Kurdapyo ni Toto Nabaja
DISMAYADO itong si Police Regional Office 6 (PRO-6) Director PBGen. Randulf Tuaño sa kanyang natuklasan na dating comfort room pala o CR ng gymnasium ng Bayan ng San Rafael sa Iloilo, ang ngayon ay nagsisilbing Police Station ng bayan. Awts!
Ito ang natuklasan ni Tuaño sa kanyang pag-iikot sa PRO 6 para alamin ang kondisyon at iangat ang morale ng kanyang mga tauhan.
Hindi ito katanggap-tanggap para kay Tuaño.
Biruin n’yo nga naman, mga Ka-Totong Kurdapyo at Kurdapya, bumulaga kay Tuaño sa kanyang pagbisita ang kalunos-lunos na sitwasyon ng kanyang mga pulis.
Ang dating lababo ng CR ay ginawang mesa at ang isang cubicle ay ginamit bilang evidence room na nagsisilbing opisina na rin. Aray Naku! Pakak! Hindi talaga ito papasa sa standard ni Tuaño.
Ay abaw ah! Kilala si Tuaño sa pagiging mahigpit pero supportive sa mga tauhan, at sa kanyang natuklasan ay agad nagsagawa ng assessment sa overall capability ng station, at siyempre ang resulta ay hindi ito nababagay na environment sa pagtatrabaho ng kanilang personnel. Tumpak!
Pero mga Ka-Toto, alam n’yo ba ang ikinabilib ni Tuaño sa kanyang mga tauhan, wala siyang narinig na reklamo mula sa mga ito, trabaho lang ika nga, kung hindi pa siya personal na bumisita, hindi niya malalaman ang katotohanan. Ay ambot sa bakang biyuda!
Dahil dito mabilis na nakipag-ugnayan ang butihing direktor ng PRO-6 sa lokal na pamahalaan ng San Rafael para sa planong pagpapagawa ng himpilan ng pulisya. Galing mo talaga, sir!
Nangako naman ang lokal na pamahalaang bayan ng San Rafael ng tulong at nagbigay agad ito ng malaking lote na pagtatayuan ng permamenteng police station.
Pero teka lang, mga Ka-Totong Kurdapyo at Kurdapya, hindi kaya nag-amoy CR si Gen Tuaño nang umalis mula sa kanyang pagbisita sa San Rafael Police Station? Ay ambot sa bakang biyuda!
Trivia tayo mga Kurdapyo, alam n’yo ba na ang San Rafael ay dating Barangay ng Barotac Viejo at sa bisa ng Republic Act 5471 na ipinasa ng Kongreso noong Hulyo 21, 1969, ay naging independiyenteng bayan ang San Rafael.
60 