INARESTO ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ang isang negosyanteng South Korean na wanted ng mga awtoridad sa Seoul dahil sa economic crimes. Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco, si Ahn Youngyong, 54, ay nasabat sa NAIA Terminal 1 habang ay papasakay sa Philippine Airlines biyaheng Shanghai, China. “He was not allowed to leave and was instead arrested after his name prompted a hit in our derogatory check system indicating that he is a wanted fugitive in his country,” ayon kay Tansingco.…
Read MoreCategory: METRO
PEACEFUL RESOLUTION SA WPS HILING NG BIZ GROUPS
NANAWAGAN ang ilang grupo ng mga negosyanteng Filipino-Chinese sa gobyerno ng Pilipinas at maging sa China, para pahupain ang tumitinding tensyon sa West Philippine Sea, sa pamamagitan ng dayalogo sa neutral at diplomatikong paraan. Ginawa ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce Industry, Inc. (FFCCCII) kasama ang 32 iba pang Filipino-Chinese business at civic federations, ang kanilang sama-samang panawagan sa gitna ng panibagong mga insidente sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea. Sinabi rin ng grupo sa pangunguna ni Dr, Cecilio Pedro, FFCCCII president, na suportado nila ang panawagan ni…
Read MoreMAY 2025 MIDTERM ELECTIONS PINAGHAHANDAAN NA NG PNP
TODO paghahanda na ang ginagawa ngayon ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) para sa May 2025 midterm election. Kabilang sa mga prayoridad ng PNP ang pagbuwag sa mga hinihinalang private armed goons, pagsugpo sa paglaganap ng hindi lisensyadong armas at maging ng pagpapakalat ng iligal na droga na posibleng magamit sa eleksyon. Katuwang din ang Armed Forces na kapwa deputized agents ng Commission on Elections (Comelec), titiyakin na magiging maayos, malinis, mapayapa ang botohan. Base sa inilabas na election calendar of activities ng Comelec, magsisimula ang election period sa…
Read More‘PROFILING’ NG PNP SA PAMILYA NG EJK VICTIMS IKINAIRITA
HINDI naitago ng chairman ng House committee on humans rights na si Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., ang pagkairita sa mga pulis na mistulang nagpo-profiling sa mga kaanak ng mga biktima ng extrajudicial killings (EJK) sa loob mismo ng Batasan Pambansa. Kahapon ay muling ipinagpatuloy ng komite ang kanilang imbestigasyon kung saan hindi agad nakapasok ang pamilya ng mga biktima ng EJK sa committee room kaya nasa lobby lamang ang mga ito ng South Wing Annex Bldg. Gayunpaman, nakarating sa kaalaman ni Abante na may mga pulis umano ang kumukuha…
Read MorePETISYON NI BANTAG SUPALPAL SA CA
SINUPALPAL ng Court of Appeals (CA) ang petition for certiorari na inihain ni dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag para ideklarang inosente siya sa kasong pagpatay kay broadcast-journalist Percival ‘Percy Lapid’ Mabasa at iba pa noong 2022. Base sa ipinalabas na resolution ng CA 2nd Division na nilagdaan ni Associate Justice Ronald Merlin, tahasan nitong ibinasura ang apela ng dating opisyal sa katwirang dapat munang ihain ang petisyon o apela sa tanggapan ng general prosecutor para sa pagsusuri bago ang pag-endorso sa Office of the Solicitor General (OSG).…
Read MoreDU30, DELA ROSA IIMBITAHAN SA EJK HEARING SA KAMARA
IIMBITAHAN ng House committee on justice sina dating pangulong Rodrigo Duterte at Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa isinagawang pagdinig sa extra judicial killings (EJK) noong kasagsagan ng war-on-drugs. Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng komite kahapon, 26 ina, lola at anak ng mga biktima ng EJK ang humarap kung saan madamdaming idinetalye ng mga ito ang karumal-dumal na sinapit umano ng kanilang mga mahal sa buhay sa kamay ng mga pulis. Unang tinanong ni Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., ang mga abogado ng Rise Up na tumutulong sa mga kaanak…
Read MorePAG-AALAGA SA PROTECTED AREAS ISINULONG NI VILLAR
TINUKOY ni Sen. Cynthia Villar ang kahalagahan ng innovative approaches at collaborative efforts para sa ating mga protektadong lugar. Dumalo bilang Guest Speaker ang chairperson ng Senate committees on environment and natural resources sa 3rd National Protected Area Conference na inorganisa ng DENR–Biodiversity Management Bureau (BMB) na ginanap kahapon sa Crowne Plaza Hotel sa Quezon City. (DANNY BACOLOD) 264
Read MoreBABAE TUMALON SA RILES NG LRT 1
SANDALING naantala ang biyahe ng Light Rail Transit (LRT- 1) nang tumalon at umupo sa gitna ng riles ng tren ang isang babae sa southbound lane sa Doroteo Jose, Rizal Avenue, Sta. Cruz, Manila nitong Martes ng hapon. Masuwerte namang walang masamang nangyari sa hindi pa nakikilalang babae na edad 40 hanggang 50-anyos. Base sa ulat ng management ng Light Rail Manila Corporation, bandang alas-12:42 ng hapon nang mangyari ang insidente. Sa Facebook post na in-upload ng isang netizen, bigla umanong tumalon at umupo sa gitna ng riles ang pasaherong…
Read MoreSINITA NG PARAK PUMALAG, PATAY
PATAY ang isang lalaki nang barilin ng isang tauhan ng Delpan Police Station 12 ng Manila Police District, makaraang pumalag nang sitahin dahil armado ng baril, sa Permanent Housing sa Barangay 128, Zone 10, Tondo, Manila noong Biyernes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Jonathan Marcial, 33, ng General Trias City, Cavite. Ayon sa ulat ng Raxabago Police Station 1, bandang alas-6:15 ng gabi nang mangyari ang insidente sa hallway ng nasabing gusali sa naturang lugar. Ayon kay Police Corporal Jonenick Gueta, 33, sinita nito ang suspek dahil armado ito…
Read More