INILUNSAD ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Swift Traffic Action Group (STAG) na binubuo ng 100 traffic enforcers para sa pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy (NCAP).
Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, ang grupo ay pamumunuan ni Bong Nebrija at gagamit ng body cameras para sa transparency. Ipakakalat sila sa mga pangunahing kalsada at Mabuhay Lanes upang mag-monitor ng illegal parking at iba pang paglabag.
Tulad ng NCAP, makatatanggap ang motorista ng abiso sa loob ng 24 oras sa pamamagitan ng SMS, email, o sa “May Huli Ka” website, kasama ang video footage at QR code para sa reklamo online.
(CHAI JULIAN)
158 