IKINATUWA ng AKO-OFW Party-list ang pagsisikap ng Philippine government kasunod ng pagpapalaya sa 220 mga Filipino detainee sa United Arab Emirates kasabay ng kanilang pagdiriwang sa 53rd national day ng bansa.
Ayon kay Dr. Chie Umandap, ang chairman at first nominee ng 116 AKO-OFW partylist, ang aksyon ni Pangulong Bongbong Marcos para makipag-ugnayan sa UAE government ay nagpadali sa pagpapalaya ng overseas Filipino workers (OFWs) na nakitaan ng paglabag sa naturang bansa.
Aniya, malaking ginhawa ang clemency para sa maraming pamilyang Pilipino na muling makasama ang kanilang mga mahal sa buhay.
Dagdag pa ni AKO- OFW Party-list Chairman Umandap, sigurado siyang mas titibay pa ang relasyon ng Pilipinas sa UAE dahil sa maayos na pamumuno nito sa kanilang bansa.
Pinaalalahanan naman ni Chairman Umandap ang mga OFW na dapat ay sumunod sa batas at respetuhin ang kultura para makaiwas sa anomang kapahamakan.
Tiniyak din ni Chairman Umandap na kapakanan at kaligtasan ng mga OFW ang pinaka importante para sa magandang kinabukasan hindi lamang ng kani-kanilang pamilya maging sa Pilipinas.
Matatandaang noong Hunyo 2024, nasa 143 na Pilipino na rin sa UAE ang binigyan ng pardon kasabay ng pagdiriwang ng Eid al-adha.
73