BRIDE PATAY SA BANGGAAN NG MOTORSIKLO

PATAY ang isang 36-anyos na private employee na malapit nang ikasal, makaraang magbanggaan ang dalawang motorsiklo sa intersection ng Pedro Gil at Medel Street, Sta. Ana, Manila noong Biyernes ng hapon. Kinilala ni Police Major Jaime Gonzalez Jr., hepe ng Vehicular Traffic Investigation Section ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), ang nasawing biktima na si “Angela Jade”, ng Sta. Ana, Manila. Habang sugatan naman ang kasama nitong si Bryan Aguas, 40, isa ring private employee, driver ng motorsiklo, residente ng Sta. Lucia, Pasig City. Sugatan din ang nakabanggaan nilang…

Read More

TRABAHO PARTY-LIST: KARAGDAGANG NON-WAGE BENEFITS, MAHALAGA RIN

ISINUSULONG ng Trabaho Party-list na mabigyan ang mga empleyado ng mga karagdagang non-wage benefits para mapabuti ang kanilang pamumuhay. “Hindi lang dapat nakatali sa income ang disenteng pamumuhay kundi maging sa pagkakaroon ng benefits partikular sa health”, sagot ni Atty. Filemon Ray L. Javier, tagapagsalita ng Trabaho Partylist. Ito ay matapos matanong si Javier sa isang panayam tungkol sa mga solusyong makatutulong sa mga manggagawa at empleyado sa tuwing hindi naaprubahan ang mga panukalang wage hike. Aniya, hindi dapat nakadepende lamang sa wage increase para matugunan ang mga pang-araw-araw na…

Read More

SOFT-OPENING NG BAGONG KUMPANYA PINUNA

PINUNA ng ilang nakasaksi sa ginanap na pagbubukas ng Prime Z Entrepreneurs Inc. ang presensya ng ilang tauhan ng SWAT (Special Weapons and Tactics). Ayon sa Oh Jobs.ph ang PRIME Z ENTREPRENEURS CLUB, INC. ay isang direct selling product distribution company for health and wellness, beauty and skin care. Ikinagulat ng marami na animo’y may military drill nang lumabas ang SWAT kaya hindi rin naiwasang itanong kung legal ang paggamit sa mga pulis o militar na tila endorsers ng produkto. Isa pang pinuna ang kawalan umano ng Department of Trade…

Read More

232,000 PULIS TATANGGAP NG HEALTH CARD

SIMULA sa buwan ng Hulyo ay magkakaroon na ng kanya-kanyang health maintenance organization (HMO) cards ang 232,000 strong Philippine National Police. Ito ang inihayag ni PNP chief, Gen. Rommel Francisco Marbil nang pangunahan ang paglulunsad ng PNP Family Day sa Camp Crame noong nakalipas na linggo. “Next month we will be giving ‘yung cards, ‘yung HMO cards, para sa bawat pulis although worth na P40,000 ‘yan, maliit lang po but we will make sure na makakatulong sa inyo,” ani P/Gen. Marbil. Ayon sa heneral, malaking bagay ang nasabing HMO cards…

Read More

EBIDENSYA VS MAYOR GUO SA POGO MAHINA

NANINDIGAN si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na wala siyang koneksyon sa anomang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) operations sa bansa kaya maling tawagin itong “conspirator” nang walang matibay na ebidensya. Ang pahayag ay ginawa ni Mayor Guo bilang reaksyon sa kasong Anti-Trafficking in Persons na isinampa laban sa kanya sa Department of Justice (DOJ) ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC). Giit ni Mayor Guo, ang pagkakaroon lamang ng koneksyon sa mga kumpanya o indibidwal ay hindi sapat na…

Read More

DAGDAG FINANCIAL ASSISTANCE NA HILING NI ROMUALDEZ SA DIALYSIS PATIENTS, APRUB NA SA PHILHEALTH

INAPRUBAHAN na ng PhilHealth board, sa pangunguna ni Health Sec. Ted Herbosa, ang request ni House Speaker Martin Romualdez na dagdagan ang financial assistance ng PhilHealth para sa pagpapa-dialysis ng diabetic patients sa buong bansa. Ayon kay Sec. Herbosa, mula sa P2,600 per session, tataasan na hanggang P4,000 ang sasagutin ng PhilHealth para mapasama na ang iniksyon at iba pang gamot na maaaring hiwalay na i-claim ng pasyente. “This was the request of Speaker Romualdez, base na rin sa pahayag ng Pangulo noong nakaraan niyang SONA na gawin nang totally…

Read More

MOTORISTA INABISUHAN SA MGA KALYENG ISASARA SA ARAW NG MAYNILA

PINAALALAHANAN ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang mga motorista sa pagsasara ng ilang kalsada sa lungsod ngayong araw kaugnay ng pagdiriwang ng ika-453 Araw ng Maynila. Payo ng Manila LGU, gumamit muna ang mga motorista ng mga alternatibong ruta at planuhin nang maaga ang lakad para maiwasan ang pagkaantala. Tinukoy ang mga kalyeng sarado mula hatinggabi ng Linggo (June 24): Onyx Street mula Pedro Gil hanggang Zobel Roxas, Zobel Roxas Street mula Pablo Ocampo hanggang Pasig Line, at ang Florentino Torres Street, kilala rin bilang Dagonoy Street. Samantala, tinanghal…

Read More

Inirekomendang kasuhan sạ Ombudsman REP ORDANES DISMAYADO RIN SA AKUSASYON VS NCSC CHAIRMAN

DISMAYADO rin si Senior Citizen Partylist Rep. Rodolfo Ompong Ordanes sa mga ibinunyag ng limang kumisyuner ng National Commission of Senior Citizen (NCSC) na katiwalian na sinasabing kinasasangkutan ng kanilang pinuno na si Chairman Franklin Quijano. Dahil dito, nananawagan si Ordanes sa gobyerno na tanggalin sa posisyon si Quijano at sampahan ng kaukulang kaso sa Ombudsman. Una rito, naglabas ng manifesto sina Commissioners Ricardo G. Rainier, Enriqueta R. Rodeles, Dr. Mary Jean P. Loreche, Reymar Mansilungan, at Edwin G. Espejo at inakusahan si Quijano ng iba’t ibang iregularidad. Kabilang dito…

Read More

LAS PIÑAS LAB ON WHEELS PARA SA LAS PIÑEROS MAG-IIKOT NA SA MGA BARANGAY

PINALAKAS pa ng Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas ang pagbibigay ng karagdagang seguridad sa kalusugan ng mga residente sa pamamagitan ng kanyang bagong Las Piñas Lab on Wheels, isang mobile laboratory, na iikot sa iba’t ibang barangay ng siyudad. Sa pangangasiwa ng City Health Office (CHO) ay aarangkada na ang mobile laboratory ng lokal na pamahalaan upang mas ilapit at magbigay ng komprehensibong pangangalaga sa kalusugan ng mga Las Piñeros. Kabilang sa mga libreng serbisyong alok ng Las Piñas Lab on Wheels ay ang chest xray, ecg, fasting blood sugar…

Read More