PUBLIKO PINAG-IINGAT SA ONLINE SHOPPING

HINIMOK ni Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan Party-list, ang mamimili na tangkilikin ang mga lokal na produkto at suportahan ang maliliit at katamtamang laki ng negosyo (SMEs) lalo na ngayong kapaskuhan. Ipinaalala rin niya sa mga consumer na maging mapanuri sa kalidad ng mga imported na produkto at mag-ingat sa lumalalang banta ng mga online scam. “Sa Paskong ito, magsikap tayong mamili ng mga lokal na produkto,” sabi ni Poe sa isang pahayag. “Bagaman ang mga imported na produkto ay maaaring tila mas mura at nag-aalok…

Read More

KILUSANG IM15M KAKASA PARA SA KIKO-BAM

ISANG grupo na mga tagasuporta ng dating bise presidente Leni Robredo, na kilala bilang “Kakampinks,” ay naglunsad ng bagong kilusan na tinatawag na IM15M, na naglalayong mailuklok sa Senado sina Kiko Pangilinan at Bam Aquino sa 2025 mid-term elections. Ang IM15M, na hango ang pangalan mula sa 15 milyong Pilipinong bumoto kay Robredo sa halalan pangpanguluhan noong 2022, ay isang koalisyon ng iba’t ibang grupo kabilang ang Isang Mamamayan para kay Leni (IMKLENI), Leni Tanging Pagasa (LTP), Bankers for Leni, Youth for Leni, Bikers for Leni, at ang Robredo People’s…

Read More

MATAAS NA PASAHE, SURGE FEES NG GRAB INIIMBESTIGAHAN NG LTFRB

NAGSASAGAWA na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng imbestigasyon ukol sa ginagamit na algorithm ng Grab para sa pasahe at price surge nito na inirereklamo ng mga customer. Sa isang radio interview, sinabi ni LTFRB chairperson Teofilo Guadiz na dinidinig na ng ahensiya ang reklamo ukol sa sistema ng Grab sa pagtatakda nito ng singil sa pasahe at surge fees. “Base sa pag-aaral natin, ang algorithm nila masyado nga pong malaki so we’re trimming it down, iyong kanilang mga surge fee,” wika ni Guadiz. “Ang formula nila,…

Read More

DE-KALIDAD NA EDUKASYON NG MARIKINA CITY UNI PINURI; 1ST-TIME NURSING EXAM TAKERS PASADO

NAKAMIT ng Pamantasan ng Lungsod ng Marikina (PLMar) ang 100-porsiyentong passing rate para sa first-time takers ng November 2024 Nursing Licensure Examination, na nagpatibay sa dedikasyon nitong magbigay ng de-kalidad na edukasyon sa mga estudyante ng Marikina City. Kinilala ang 67 first-time takers at walong iba pang nakapasa sa flag ceremony sa Marikina City Hall. Sa nasabing event, pinuri ni Marikina 1st District Rep. Maan Teodoro ang mga nakapasa sa pagbibigay karangalan sa siyudad at pagbibigay diin sa de-kalidad na edukasyon na hatid ng PLMar. “Proud na proud kami ni…

Read More

NON-WAGE BENEFITS TULAD NG ALLOWANCES, SUBSIDIES ISINUSULONG NG TRABAHO PARTY-LIST

PARA maiangat ang antas ng pamumuhay ng bawat Pilipinong manggagawa, isinusulong ng Trabaho Party-list ang paghahandog ng mga non-wage benefits tulad ng allowances at subsidies. Ayon kay Atty. Mitchell-David Espiritu, tagapagsalita ng Trabaho Party-list, mainam ang paghahandog ng mga naturang benepisyo, lalo na’t mayroon na namang 2.3% inflation rate noong Oktubre 2024. Hinimok ng grupo ang mga employer na magbigay ng benepisyo tulad ng rice subsidy, transportation allowance, at medical allowance upang maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng bilihin. Para kay Atty. Espiritu, itong mga non-wage benefits ang…

Read More

P48-M PONDO PARA SA SENIORS NG MAYNILA, HAWAK PA NG PAYMAYA

IBINUNYAG ni Mayor Honey Lacuna na ang city funds na nagkakahalaga ng P48 million na laan para sa monthly allowance ng 8,000 senior citizens sa Maynila, ay nanatiling nasa PayMaya. Ang halaga ay katumbas ng allowances ng 8,000 individual seniors na P6,000 kada taon. Ang PayMaya system kung saan kinukuha ng senior citizens ang kanilang monthly allowance ay ipinatupad ni dating Mayor Isko Moreno, noong mayor pa siya. “Noong panahon po niya idinaan po ang mga allowances ng senior citizens natin through PayMaya. Napakarami pong mga reklamo sa akin na…

Read More

PASAYAHIN 2024: TULOY-TULOY ANG SIGLA!

MAS pinasaya at mas pinabongga ang isinagawang Parade of Lights at Street Dancing Competition ng Pamahalaang Lungsod ng Pasay kahapon. Bukod sa mala-fiestang street dancing, ipinarada rin ang iba’t ibang pailaw at float lulan ang sari-saring palamuti bilang pakikiisa sa ika-161 Founding Anniversary ng lungsod na may temang “Pasayahin 2024: Tuloy-tuloy ang Sigla!” Naglatag din ng mga aktibidad at salu-salo para sa mga Pasayeño. Dinagsa ng libu-libong Pasayeño ang aktibidad lalo’t suspendido ang klase at trabaho sa buong lungsod nitong Lunes, upang bigyang-daan ang selebrasyon ng Araw ng Pasay. (DANNY…

Read More

RUSSIAN ATTACK SUBMARINE PUMASOK SA KARAGATAN NG PH

LABIS na ikinabahala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang namataang Russian attack submarine sa West Philippine Sea (WPS) noong nakaraang linggo. “That’s very concerning. Any intrusion into the West Philippine Sea, of our EEZ, of our baselines is very worrisome. Yes it’s just another one,”ang sinabi ni Pangulong Marcos sa mga mamamahayag. Sinabi pa ng Pangulo na hahayaan niya ang Philippine military na pag-usapan ang bagay na ito. Nauna rito, kinumpirma naman ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson para sa WPS Commodore Jay Tarriela ang impormasyong isang Russian attack submarine…

Read More

PASKO SA LAS PIÑAS

PINANGUNAHAN ni Senator Cynthia Villar ang kauna-unahang Christmas Tree Lighting ceremony sa People’s Park sa Barangay Daniel Fajardo, Las Piñas City sa unang araw ng Disyembre, bilang hudyat ng opisyal na pagsisimula ng kapaskuhan sa lungsod, na siyang kinikilala ring Parol Capital ng Metro Manila. Ang seremonya ay ginawang mas espesyal sa pamamagitan ng magagandang tinig ng Las Piñas Voice Choir, na nagbigay ng magical feel at nagdala ng diwa ng Pasko sa lahat. Sa kanyang mga pahayag, binigyang-diin ni Villar kung paano pinagsasama-sama ng kapaskuhan ang mga pamilya at…

Read More