NANANATILING buhay ang pagmamahal ng masang Pinoy kay Da King na pinatutunayan sa mainit na pagtanggap sa FPJ Panday Bayanihan partylist na kinakatawan ng kanyang apong si Brian Poe. PATULOY na umaani ng suporta sa masa ang FPJ Panday Bayanihan party-list. Ang mga pangunahing dahilan, ang walang hanggang pagmamahal ng mga tao kay Fernando Poe Jr., ang Hari ng Pelikulang Pilipino kasabay ng direktang integrasyon ni Brian Poe Llamanzares sa mga advocacy group at grassroots organization at paggagap nito sa aktwal na agenda ng bawat sektor. Sinabi ni Ricky Mallari,…
Read MoreCategory: METRO
AKO-OFW PARTY-LIST NAGPASALAMAT KAY PBBM SA CLEMENCY SA HIGIT 200 OFWs SA UAE
IKINATUWA ng AKO-OFW Party-list ang pagsisikap ng Philippine government kasunod ng pagpapalaya sa 220 mga Filipino detainee sa United Arab Emirates kasabay ng kanilang pagdiriwang sa 53rd national day ng bansa. Ayon kay Dr. Chie Umandap, ang chairman at first nominee ng 116 AKO-OFW partylist, ang aksyon ni Pangulong Bongbong Marcos para makipag-ugnayan sa UAE government ay nagpadali sa pagpapalaya ng overseas Filipino workers (OFWs) na nakitaan ng paglabag sa naturang bansa. Aniya, malaking ginhawa ang clemency para sa maraming pamilyang Pilipino na muling makasama ang kanilang mga mahal sa…
Read MoreIKAAPAT NA IMPEACHMENT COMPLAINT VS VP SARA KASADO
NAGKAPATONG-PATONG na ang problema ni Vice President Sara Duterte dahil matapos itong alisin ni Pangulong Marcos bilang miyembro ng National Security Council (NSC) kamakailan, maaaring maharap pa ito sa ika-apat na impeachment complaint sa Kongreso. Nabatid na may ilang mambabatas ang nagpapahiwatig na ngayon na ikakasa na nila ang ikaapat na impeachment complaint laban sa bise presidente. “Ilang miyembro ng mayorya sa Kongreso ang nagpahiwatig na maghahain ng ika-apat na impeachment complaint laban sa Bise-Presidente,” ayon kay House Secretary General Reginald Velasco. Gayunman, tumanggi muna si Velasco na pangalanan ang…
Read MoreLIDERATO NI ROMUALDEZ KINILALA, SUPORTADO NG IBA’T IBANG PARTIDO
KINILALA at pinuri ng iba’t ibang partido pulitikal ang pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na nasa likod ng mga tagumpay na narating ng Kamara de Representantes ngayong 19th Congress. Ang pagsuporta sa pamumuno ni Speaker Romualdez ay magkakahiwalay na inihayag ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), National Unity Party (NUP), Nationalist People’s Coalition (NPC), Nacionalista Party (NP) at Party-List Coalition Foundation Inc. (PCFI). Ayon kay NUP president at CamSur Rep. LRay Villafuerte, hindi maitatanggi ang pagiging produktibo ng Kamara sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez. Aniya, naipasa na ng…
Read More12-BUWANG SUSPENSYON SA URDANETA MAYOR, VICE MAYOR INILABAS NG MALACAÑANG
INIUTOS ni Executive Secretary Lucas Bersamin ng Office of the President ang 12 buwang suspension order laban kina Urdaneta City Pangasinan Mayor Julio Parayno at Vice Mayor Jimmy Parayno matapos mapatunayang sangkot ang mga ito sa kasong grave misconduct at grave abuse of authority na naisampa sa Malakanyang ni Michael Brian Perez, punong barangay ng San Vicente Urdaneta City, Pangasinan. Kaugnay ito sa ipinalabas na desisyon ni Secretary Bersamin nitong January 7, 2025 hinggil sa administrative complaint na naisampa ni Perez noong October 28,2022 kung saan napatunayang sangkot ang dalawang…
Read MoreMay pagtatangka pasukin at nakawin digital data ng bansa CYBER WARFARE TUTUTUKAN NG AFP CYBER COMMAND
MAS higit pang paiigtingin ngayon ng Armed Forces of the Philippines at ng kanilang AFP Cyber Command ang kanilang cyber defense kasunod ng ulat na tinangkang pasukin ng Chinese hackers ang ilang websites ng pamahalaan kabilang ang ilang executive branches. Ayon sa ulat ng Bloomberg, sinasabing tinarget ng Chinese hackers ang Pangulo ng Pilipinas at nagnakaw ng military data. Hindi ito kinumpirma ng AFP subalit sinabi ng tagapagsalita ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas, Col. Francel Margareth Padilla, na isang ring Cyber Security expert, “Cyber-attacks are a daily occurrence. And what…
Read MoreP561-M UTANG SA TAGAHAKOT NG BASURA ITINANGGI
ITINANGGI ng pamahalaang Lungsod ng Maynila ang umano’y kalahating bilyong utang ng lungsod mula sa waste management firm na Leonel Waste Management Corporation. Kaugnay nito ay pinatutuos ni Manila Mayor Honey Lacuna sa City Treasurer’s Office kung magkano talaga ang utang ng lungsod subalit naniniwala itong wala pa itong P500 million. Nabatid na inaantabayan ngayon ni Mayor Lacuna ang ibibigay na update ng City Treasurer’s Office sa naturang isyu. Ipinaliwanag ni Mayor Lacuna na wala umanong sinabi ang kumpanya na P500 milyong utang ng lungsod sa Leonel Waste Management sa…
Read MoreP.6-M ILEGAL NA PAPUTOK, PYROTECHNICS WINASAK
WINASAK ng Quezon City Police District (QCPD), sa pamumuno ni PCOL Melecio Buslig, Jr., ang mahigit P.6 milyong halaga ng ipinagbabawal na paputok at pyrotechnics sa isinagawang sabay-sabay na disposal activity nitong Martes sa QCPD ground, Camp Karingal, Sikatuna Village, Quezon City. Nabatid na ang pagwasak ay pinangunahan nina PCOL Roman Arugay (ADDO), PCOL Joel Villanueva (CDDS), PLTCOL Edgar Batoon (OIC, DMFB), at PLTCOL Vicente Bumalay (OIC, DOD). Pinangasiwaan ito ng mga tauhan mula sa Explosive and Ordnance Division (EOD) at Bureau of Fire Protection (BFP). Kaugnay nito, sa kabuuan,…
Read MoreSENIOR CITIZEN TIMBOG SA DROGA
ARESTADO ng mga operatiba ng Pasig City Police Station Drug Enforcement Unit, ang isang senior citizen sa isinagawang buy-bust operation noong Enero 6 sa F. Pasco Avenue, Brgy. Santolan, Pasig City. Kinilala ni PCol. Hendrix Mangaldan, chief of police ng Pasig City, ang suspek na si alyas “BigBoy,” 60-anyos, may asawa at residente ng nasabing barangay. Ayon kay Mangaldan, tinaguriang 9th high value individual (HVI) ang suspek, batay sa rekord ng National Capital Region Police Office (NCRPO). Sinabi pa sa ulat, matapos ang sapat na panahon ng pagmamanman, kaagad nagsagawa…
Read More