MARCOS HINIMOK SIYASATIN ANG KAUGNAYAN NG PINSAN SA KUMPANYA NG PAGMIMINA

Nais ng isang consumer group na tingnan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang diumano’y pagkakasangkot ng kanyang pinsan na si Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, sa operasyon ng isang mining company at para sa umano’y pagpapadali sa pag-apruba ng limang taong extension ng Minerals Production Sharing Agreement (MPSA) ng kumpanya. Sa sulat na may petsang Hunyo 4, hinimok ni Rodolfo “RJ” Javellana Jr., pambansang pangulo ng United Filipino Consumer and Commuters (UFCC), si Marcos na pakiusapan ang kamag-anak na huwag makialam sa usapin tungkol sa gobyerno.…

Read More

SUSPENSION ORDER VS MAYOR GUO PINABABAWI SA OMB

NAGHAIN ng dalawang urgent motion sa Office of the Ombudsman si Bamban Tarlac Mayor Alice Guo na humihiling na bawiin ang ipinataw na 6 month preventive suspension laban sa kanya. Sa Urgent Motion for Reconsideration at Urgent Motion to Lift Preventive Suspension, iginiit ni Guo na wala siyang kasalanan at hindi makatwiran ang ipinataw na preventive suspension na nag-ugat lamang sa kanyang pagganap ng tungkulin bilang alkalde. “The suspension should be lifted on the ground that grave errors of facts or law or serious irregularities have been committed. The complaint…

Read More

BIOMETRICS IPINAALALA SA SENIORS SA MAYNILA

HINIMOK ni Mayor Honey Lacuna ang lahat ng senior citizens na makipagtulungan sa kani-kanilang barangay para ma-update ang kanilang biometrics. Nanawagan din si Lacuna sa lahat ng opisyal ng 896 barangay sa Maynila na tulungan ang pamahalaang lokal sa pagpapakalat ng impormasyon na kailangan sa biometrics ng senior citizens. Sumulat na ang Public Employment Service Office (PESO) sa pamumuno ni Fernan Bermejo sa Manila Barangay Bureau upang ipakalat ang schedule ng nasabing proseso sa mga barangay. Mula rito ay iimpormahan naman ng mga opisyal ng barangay ang mga residente sa…

Read More

P6 PAGBABA SA PRESYO NG BIGAS INAASAHAN SA SUSUNOD NA LINGGO – SPEAKER ROMUALDEZ

DAHIL sa pagbabawas ng taripa sa mga imported rice, inaasahan na bababa na rin ang presyo ng bigas hanggang P6 sa mga darating na linggo. Ito ang napag-usapan sa pulong na ipinatawag ni House Speaker Martin Romualdez sa Makati na dinaluhan ng mga opisyal ng Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), Bureau of Customs, at mga kinatawan ng SM Grocery Chain at Puregold. Ayon kay Romualdez, “We are hoping na mararamdaman natin ang epekto ng pagbaba ng presyo ng bigas dahil sa pagbawas sa taripa sa…

Read More

4 PULIS NA SANGKOT SA KIDNAPPING, MASISIBAK SA SERBISYO

AGAD pinasimulan ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang kanilang imbestigasyon laban sa apat na pulis na inakusahang sangkot sa pagdukot sa apat na mga banyaga sa Pasay City. Ayon kay PNP-IAS Inspector General Atty. Brigido Dulay, nag-umpisa na ang kanilang pre-charge investigation na unang hakbang sa paghahain ng kasong administratibo laban sa mga pulis na sinasabing pangunahing suspek sa pagdukot sa tatlong Chinese at isang Malaysian national. Sinasabing oras na makakalap ng kinakailangang mga ebidensya, agad na magrerekomenda ang PNP-IAS ng dismissal o pagsibak sa serbisyo laban sa…

Read More

EDDIE GARCIA ACT, TAGUMPAY PARA SA MOVIE/TV WORKERS – NOGRALES

IKINATUWA ni Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles ang paglagda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., para maging batas ang Eddie Garcia Act noong nakaraang Huwebes. “Nagagalak tayo na sa wakas, pagkatapos ng ilang taon na pagsisikap ay napirmahan na ang Eddie Garcia Act. Malaking tagumpay ito para sa mga manggagawa sa movie and television industry,” ani Nograles, chairman ng House Committee on Labor and Employment. Ang Republic Act No. 11996, ay nilagdaan ni Pres. Marcos noong Mayo 24, na nag-uutos sa implementasyon ng work hours, wages at iba pang…

Read More

4 nahuling pulis ‘kumanta’ POLITIKO, BI OFFICER DAWIT SA KIDNAPPING NG 4 DAYUHAN

(JESSE KABEL RUIZ) ITINURO ng apat na naarestong pulis ang isang dating politiko at isang Immigration officer na kasabwat umano nila sa pagdukot sa apat na dayuhan sa Pasay City. Tinutugis na ang mga tinukoy na indibidwal kabilang ang sibilyan na umano’y mastermind bagaman hindi muna pinangalanan ang mga ito. Kahapon, iniharap sa media ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos at Philippine National Police (PNP) Chief Rommel Francisco Marbil ang mga suspek na sina Police Major Christel Carlo Villanueva, Police Senior Master Sergeant Angelito…

Read More

AFP TUMULONG SA EVACUATION SA PAGSABOG NG KANLAON

NAG-DEPLOY ng kanilang mga tropa ang AFP Visayas Command na nakabase sa Cebu, bilang paghahanda para sa humanitarian aid at disaster response kaugnay ng pagsabog ng Bulkang Kanlaon. May kabuuang 464 tauhan ang naka-standby na binubuo ng mga opisyal, enlisted personnel, at mga miyembro ng CAFGU Active Auxiliary (CAA). Ayon kay Lt. Gen. Fernando Reyeg, commander ng VISCOM, bitbit ng ipinadalang personnel ang kinakailangang disaster response equipment, mobility, at communication assets. Ang mga miyembro ng 62nd Infantry Battalion ay tumulong sa forced evacuation ng 1,685 indibidwal mula sa apektadong mga…

Read More

OFW Mobile App

OFW Party List Rep. Marissa Del Mar Magsino (pangalawa mula kaliwa) ang nanguna sa paglagda ng Memorandum of Understanding para sa OFW APP kasama sina Secretary Ivan John Uy (kanan) ng Department of Information and Communication Technology, Administrator Arnel Ignacio ng Overseas Workers Welfare (OWWA) at Secretary Hans Leo Cacdac ng Department of Migrant Workers sa OFW Partylist office sa Ayala Malls, Paranaque noong Hunyo 4. 295

Read More