FIL-CHINESE COMMUNITY HINAMONG PATUNAYAN KATAPATAN SA PINAS

HINAMON ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, ang Filipino-Chinese community na patunayan ang kanilang katapatan sa Pilipinas. Ginawa ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang hamon sa gitna ng umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea (WPS), at maging ang pagkakasangkot ng mga Chinese national sa ilegal na droga. “If they consider themselves Filipinos and are really and genuinely concerned about the country, they should speak out now. If they choose to keep their peace, then at least we know…

Read More

P13.5-M PARTY DRUGS NASABAT NG PDEA, BOC

NASABAT ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) at Philippine Drug Enforcement Agency, ang P13.5 milyong halaga ng ilegal na party drugs sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City nitong nakalipas na linggo. Ayon sa BOC-NAIA, ang parcel ay unang idineklara bilang mga de-latang pagkain at prutas mula sa Denmark at naka-consign sa isang indibidwal sa Taguig City. Nakumpirma sa isinagawang field-testing ng PDEA na ang mga paketeng nasa loob ng parcel ay naglalaman ng 5,033 piraso ng ecstasy tablets at 998 gramo ng ketamine. Sinasabing umabot…

Read More

KAMARA NAMAHAGI NG AYUDA SA DAVAO DEL NORTE

NASA 167 kongresista ang sumama kay House Speaker Martin Romualdez sa Tagum City, Davao del Norte para mamigay ng ayuda tulad ng bigas, cash, at scholarship. Ang nasabing bilang ay mahigit kalahati ng 308 na kongresista sa Kamara. Ayon kay Speaker Romualdez, “break po ng Congress ngayon pero mas pinili ng mga kasamahan ko na sumama sa atin para marinig ang pangangailangan ng mga taga-Davao”. “It will be easier kasi kung maraming mambabatas ang nakakaalam sa pangangailangan ng isang lugar para mabilis maaprubahan ang budget nito,” ani Speaker Romualdez. Bukod…

Read More

P1K MONTHLY SUBSIDY SA SOLO PARENTS IPINAALALA NI REP. TULFO SA LGUs

PINAALALAHANAN ni ACT-CIS at House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo ang local government units (LGUs) na buwanang ibigay ang P1,000 allowance ng solo parents sa kanilang lugar. Ayon kay Rep. Tulfo, “ilang mga katanungan na kasi ang nakakarating sa aking opis mula sa mga solo parents kung buwanan ba ang pagbibigay ng P1K ng LGU sa kanila lalo na yung mga malalaki at mayayamang mga lungsod o bayan”. Sa ilalim kasi ng Expanded Solo Parent Welfare Act of 2922 o Republic Act 11861, dapat buwanang bibigyan ng P1,000 subsidiya ang…

Read More

KAGAT O KALMOT NG ASO, PUSA ‘WAG BALEWALAIN

ITO ang seryosong payo ni Manila Mayor Honey Lacuna, matapos inanunsyo na dalawang bata ang namatay sa Maynila matapos mabigong maturukan ng bakuna na proteksyon laban sa rabies. Binigyang-diin ng lady mayor ang kahalagahan ng pagpapabakuna sa mga alagang aso at pusa ng anti-rabies kada taon dahil ito ay ibinibigay nang libre kapag dinala ang mga alagang hayop sa pinakamalapit na centers o sa help desks tuwing may lingguhang “Kalinga sa Maynila” program na ginagawa sa mga barangay. Bukod pa rito, ang bawat konsehal ng lungsod at maging ang mga…

Read More

TAUHAN NG PNP-SAF POSITIBO SA DROGA

ISANG kasapi ng Philippine National Police-Special Action Force ang nahaharap sa kasong administratibo matapos na dalawang beses itong magpositibo sa isinagawang drug test sa kanilang hanay. Sa ibinahaging ulat ng PNP, tuluyan na nilang sinibak sa puwesto ang isang miyembro ng PNP-SAF nang magpositibo ito sa paggamit ng ilegal na droga. Ito matapos ang isinagawang drug test sa 93 tauhan ng Special Action Force. Ayon kay PNP-SAF Director Police Brig. Gen. Mark Pespes, may nakarating na intelligence report sa kanyang tanggapan na may elemento ng PNP-SAF ang positibong gumagamit ng…

Read More

BIODEGRADABLE CAMPAIGN MATERIALS ISINULONG NG COMELEC

ISINULONG ng Commission on Elections (Comelec) ang paggamit ng biodegradable campaign materials sa 2025 national and local elections upang maging “environmentally compliant”. “‘Yung mga posters dapat biodegradable lahat ‘yan and at the same time, dapat susunod doon sa pine-prescribe ng hindi lamang ng United Nations (UN) kung hindi kahit ‘yung ating Department of Environment and Natural Resources (DENR),” sabi ni Comelec chairperson George Garcia. Bukod dito, dapat din aniyang mabawasan ang noise pollution sa panahon ng kampanya at eleksyon. Sinabi ni Garcia, kanilang iminumungkahi ang paglikha ng isang kakatawan sa…

Read More

EVACUATION NG MAY SAKIT NA NAVY HINARANG NG CHINA COAST GUARD

NAGLABAS kahapon ng video ang Philippine Coast Guard (PCG) na nagpapakita na pilit umanong pinipigilan ng China Coast Guard ang isinagawang emergency medical evacuation para sa may sakit na tauhan ng Philippine Navy na ka-stationed sa BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal sa West Philippine Sea. Ayon kay PCG spokesman for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, “The Philippine medical mission was harassed by vessels and small boats from the China Coast Guard through blocking operations”. “Barbaric and inhumane behavior,” mariing pahayag ni Comm. Tarriela sa ginawang aksyon ng…

Read More

Pinagpala ni Villar ang grupo ng kababaihan

PARA kay Sen. Cynthia Villar, kailangang yakapin ng kababaihan ang technological advancement para palakasin sila upang maging lider, innovator at key decision maker sa digital economy ng bansa. Ibinahagi ito ni Villar nang maging Guest Speaker sa 19th Annual General Assembly ng Philippine Federation of Local Councils of Women (PFLCW)na idinaos sa Seda Hotel kamakalawa. Nagpakuha rin ang senador ng ‘posterity shot’ kasama ang women leaders habang hawak ang certificate of appreciation dahil sa kanyang suporta sa women empowerment. (Danny Bacolod) 266

Read More