POLICE INFORMANT NA DRIVER/BODYGUARD NG 4 DINUKOT NA CHINESE, SUMUKO KAY REP. TULFO

SUMUKO sa tanggapan ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo ang driver/bodyguard ng apat na Chinese national na dinukot at pinagnakawan umano ng mga pulis sa Southern Police District sa Parañaque noong Setyembre ng nakaraang taon. Si Michael Novecio, driver at bodyguard ng apat na Chinese national, ay aminadong kasabwat at informant ng mga pulis sa naturang krimen. Ani Novecio, dahil sa takot, nagpatulong siya kay Tulfo para sumuko kay House committee on public order and safety chair at Sta. Rosa, Laguna Cong. Dan Fernandez, na kasalukuyang dumidinig sa naturang…

Read More

Solons sa ilang senador: PAREHAS LANG TAYONG PILIPINO

HINDI nagustuhan ng mga kongresista ang pahiwatig ng ilang senador na mas mataas ang mga ito kaysa sa kanila. Sa isang press briefing, tinanong ni Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr. ang kasama nitong si House Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez kung may nakasaad ba sa Konstitusyon na Upper House at Lower House? Sagot ni Suarez, “wala.” “Meaning to say parehas lang tayo. Baka sasabihin natin Lower House at Slower House. Hindi ko alam, pero wala akong sinasabing ganun, sinasabi lang sa labas yun. Pero sa Constitution walang lower house…

Read More

‘RECTO UNIVERSITY’ NATUPOK

NATUPOK ng apoy ang tinaguriang “Recto University” o pagawaan ng mga pekeng dokumento tulad ng diploma, sa Claro M. Recto Avenue sa Sta. Cruz, Manila nitong Miyerkoles ng hapon. Umabot sa ika-5 alarma ang sunog na nagsimula bandang alas-3:00 pasado ng hapon sa naturang lugar. Agad namang inutos ni Police Lieutenant Colonel Leandro Gutierrez kay Police Captain Rowell Robles ng Plaza Miranda PCP, ang pagpapatupad ng seguridad sa lugar. Mabilis na dumating ang mga truck ng bombero mula sa iba’t ibang lugar kabilang ang fire volunteers upang tumulong na maapula…

Read More

MGA BATANG MAY DIPERENSYA SA PUSO OOPERAHAN SA V DAY

OOPERAHAN sa Pebrero 14 ang mga paslit na nangangailangan ng patent ductus arteriosus, o PDA, isang depekto sa puso sa mga bagong silang. Ayon sa grupong Jaden and Friends Inc., buong Enero ay tatlo ang kanilang naging “happy heart missions.” “We are so busy in preparation for the next couple of months, Heart Month and World Down Syndrome Day in March targeting 100 children with PDA. Very much grateful for our generous sponsors! We are bringing many patients especially from Vis-Min to Manila for their much needed heart surgery and…

Read More

TARIMA NG ANGLERS DINARAYO SA VALENZUELA

PATULOY na dinudumog ang isang palaisdaang naging pamosong picnic pond na rin sa Dulong Tagalag, Valenzuela. Ito ay ang 3 Kids Picnic Pond na pag-aari ng mag-asawang Shiela at Enrico Candido. Dati lamang simpleng palaisdaan ang lugar hanggang maging picnic pond at maging sentro ng fishpond marketing, kung saan pwede mong bilhin ang nabingwit mong isda. Ang angler ay Ingles ng namimingwit. Ilan nang pangkat ang nagdaos ng kani-kanilang okasyon sa 3 Kids Picnic Pond, kabilang dito ang Pinoy Anglers Club, na nagdaos ng fun fishing tournaments. Kabilang sa pinaglabanan…

Read More

LALAKI PATAY SA SAKSAK NG TRIKE DRIVER

PATAY ang isang lalaki makaraang saksakin ng isang trike driver na dati umano nitong kaalitan sa Barangay 53, Zone 4, Tondo, Manila noong Martes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Alejandro Navajas, ng Tondo, Manila habang tinutugis naman ng mga operatiba ng Manila Police District ang suspek na si Carlo Calugay, 22, tricycle driver. Base sa ulat na isinumite ni Det. Jason Ibasco kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng MPD-Homicide Section, bandang alas-9:55 ng gabi nang mangyari ang insidente sa Gabriela Street sa nabanggit na barangay. Nauna rito, nagkaroon…

Read More

FEB. 9 AT 10 HOLIDAYS -MALAKANYANG

TINIYAK ng Malakanyang na idineklara nitong special non-working days kapwa ang Pebrero 9 at 10 sa buong bansa dahil sa pagdiriwang ng Chinese New Year. Ito ang kinumpirma ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil sa gitna ng pagkalito ng ilang Pilipino matapos magpalabas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng Proclamation No. 453 nito lamang Enero 18, na nagdedeklara ng special non-working day sa araw ng Biyernes, Pebrero 9 para sa nasabing okasyon. Karagdagan ito sa Proclamation No. 368, na may petsang Oktubre 11, 2023, na nagdeklara naman sa…

Read More

RBH6 O PI?

TILA nilatagan ng kondisyon ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Senado na kung nais ng mga ito na mamatay ang People’s Initiative (PI) ay dapat ipasa ng mga ito ang Resolution of Both Houses (RBH) 6 na inakda ni Senate President Juan Miguel Zubiri. “If you want to stop People’s Initiative dead in the water, just pass the Resolution of Both Houses (RBH) No. 6, ” mensahe ni House Majority Leader and Zamboanga City Rep. Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe sa mga senador. Bukod kay Zubiri, author din…

Read More

MARCOLETA DISMAYADO SA PAGTUTOL NG SENADO SA CONSTITUTIONAL AMENDMENTS

DISMAYADO si SAGIP Party-list Rep. Rodante Marcoleta sa patuloy umanong pagtanggi ng Senado na maamyendahan ang 1987 Constitution sa pamamagitan ng constituent assembly. “For the longest time, the House of Representatives has been inviting the Senate to meet with us on a constituent assembly, and the Senate repeatedly refused us. This is on record,” ani Marcoleta na ang pinatutungkulan ay ang pagdedma ng Senado sa mga resolusyong inaprubahan ng Kamara. Ipinahayag ni Marcoleta ang kanyang pagkadismaya sa pagdalo nito sa pagdinig ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation,…

Read More