunahan nina POC District Collector Atty. Charlito Martin R. Mendoza at Subport of Mactan Port (SOMP) Collector Gerardo A.…
Read MoreEMERGO, INASUNTO NG POM SA DOJ
INASUNTO ng Bureau of Customs – Port of Manila (BOC – POM) sa Department of Justice (DOJ) ang EMERGO General Merchandise kaugnay sa misdeclaration ng P1.95 milyong halaga ng general merchandise. Nitong Hunyo 4 isinampa ang mga kaso laban sa EMERGO dahil sa posibleng paglabag sa Republic Act 10863, o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), na may kinalaman sa Seksiyon 1 ng Republic Act 4653, o ang “An Act To Safeguard the Health of the People and Maintain the Dignity of the Nation By Declaring It A National Policy…
Read More3-M DOSES NG BAKUNA, AGAD INASIKASO NG BOC-NAIA
MABILIS na inasikaso at inilabas ng Bureau of Customs – Port of NAIA (BOC – NAIA) ang 3,074,410 doses ng mga bakuna na dumating sa bansa nitong Hunyo 9 hanggang 11. Katuwang ng BOC-NAIA ang Inter-Agency Task Force (IATF) sa pagbibigay ng importansiya sa mga bakuna. Sa nabanggit na higit tatlong milyong bakuna, ang unang batch na dumating sa bansa ay ang 111,150 doses ng Pfizer-BioNtech vaccines na dumating nitong Hunyo 9. Mabilis itong dinala sa cold storage facility bago dalhin sa Davao. Dumating naman nitong Hunyo 10 ang isang…
Read More