TRABAHO SA GOBYERNO INIALOK SA NEWLY GRADS

HINIKAYAT ng Civil Service Commission (CSC) ang mga bagong graduate na nais magtrabaho sa gobyerno na aplayan ang mga trabahong inaalok ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno. Ayon kay CSC chairman Karlo Nograles, walang ibang dapat gawin ang mga bagong graduates kundi bisitahin ang CSC Job Portal na matatagpuan sa website ng ahensya para makita ang mga trabahong maaari nilang aplayan sa public sector. “Patuloy ang pagdami ng mga oportunidad sa trabaho sa gobyerno dahil laging may pangangailangan para sa mga mahuhusay at tapat na kawani na magbibigay ng dekalidad…

Read More

PAGPAPASARA SA KALANGITAN LANDFILL SISIYASATIN

IIMBESTIGAHAN ng Department of Health (DOH) Region III ang anila’y “forced shutdown” ng Metro Clark Waste Management Corporation (MCWMC) sa Capas, Tarlac. Sa isang memorandum na ipinadala kay Director IV Corazon L. Flores, ng Center for Health Development para sa Central Luzon, hinimok ni Director IV Gerna M. Manatad, ng Disease Prevention and Control Bureau, ang pagsasagawa ng imbestigasyon “upang matukoy ang mga additional facts and recommendations para sa pinakamagandang hakbang na gagawin ng DOH sa nasabing usapin.” Nabatid na nasa 12 milyong residente ng Gitnang Luzon, at Hilagang Luzon,…

Read More

23 PRIVATE ARMIES LALANSAGIN BAGO MIDTERM POLLS

TARGET ng pamahalaan na lansagin ang 23 privates armies bago sumapit ang May 2025 midterm election, ayon kay Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr., sa isang pulong balitaan kahapon. Ayon kay Sec. Galvez, mismong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nag-atas sa Armed Forces of the Philippines at maging sa Philippine National Police na buwagin ang matutukoy na private armed groups na karamihan umano ay nasa area ng Mindanao at ilang bahagi ng Hilagang Luzon. Sa ginanap na “Kapihan sa Manila Bay”, inihayag ni Sec. Galvez, personal na kinakausap…

Read More

PNP PINAKIKILOS VS MANYAK, KAWATAN SA MRT 3 STATIONS

HINIMOK ni Senador Raffy Tulfo ang Philippine National Police (PNP) na magtalaga ng mga tauhan sa mga istasyon at maging sa mga biyahe ng MRT 3. Alinsunod ito sa impormasyon mula sa pamunuan ng MRT 3 hinggil sa talamak na pandurukot at panghihipo sa mga pasahero. Hiniling ni Tulfo sa pulisya na magkaroon sila ng tauhan na sasama mismo sa mga biyahe ng MRT 3 upang agad makaresponde sa mga insidente. Iginiit pa ng chairman ng Senate committee on public services na kailangan ang mga itatalagang pulis ay may kasanayan…

Read More

TULAK ARESTADO SA DROGA, ARMAS

ARESTADO ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraang makumpiskahan ng umano’y shabu, granada at baril sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District – Delpan Police Station 12, sa Isla Puting Bato, Tondo, Manila. Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Alvin Christopher Baybayan, station commander, ang suspek si alyas “Boss”, 30-anyos, binata, ng naturang lugar. Ayon sa ulat ng SDEU, bandang alas-4:30 ng madaling araw nang matimbog ang suspek sa nabanggit na lugar at nakumpiskahan ng 105 gramo ng umano’y…

Read More

TRIKE DRIVER BINARIL SA BASECO

NAMATAY noon din ang isang tricycle driver makaraang baunan ng bala sa ulo sa Block 7, Old Site, Baseco Compound, Port Area, Manila noong Lunes ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si alyas “Brandon”, nasa hustong gulang at nanunuluyan sa Quiapo, Manila. Mabilis namang nakatakas ang suspek na nakasuot ng ng itim na jacket, t-shirt, pantalon at cap. Ayon kay Police Lieutenant Colonel Emmanuel Gomez, commander ng Manila Police District – Baseco Police Station 13, may “person of interest” na sila sa krimen habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.…

Read More

AFP JOINT TASK FORCE NCR, NAGHAHANDA NA SA SONA NI PBBM

KINUMPIRMA ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na nagsasagawa na sila ng paghahanda para matiyak ang seguridad at peace and order para sa gaganaping ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 22, 2024. Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, bahagi ang AFP ng task force na nangangasiwa sa kapayapaan at seguridad ng ikatlong SONA ng pangulo. Katunayan ay kasama ang AFP sa inilalatag na security preparation mula sa planning hanggang sa execution nito, na pangungunahan ng Philippine National Police,…

Read More

3 CHINESE NATIONALS HULI SA KALAHATING KILO NG SHABU

ARESTADO ang tatlong Chinese nationals makaraang mahulihan ng tinatayang kalahating kilo ng umano’ty shabu na nagkakahalaga ng P3,400,000, sa inilatag na anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Shanghai Building, Brgy. Balibago, Angeles City noong Lunes, Hulyo 1, 2024. Ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, isang sting operation ang ikinasa ang kanyang mga tauhan mula PDEA Region 3 Office, sa Barangay Balibago sa Angeles City. Ayon sa PDEA Region 3 report nitong Martes, isinagawa ang buy-bust operation dakong alas-10:50 ng gabi…

Read More

83 MOBILE CLINICS IPINAMAHAGI SA CENTRAL LUZON

PINAGKALOOBAN ng 83 bago at modernong mobile clinics ang pitong lalawigan sa Central Luzon, partikular na sa remote areas nito na bahagi ng pangako ni First Lady Liza Araneta-Marcos na higit pang ilalapit ang health care system sa mamamayan. Ang distribusyon ng mobile clinics ay bahagi ng collaborative effort sa pagitan ng Unang Ginang at ng Department of Health (DOH) at sa pakikipagtulungan na rin sa Department of Local Government Unit, Philippine Charity Sweepstakes Office at Act Agri-Kaagapay Organization. Ang inisyatiba ay nasa ilalim ng “Libreng Laboratoryo, Konsulta, at Gamot…

Read More