DILG NAG-ALOK NG P10-M SA ULO NI QUIBOLOY

INIHAYAG kahapon ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na may mga kaibigan at tagasuporta ng Philippine National Police ang nag-alok ng P10 milyong pabuya sa sinumang makakapagturo tungo sa ikadarakip ng puganteng lider ng Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy. Sa ginanap na pulong balitaan kahapon sa Camp Crame, inanunsyo ni Abalos ang pabuya kapalit sa impormasyong magreresulta sa pag-aresto kay Pastor Apollo Quiboloy. Bukod dito, may alok din na reward na P1 milyon sa impormasyon na makatutulong sa pagtunton sa iba pang mga kapwa akusado sa…

Read More

JAPAN MAGDEDEPLOY NG SUNDALO SA PINAS

MAAARI nang magdeploy ng kanilang pwersa sa Pilipinas ang Japan sa ilalim ng Japan-Philippines Reciprocal Access Agreement (RAA) na tinalakay ng mga defense at foreign affairs ministers ng dalawang bansa kahapon, July 8. Ito ang pinangangambahan ni dating representative Antonio Tinio, spokesperson ng P1NAS na posibleng magpalala pa sa sitwasyon at kakaladkad sa Pilipinas sa isang giyera laban sa kanilang parehong kaaway na China. “This agreement would permit Japanese military forces to be stationed in the Philippines for the first time since World War II,” ani Tinio bukod sa bahagi…

Read More

Sagot sa problema sa BARMM – Gov. Tan LIVELIHOOD, MEDICAL AT EDUKASYON

“SIMPLE lang naman ang kahilingan ng mga taga-BARMM…pangkabuhayan, medikal, at edukasyon ng mga bata para tuluyan nang umusad ang buhay ng mga tao dito”. Ito ang sinabi ni Sulu Gov. Abdusakur Tan sa isang panayam sa isang local radio sa Mindanao. Ayon kay Gov. Tan, “siyempre, pag may trabaho o pinagkakakitaan ang isang tao, busy na ito sa kanyang pamilya at hindi na nakakapag-isip ng kung ano-ano pa”. “Tapos samahan mo pa ng mga libreng gamutan o hospitalization, nababawasan ang problema ng pamilya,” dagdag ng gobernador na nagpahayag na tatakbo…

Read More

7 SUSPEK SA LOPEZ-COHEN DOUBLE MURDER CASE, SASAMPAHAN NA NG KASO

TIWALA si Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group Director, Lt. General Leo Francisco na pormal na nilang maihahain sa piskalya ngayong linggo ang kaso laban sa pitong akusado sa pagpatay sa magkasintahang Kapamapangan beauty queen na si Geneva Lopez at sa Israeli fiancé nitong si Yitzhak Cohen. Ito ay oras na matapos nila ang karagdagang imbestigasyon at case conference sa kanilang counterpart sa National Bureau of Investigation, ani Lt. Gen. Francisco. Iniharap kahapon nina DILG Secretary Benhur Abalos at PNP chief Police General Rommel Francisco Marbil ang dalawang dating…

Read More

PNP PALDO SA P4-B PERFORMANCE BONUS

INAASAHANG nasa kanya-kanya nang ATM card ng 200,000 miyembro ng Philippine National Police, ang kanilang Performance-Based Bonus matapos aprubahan ang pagre-release ng P4 billion pondo para rito. Base sa Special Allotment Release Order, ang PBB ay nagkakahalaga ng halos P4 billion na ipinamamahagi na ng pamunuan ng PNP para sa kanilang mga tauhan para sa Fiscal Year 2022. Matatanggap ito ng mahigit 200,000 PNP personnel na mayroong “exceptional performance” at nakakuha ng total score na 80 points base sa itinakdang PBB Criteria and Conditions. Sinabi ng PNP, sisimulan ang pamamahagi…

Read More

PAGBANGON SA KAHIRAPAN PRAYORIDAD PA RIN NG MARCOS ADMIN SA IKATLONG TAON

GAYA ng naipangako noong presidential election, prayoridad pa rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbangon sa kahirapan ng mga kababayang kapus-palad sa ikatlong taon nito sa Malacañang. Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, isa ang “social services” o tulong para sa mamamayan ang nais ni Pang. Marcos na dagdagan ang pondo sa susunod na taon. Isinumite ng Malacañang ang P6.352 trilyong National Expenditure Program para sa taong 2025 sa Kongreso. “Prayoridad talaga ng administrasyong ito ang pagtulong para makabangon sabay-sabay ang mga Pilipino,” ani Romualdez. Aniya pa, “last year…

Read More

LAB FOR ALL, TUPAD PAYOUT NILARGA SA TACLOBAN

HINDI lamang maghahatid ng libreng serbisyong pangkalusugan kundi magtatanim din sa isip ng mamamayan ng kahalagahan ng kalusugan ang “Lab for All” project ni First Lady Liza Araneta Marcos sa ilalim ng liderato ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. Ito ang sinabi ni Tingog Party-list Rep. Yedda Marie K. Romualdez sa paglulunsad sa Tacloban City ng Lab for All caravan, na nangangahulugan ng Libreng Laboratoryo, Konsulta at Gamot Para sa Lahat, noong Huwebes sa pangunguna ng Unang Ginang. “Bukod sa libre o abot-kaya ang serbisyong pangkalusugan na hatid ng…

Read More

EPIRA LAW AAMYENDAHAN NA

MATAPOS ang mahigit dalawang dekadang paghihirap ng mga consumers dahil sa mataas na presyo ng kuryente, aamyendahan na ang Republic Act No. 9136, o mas kilala Electric Power Industry Reform Act (EPIRA). Ito ang nabatid sa liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kung saan target magkaroon ng bagong batas sa industriya ng kuryente bago matapos ang kasalukuyang taon para maibaba umano ang presyo nito. “Medyo kumplikado ‘yan kasi malaki itong batas at we will handle it by sections pero kayang kaya natin tapusin ‘yan before siguro the Christmas break,” deklara…

Read More

DOJ KINALAMPAG SA ISYU NG LUPANG KINATITIRIKAN NG NU

PATULOY na kinakalampag ang Department of Justice ng may-ari ng lupang kinatitirikan ng National University (NU) para desisyunan ang kanyang petisyon laban sa Board of Trustee. Muling iginiit kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ng isang petitioner na resolbahin o tuldukan na ang usapin sa legalidad ng itinayong building. Sa liham ng petitioner na si Peter Paul John Jhocson Gregorio kay Secretary Remulla, bago pa mag-lockdown ay naihain na niya sa DOJ ang petition for review ngunit apat na taon na ang nakalilipas wala pa rin siyang natatanggap na tugon.…

Read More