P89-M JACKPOT SA SUPERLOTTO 6/49 NASOLO NG TAGA-QUEZON

INSTANT milyonaryo ang isang mananaya ng SuperLotto 6/49 mula sa lalawigan ng Quezon makaraang masolo nito ang jackpot prize. Sa kalatas na inilabas ng PCSO, nakuha ng mananaya ang kumbinasyon na 17-27-21-30-15-20 na may jackpot prize na P89,548,070.20. Nabili ang maswerteng tiket mula sa isang outlet sa Bonifacio St., Gumaca, Quezon. Nasa 38 indibidwal naman ang nanalo ng tig-P24,000.00 makaraang makakuha ng limang kumbinasyon. Ang SuperLotto 6/49 ay binobola tuwing araw ng Martes, Huwebes at Linggo. (TOTO NABAJA) 183

Read More

GOV. DEGAMO SLAY CASE UMUSAD NA

NAGSIMULA nang umusad ang nakahaing kaso ng maramihang pagpatay at bigong pagpatay laban kay dating Negros Oriental Congressman Arnolfo Teves Jr. sa Manila Regional Trial Court. Sinimulan nitong Miyerkoles ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 51 ang pre-trial para sa multiple murder, frustrated murder, at attempted murder charges kaugnay sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at siyam na iba. Si Teves ay dumalo sa pagdinig sa pamamagitan ng video teleconferencing. Kumatawan naman sa kanya sa korte ang isa sa kanyang mga legal counsel na si Atty. Andres…

Read More

Sa gitna ng bilyon-bilyong nawawala PANANAGUTAN SA ILLEGAL ONLINE GAMBLING DINIINAN NI REP. POE

MAYNILA – Sa pagdinig ng budget ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa Mababang Kapulungan ngayong araw, tinutukan ng mga mambabatas ang pangangailangang palakasin ang Compliance Monitoring and Enforcement Department (CMED) ng ahensya, matapos ibunyag na patuloy na lumalaganap ang mga ilegal na online gambling platform sa kabila ng paulit-ulit na operasyon laban sa mga ito. Inilahad ni PAGCOR Chairman Alejandro Tengco na nasa 12,000 ilegal na online gambling sites na tumatarget sa mga Pilipino ang kanilang natukoy. Sa bilang na ito, 8,000 ang na-block o naipasara sa tulong…

Read More

11% LANG NAGAMIT NI VP SARA SA PONDO SA TEXTBOOK

BAGAMA’T kumpleto ng pondo para pambili ng textbooks sa mga pampublikong paaralan noong 2023, labing isang porsyento lamang ang ginamit ni Vice President at dating Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte. Ito ang nilalaman ng report ng Congressional Policy and Budget Research Department (CPBRD) ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na inilabas kasabay ng pagsisimula sa deliberasyon ng 2026 National Expenditure Program (NEP) na nagkakahalaga ng P6.793 trilyon. Hindi binanggit sa report kung magkano ang kabuuang halaga na inilaan ng Kongreso para pambili ng mga textbook subalit nagpahayag ang CPBRD…

Read More

RECRUITMENT NG NPA SA MGA PAARALAN TUTUTUKAN NG PNP

TINIYAK kahapon ni PNP chief General Nicolas Torre lll, na kanilang tututukan ang patuloy na recruitment ng New People’s Army (NPA) sa mga paaralan. Ayon kay Torre, ito ang kanilang napag-usapan ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara sa kanilang pulong. Tinawag ni Torre na bulok ang ideolohiya ng NPA na pilit nilang ipinakakalat. Dahil ang mga bata ay madaling turuan, sinasamantala naman ng mga ito. Target ng PNP na paigtingin ang awareness campaign laban sa NPA para hindi na makapanlinlang ng mga estudyante. Paiigtingin din ang seguridad sa…

Read More

RECOVERED CARNAP VEHICLES OBLIGADONG BAYARAN NG INSURANCE

OBLIGADONG bayaran ng insurance company ang may-ari ng nakarnap na sasakyan kahit ito ay nabawi na, ayon sa Korte Suprema. Base sa desisyong isinulat ni Associate Justice Henri Jean Paul Inting, inatasan ng Ikatlong Dibisyon ng Korte Suprema ang UCPB General Insurance Company, Inc. na bayaran si Wilfrido Wijangco ng insurance claim kahit nabawi na ang kanyang nakarnap na sasakyan, alinsunod sa umiiral na insurance policy. Ayon sa Korte Suprema, tinutukan ng patalim ang anak ni Wijangco sa isang paradahan bago tangayin ng mga armadong lalaki ang sasakyan. Agad itong…

Read More

BEAUTY QUEENS SA WORLD VISION’S #GIRLSCAN CAMPAIGN

NAGBIGAY ng talumpati sina Bb. Pilipinas International 2025, Ms. Katrina Anne Johnson, Bb. Pilipinas International 2025 1st Runner-up Ms. Dalia Varde Khattab at TV personality Ms. Joyce Pring, sa World Vision’s #GirlsCan campaign na ginanap sa Page One Headquarters sa Makati City noong Agosto 19, 2025. Ang kampanyang ito ay isang kilusan na naglalayong bigyang-lakas ang mga kabataang babae upang malampasan ang mga hadlang at makamit ang kanilang mga pangarap sa pamamagitan ng pagsusulong ng pantay na oportunidad sa edukasyon, pamumuno, at pakikilahok sa komunidad. Layunin din nitong basagin ang…

Read More

SOLONS: ‘DI PA TAPOS WAR ON GAMBLING

SA kabila ng kautusan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa mga e-wallet na baklasin ang kanilang ugnayan sa online gambling apps, itinuturing ng dalawang religious leader na miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na hindi pa tapos ang ‘war on gambling”. Mula noong Sabado, epektibo ang kautusan ng BSP sa mga e-wallet tulad ng GCash at PayMaya kaya hindi na ito magagamit ng mga naloloko sa online gambling. Gayunpaman, kapwa sinabi nina Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., ng Metropolitan Bible Baptist Church and Ministries at CIBAC party-list Rep. Bro.…

Read More

Goitia sa aksyon ni PBBM sa kontrobersya sa flood control projects: PAGKONTRA SA KORUPSYON LABAN NG BAWAT PINOY

SA panahong dumaranas ng matitinding pagbaha at iba’t ibang uri ng kalamidad, hindi na makatwiran ang palpak at substandard na trabaho at malawakang korupsyon. Pahayag ito ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, pinuno ng iba’t ibang makabayang organisasyon. “Kaya’t todo ang suporta ko kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang matapang at makatuwirang pag-inspeksyon sa mga flood control projects sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ipinapakita niya na ang kapabayaan at panloloko sa bayan ay hindi niya palalampasin,” pahayag ni Goitia. Sinabi ni Goitia na sa mga isinagawang on-site…

Read More