POPONDOHAN ng South Korea ang feasibility study kung maaaring buhayin ang Bataan Nuclear Power Plant, ayon sa Department of Energy (DoE). Sa isang kalatas, sinabi ng DOE na ang pag-aaral ay mayroong dalawang phase: ang una ay susuri sa kasalukuyang kondisyon ng BNPP at bahagi nito habang ang pangalawang phase ay magsasabi kung ang planta ay maaari pang ayusin at baguhin. Kung makikita kaagad sa first phase na hindi advisable na magpatuloy pa sa susunod na phase, maaaring magrekomenda ang Korea Hydro and Nuclear Power Co. (KHNP) ng alternatibo, kabilang…
Read MoreCategory: METRO
PRESIDENCY NAGAMIT NI PBBM PARA TAKASAN PANANAGUTAN NG PAMILYA
NALANTAD na ang talagang misyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa pagtakbo nito noong 2022 presidential election, hindi para magsilbi sa Pilipino kundi para takasan ang pananagutan ng kanilang pamilya lalo na sa nakaw nilang yaman. Ito ang malinaw ngayon sa Kabataan party-list na kinakatawan ni Rep. Raoul Manuel sa Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos ibasura ng Sandiganbayan ang P276 million ill-gotten wealth ng pamilyang Marcos. “Si Marcos Jr. ang modelo ng paggamit sa halalan at sa posisyon para takasan ang pananagutan sa mga krimen ng kanyang dinastiya sa…
Read MoreREMULLA SA DOJ AT DILG IKINABAHALA
BAGAMAN hindi isyu para kay bagong Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla kung maging bahagi man sila ng gabinete ng Kapatid na si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla, iba naman ang pananaw ng publiko. Sa social media, marami ang nagpahayag ng pagkadisgusto, pagkabahala at pagkainis sa malinaw anilang pagpabor ng administrasyong Marcos sa mga Remulla. May mga nagdududang bayad-utang ang appointment ni Jonvic lalo pa’t humamig ng malaking boto si Pangulong Bongbong Marcos noong 2022 elections sa balwarte ng mga ito sa…
Read MoreAKO BICOL PARTY-LIST MULING TATAKBO SA 2025 MIDTERM POLLS
MULING naghain ng Certificate of Nomination and Acceptance ang Ako Bicol Party-List upang ipagpatuloy ang mga programang isinusulong nito sa Kongreso. Pinangunahan nina Ako Bicol Party-List Congressman Zaldy Co at Alfredo ‘Pido’ Garbin ang paghahain ng kandidatura sa Commission on Elections noong Lunes. Nabatid sa isang pahayag, iniulat ng Ako Bicol Party-List kung saan dinala ang mga proyektong nakuha nito sa mga nakalipas na taon. Kabilang dito ang pagpapagawa ng mga lansangan at tulay, ospital, school buildings, solar street lights, solar-powered water and irrigation projects, pabahay, trabaho sa mga disadvantaged…
Read MoreISKO BABALIK SA MAYNILA
Naghain din kahapon ng COC si dating Manila mayor Isko Moreno Domagoso para sa kanyang pagbabalik bilang alkalde ng lungsod. Nagmistulang blockbuster na pelikula ang paghahain ni Yorme ng COC sa Comelec filing site sa Cinema 12 SM Manila dahil sa pagbuhos ng kanyang mga tagasuporta. Mula sa bahagi ng Arroceros Park, sa Kartilya hanggang SM Manila ay hindi mahulugang-karayom sa dami ng tao na nagpakita ng suporta sa dating alkalde. Kasamang naghain ng COC ni Yorme ang kanyang pamilya kung saan tumatakbo ring city councilor ang anak nitong si…
Read MoreHirit ng AKOOFW party-list VP SARA ITALAGANG OFW CZAR
SA gitna ng mga problemang kinakaharap ng mga Pilipinong manggagawa sa ibang bansa, napapanahon ang pagtatalaga ng overseas Filipino worker (OFW) czar sa katauhan ni Vice President Sara Duterte. Binigyang-diin ito ng Advocates and Keepers Organization of OFW Inc. o mas kilalang AKOOFW Party-list sa kanilang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) sa Commission on Elections sa Tent City Manila Hotel sa lungsod ng Maynila. Sa pagtatanong ng mga mamamahayag Kay Dr. Chie Umandap, ang first nominee ng AKOOFW Party-list, sinabi nito na mas makabubuti na magkaroon muna ng pagkakaisa…
Read MoreKONTRATA NG COMELEC AT MIRU SISILIPIN NG SENADO
(DANG SAMSON-GARCIA) NAIS ni Senador Risa Hontiveros na busisiin ng Senado ang kontrata ng Commission on Elections sa Miru Systems na napiling mag-supply ng voting machines na gagamitin sa 2025 National at Local Elections. Sinabi ni Hontiveros na dapat gamitin ng Senado ang kanilang oversight function sa pag-iimbestiga sa kontrata. Ito ay kasunod ng nakababahala anyang sitwasyon ng Miru makaraang mag-withdraw sa joint venture ang isa sa tatlong kasosyo nito na St Timothy Construction Corporation. Tanong ng senadora kung ano ang epekto nito sa kabuuan ng kontrata dahil sa pagkakaalam…
Read MoreTEODORO NILINAW DESISYONG TUMAKBO BILANG KONGRESISTA NG MARIKINA
BILANG tugon sa pahayag ni Senador Koko Pimentel, nilinaw ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro na ipinarating ng senador ang intensyong kumalas sa kanilang alyansa sa pamamagitan ng text message na ipinadala tatlo o apat na buwan na ang nakalipas. “Mas maging maayos daw ang kanilang pagkilos kung wala sila sa alyansa,” wika ni Teodoro, na nagpahaging pa na nais ni Pimentel na mapanatili ang relasyon sa parehong Teodoro at Quimbo. “Ginalang naman namin yung decision na iyan. Kaya napilitan kami maghanap ng kandidato para sa 1st District,” dagdag pa…
Read MoreBUMULUSOK NA RATING NI VP SARA ISINISI SA ‘DI MAIPALIWANAG NA OVP, DEPED BUDGET
ANG pagkabigo ni Vice President Sara Duterte na ipaliwanag ang kinukuwestyong paggastos nito sa pondo ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) ang nakikitang dahilan ni House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe ng Zamboanga City sa pagbulusok ng rating nito. Ang pahayag ni Dalipe ay kaugnay ng resulta ng survey ng Stratbase, Inc. na isinagawa noong Setyembre kung saan bumaba sa 29% ang nakuha ni VP Duterte mula sa 45% noong Hulyo, o bumaba ng 16%. Sinabi ni Dalipe na ang porsyento ng…
Read More