SA bibihirang pagkakataon, nagsama-sama ang mga dating opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) mula sa iba’t ibang administrasyon at naghayag ng suporta kay retired Philippine Marine Colonel Ariel Querubin sa Club Filipino, San Juan City kamakailan. Sa nasabing pagtitipon inihayag ni Querubin ang pagtakbo bilang senador sa 2025 midterm elections. Layon din ng pagtitipon na ipahayag ang kanilang suporta sa panawagan ng pagkakaisa gayundin ng kabayanihan sa gitna ng mga kasalukuyang hamon na kinahaharap ng bansa. Sa gitna na rin ito ng mga…
Read MoreCategory: METRO
iRESPOND APP INILUNSAD SA MUNTINLUPA CITY
KINAUSAP ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection at Medical Team ng lungsod na rumesponde matapos niyang subukan na mag-report ng sitwasyon gamit ang iRespond App. (DANNY BACOLOD) PARA masiguro ang mas mabilis na pagtugon sa panahon ng sakuna, inilunsad ng Muntinlupa ang iRespond mobile application, ang kauna-unahang emergency and rescue assistance app sa lungsod. “Safety is just a tap away,” ayon kay Mayor Ruffy Biazon. “Sa pamamagitan ng iRespond, mas mabilis na mare-report at maaaksyunan kung kailangan ng medical assistance, fire rescue,…
Read MorePA ELITE SOLDIERS, SUMASABAK SA PH-AUS EXERCISE SA AUSTRALIA
SUMASABAK ngayon ang 125-strong Philippine Army delegation kasama ang Australian Army counterparts, sa isinasagawang Philippine-Australia (PH-AUS) Exercise Carabaroo 2024 sa Darwin, Northern Territory, Australia. Tiniyak ng Philippine Army ang aktibong pakikibahagi nito sa ‘Exercise Carabaroo’ kasabay ng pagsisimula nito. Nagpadala ang Phil. Army ng delegasyon na binubuo ng 125 na sundalo na pinamumunuan ni Governance and Strategy Management Office (GSMO) chief, Col. Jesus C. Pagala mula sa 5th Infantry Division (5ID). Ang naturang mga sundalo ay hinugot mula sa iba’t ibang units ng Phil. Army na kinabibilangan ng 5th Infantry…
Read MoreSIGALOT SA MULTINATIONAL VILLAGE TINULDUKAN NG DHSUD
IPINAKITA nina Multinational Village Homeowners Association Inc. (MNVHAI) President Arnel Gacutan at Treasurer Editha Qwaider ang Writ of Execution mula sa DHSUD na nag-uutos sa kabilang kampo na isurender sa grupo ng una ang lahat ng mga dokumento ng asosasyon. (DANNY BACOLOD) TINAPOS na ng Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) ang sigalot sa pagitan ng dalawang nagbabanggaan na grupo ng Multinational Village Homeowners Association Inc (MVHSI). Ito ay matapos magpalabas ang DHSUD ng Writ of Execution na nag-uutos sa kampo ni Julio Templonuevo na ipagkaloob na sa…
Read MorePROTEKTAHAN COASTAL GREENBELTS
IBINAHAGI ni Senator Cynthia Villar ang kanyang mga pananaw sa kahalagahan ng pagkakaroon ng mahusay na patakaran sa pamamahala sa baybayin sa opening ceremonies para sa Coastal Greenbelt Photo Exhibit. “Our Coastal Greenbelts, Our National Treasure” ay inorganisa ng OCEANA sa National Museum of Natural History, Ermita, Manila nitong Martes, July 16. Ang exhibit ay tatagal hanggang August 2. (Danny Bacolod) 219
Read MoreBI, NBI PINAKILOS VS PEKENG BIRTH CERT NATIONWIDE
INATASAN ng chairman ng House committee on dangerous drugs ang Bureau of Immigration (BI) at National Bureau of Investigation (NBI) na suyurin ang buong bansa sa pekeng birth certificate na inisyu ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa mga Chinese national. Ginawa ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang kautusan matapos matuklasan ng NBI na hindi lamang 200 kundi 1,200 ang pekeng birth certificate na ibinigay sa mga Chinese national mula 2016 sa Sta. Cruz, Davao del Sur. “Kelangan umaksyon ang ating BI at NBI. Tingnan ang lahat ng…
Read More18 ELITE MARINES SUMASABAK SA RIMPAC WAR GAMES
LABING-WALONG elite members ng Philippine Marines ang sumasabak ngayon sa ginaganap na Rim of the Pacific (RIMPAC) Exercise 2024 sa Hawaii Islands at Southern California, USA. Inihayag kahapon ni Marines Public Affairs Office Chief Captain Marites Alamil na makasasama ng mga sundalong Pinoy ang mga miyembro ng United States Marine Forces Pacific (USMARFORPAC) at iba pang marines at naval infantry sa naturang exercise. Ipinagmalaki pa ng Philippine Marines na ang Rim of the Pacific ay ang pinakamalaking international maritime exercise kung saan nagsasama-sama ang mga military forces mula sa iba’t-ibang…
Read More3 INDIBIDWAL ARESTADO SA ORGAN TRAFFICKING
ARESTADO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong indibidwal na sangkot umano sa organ trafficking sa San Jose Del Monte City, Bulacan. Ayon kay NBI Director Jaime B. Santiago, nakatanggap ng reklamo ang NBI-NCR hinggil sa mga indibidwal na sangkot umano sa kidney organ trafficking. Bumibili umano ang mga ito kidney ng tao sa halagang P200,000. Ngunit lumipat umano ng tirahan ang mga suspek hanggang sa matunton ng mga awtoridad sa Barangay Tungkong Mangga, San Jose Del Monte City, Bulacan. Sa tulong ng Social Welfare and…
Read MoreMga opisyal mismo ahente at broker IMEE AT TULFO KINALAMPAG SA ANOMALYA SA BOC!
HOPELESS case na ang corruption sa Bureau of Customs! Ganito ilarawan ng mga empleyado sa BOC ang talamak na korapsiyon sa naturang ahensiya matapos mabunyag na mismong mga opisyales nito ang nagsisilbing ahente at broker para lamang matakasan ang pagbabayad ng buwis. Ayon sa isang BOC employee na nakiusap itago ang pagkakakilanlan sa pangalang Mike, ngayon lamang sila nakaranas ng pinakagarapal na korapsiyon sa pantalan. “Dati buwaya lang ang Customs. Pero ngayon ay mga demonyo na sa pagiging gahaman sa pera,” ani Mike na nagsabing kung graduate na sana ang…
Read More