PORMAL nang nagsampa ng kaso sa National Police Commission o Napolcom ang limang miyembro ng PNP-Highway Patrol Group laban sa kanilang opisyal na si Police Col. Rommel Casanova Estolano, hepe ng Special Operation Division ng PNP-HPG, dahil sa P7 milyong bribery. Sinampahan ng kasong grave misconduct, dishonesty at conduct unbecoming of a police officer at hiniling na kaagad na masibak sa serbisyo ang opisyal ng PNP-HPG na si Estolano. Batay sa salaysay ng limang pulis na sina Lt. Adolfo Mendoza, PSMS Alain Orale, PSMS Krizza Barola, PMSG Ronnie Vergoles at…
Read MoreCategory: METRO
EX-CIDG DIRECTOR MACAPAZ KINASUHAN SA ‘IMBENTONG KASO’
SINAMPAHAN nitong Biyernes sa National Police Commission o Napolcom ng kasong administratibo si dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Brig. Gen. Romeo Macapaz kaugnay sa pag-iimbento ng kaso laban sa whistleblower ng missing sabungeros. Nauna nang nagsampa noong Agosto 14 ang whistleblower na si Dondon Patidongan, alyas Totoy at kapatid nitong si Elakim ng kaso sa Napolcom laban kay Macapaz. Nag-ugat ang reklamo makaraang isangkot ni Macapaz ang magkapatid bilang mastermind sa pagkawala ng 34 na sabungero mula 2021 hanggang 2022. Kahapon ay pormal na nagsampa ng kasong…
Read MoreLIBONG PASYENTE NAKINABANG SA LIBRENG GAMOT
HIGIT sa 1,000 pasyenteng dumaranas ng sakit gaya ng chronic kidney disease, diabetes, altapresyon, at iba pa ang nakatanggap ng supply ng gamot na pang tatlong buwan sa pamamagitan ng TESDAMAN Medical Caravan na ginanap sa Lungsod ng Makati ngayong Agosto 22. Ang aktibidad ay pinangunahan ng tanggapan ni Senate Majority Leader Joel Villanueva. Pinasalamatan ni Villanueva ang mga nakaagapay niya sa programa gaya ng National Center for Mental Health at Pamahalaang Lungsod ng Makati na nagsanib-puwersa para mas mabilis maiparating ang gamot sa mga benepisyaryo. (Danny Bacolod) 141
Read MoreWalang long weekend HOLIDAY SA NINOY AQUINO DAY MANANATILING AGOSTO 21
SA ngayon ay walang plano ang Malakanyang na bigyan ng ‘long weekend’ ang mga manggagawa at estudyante. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro “the Office of the President has not yet given a word on whether the commemoration of Ninoy Aquino Day would be moved from Aug. 21 (Thursday) to Aug. 22 (Friday).” “We will try to reach out to the President. But as of now, there is no update yet if the holiday will be moved,” aniya pa…
Read MoreHEART ATTACK NUMERO UNONG KILLER SA NBP – BUCOR
NANGUNGUNANG sanhi ng pagkamatay sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP) ang heart attack, ayon sa Bureau of Corrections (BuCor). Batay sa datos mula 2022 hanggang 2025, umabot ang kaso ng heart attack sa persons deprived of liberty (PDLs) sa 445, mas mataas pa kaysa sa tuberculosis (TB) na may 59 lamang. Ayon kay BuCor Health and Welfare Services Director Ma. Cecilia Villanueva, nananatiling seryosong banta ang TB dahil sa siksikan at mahinang bentilasyon sa mga kulungan, pero lumalabas na mas laganap ang respiratory diseases gaya ng pulmonya (234 kaso)…
Read MoreRANDOM DRUG TEST SA LAHAT NG INCUMBENT AT APPOINTIVE OFFICIALS ISASABATAS
PINANGUNAHAN ni Senator Raffy Tulfo ang random drug test sa kanyang tanggapan kasunod ng kontrobersya na kinasangkutan ng staff ni Senator Robin Padilla na pinagdudahang gumamit ng marijuana sa mismong banyo ng Senado. (DANNY BACOLOD) NAIS ni Senador Raffy Tulfo na maging ganap na batas ang pagsasagawa ng random drug testing sa lahat ng incumbent elective at appointive officials sa layuning mapalakas ang integridad at accountability sa gobyerno. Tiniyak ni Tulfo na sa pagbalangkas nila ng panukala ay ikukonsidera nila ang ruling ng Korte Suprema na nagsasabing unconstitutional ang pagsasagawa…
Read MoreLaguesma dismayado sa hindi naayos na labor dispute LOCKOUT SA KAWASAKI MOTORS MAGDUDULOT NG JOB LOSS
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) AMINADO si Labor Secretary Bienvenido Laguesma na walang magagawa ang Department of Labor and Employment (DoLE) sa oras na ipatupad ang lockout kung saan mawawalan ng trabaho ang ilang manggagawa ng Kawasaki Motor Philippine Corporation (KMPC). “Malungkot ako dahil pag natuloy ang lockout mawawalan ng trabaho ang mga manggagawa,” may halong pagkadismaya na pahayag ni Laguesma. Ipinaliwanag ng kalihim na ginawa ng DOLE sa pamamagitan ng National Conciliation and Mediation Board (NCMB) ang lahat para maayos ang labor dispute sa pagitan ng KMPC at Kawasaki United…
Read MorePAGCOR PUMIYOK: 60% SA ONLINE GAMBLING ILLEGAL
NASA 60% ng online gambling ang maituturing na ilegal sa kasalukuyan, ayon sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). Umamin si PAGCOR Chairman Alejandro Tengco sa interpelasyon ni Akbayan party-list Rep. Chel Diokno na mas marami pa rin ang illegal na online gambling kumpara sa mga legal o may lisensya. Aniya, nasa limampung porsyento na ang ibinagsak ng transaksyon ng nasabing sugal mula nang ipag-utos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa mga e-wallet na alisin sa kanilang sistema ang mga online gambling apps. “At para po sa kaalaman ng…
Read MorePCUP, CHR KINALAMPAG SA MGA DEMOLISYON SA MAYNILA
KINALAMPAG ni House committee on human rights chairman at Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) at Commission on Human Rights (CHR) na pakialaman na ang ginagawang demolisyon sa kanilang lungsod. Partikular sa nais ni Abante na imbestigahan ng PCUP at CHR ay demolisyon na ginagawa sa kabahayan ng may 20 residente sa Barangay 647 sa San Miguel, Manila dahil nilalabag umano ang karapatan ng mga apektadong mamamayan. Hiniling ni Abante sa CHR na bisitahin ang mismong lugar kung saan isinagawa ang demolisyon at…
Read More