APRUBADO na ng National Economic and Development Authority (NEDA) board ang pagbabawas sa taripa ng imported na bigas hanggang 2028. Sa Malacañang press briefing, iniulat ni NEDA Sec. Arsenio Balisacan na sa ilalim ng Comprehensive Tariff Program, mula sa 35% ay ibababa na sa 15% ang taripa sa bigas para makamit ang target na P29 hanggang P39 na kada kilo ng bigas para sa mahihirap na Pilipino. Ang pagtapyas aniya sa taripa ay inaasahang magdudulot din ng pagbagal ng inflation, na magreresulta para maibsan ang mataas na presyo ng bigas…
Read MoreCategory: METRO
SIGNING CEREMONY NG DAGDAG BONUS SA MGA GURO DINEDMA NI VP SARA
HINDI sinipot ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte ang signing ceremony noong Lunes sa Malacañang ng RA 11997 o ang “Kabalikat sa Pagtuturo Act”. Kapansin-pansin na hindi dumalo si VP Sara, sa halip ay ilang mabababang opisyal lamang ng DepEd ang nagtungo sa Malacañang para saksihan ang pagpirma ng Pangulong Marcos ng nasabing batas. Layon pa naman ng batas na dagdagan mula P5,000 at gawing P10,000 na kada taon ang bonus ng mga teacher para pambili ng mga gamit sa pagtuturo tulad ng chalk, eraser,…
Read MoreCONSUMERS SAPUL SA TOLL HIKE SA NLEX
HINDI lamang mga motoristang dadaan sa North Luzon Expressway (NLEX) ang tatamaan sa toll hike kundi maging ang mga consumer sa Metro Manila dahil inaasahang ipapatong ng mga negosyante ang dagdag na gastusin sa kanilang produkto. “Any toll hike approved by the Toll Regulatory Board (TRB) is adding salt to injury as it will eventually jack up bus fares, prices of agricultural produce, and basic goods from the provinces transported through NLEX,” ani Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas. Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos ianunsyo ng NLEX Corp., na pinayagan…
Read MoreBITAY SA DRUG LORDS PANAHON NA – SOLON
WALA nang kinikilala at sinisino ang mga drug lord kaya kailangan nang parusahan ang mga ito ng kamatayan. Ito ang muling iginiit ni House committee on dangerous drugs chairman at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers matapos makarating sa kanilang kaalaman na maging sa Davao City Hall ay maraming durugista. “Even Davao City where the number one enemy of illegal drugs resides, was not spared. This shows us that the problem is indeed serious and the solution is not a walk in the park,” ani Barbers. Ginawa ng mambabatas…
Read MoreCHINA TINAWAG NA “BIG GREEDY DRAGON”
TINAWAG ng isang kongresista ang China bilang “big greedy dragon” kasabay ng pagkondena sa panibagong harassment na ginawa ng Chinese Coast Guard sa tropa ng Pilipinas sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. Base sa mga report, ninakaw at sinira ng CCG ang mga pagkain at tubig na inihatid sa mga naka-deploy sa BRP Sierra Madre sa pamamagitan ng eroplano upang maiwasan ang pangha-harass. “China is increasingly becoming a big greedy dragon; stealing and destroying the treasures and resources of peaceful people,” pahayag ni House deputy minority leader France Castro…
Read MorePAGCOR IDINIIN SA POGO OPERATIONS
SA halip ibunton ang sisi kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, dapat tingnan ang pagkukulang ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na siyang nagre-regulate sa mga POGO. Reaksyon ito ng kampo ni Mayor Guo na nanindigan na wala siyang kaugnayan sa anomang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) operations. Itinuro rin nito ang pananagutan ng PAGCOR sa ilegal na operasyon at pagkakasalakay sa Zun Yuan Technology Incorporated. Ayon sa alkalde, patuloy na nasasangkot ang kanyang pangalan sa kabila ng pagiging inosente niya. Iginiit din nito na ang tunay na isyu…
Read MoreDating consultant ni Guo lumantad DNA TEST ‘DI NA KAILANGAN
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) HINDI kailangan kaladkarin sa DNA test si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Pahayag ito ni Nancy Gamo, dating consultant ni Guo, na lumantad na upang ipagtanggol ang kanyang dating kliyente laban sa mga personal na pag-atake na bumabalot sa pagkatao nito. Ayon kay Gamo, ang mga atake ay lumalabag na sa karapatan ng Mayor bilang isang indibidwal at halal ng taong bayan. “Lumantad ako upang ipagtanggol si Mayor Alice. Nasasaktan ako na makita siyang inaakusahan ng mga bagay na hindi totoo. Hindi na ito usapin ng…
Read MoreBIYAHE NI PBBM SA BRUNEI, SINGAPORE TAGUMPAY
PINURI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang matagumpay na byahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Brunei at Singapore kung saan ipinarating nito sa mundo na bukas ang Pilipinas para sa pagnenegosyo at ang paninindigan nito sa West Philippine Sea (WPS). Kasama si Speaker Romualdez sa mga pagpupulong na dinaluhan ni Pangulong Marcos sa Bandar Seri Begawan kung saan nilagdaan ang mga kasunduan na lalong magpapatibay sa relasyon ng Brunei at Pilipinas. Kabilang sa mga kasunduan ang tatlong memorandum of understanding sa turismo, kapwa pagkilala sa Standards of…
Read MoreGOBYERNO PATULOY SA PAMIMIGAY NG KABUHAYAN SA MAHIHIRAP
BUKOD sa mga ayuda, patuloy rin ang pagbibigay ng gobyerno ng kabuhayan sa mahihirap na Pilipino. Ayon kay ACT-CIS at House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo, ito ang isa sa mga programa ng pamahalaan bilang tugon sa kahirapan. Mahigit 600 na indibidwal na mula sa iba’t ibang bahagi ng Cebu province at higit 300 naman na mga Boholano ang nabigyan ng puhunan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong Huwebes at Biyernes. Si Tulfo at ACT-CIS Cong. Edvic Yap ay inanyayahan ng DSWD Region 7 bilang mga panauhin…
Read More