MENTOR

HOPE ni GUILLER VALENCIA

SA taong ito, nakahanda na ba tayo sa panibagong hamon ng takbo ng buhay? May estratehiya ba tayong naiplano para sa tagumpay na nais nating makamit: sa buhay espirituwal, pisikal, o pinansyal man?

Sabi nga sa wikang English, “Those who fail to plan, plan to fail.” Ayon naman kay King Solomon, “… ang planong pinag-aralan ay magtatagumpay.” Kaya, naniniwala ako na kailangan nating magplano para sa magandang resulta na nais nating makamit sa matagumpay na buhay. Maraming mabisang plano ang matatagpuan natin. Pero nais kong ibahagi ang isa sa epektibong plano; ito ‘yung paghahanap o pagkakaroon ng tagapayo o mentor.

Naalala ko ang instructor namin na si Dr. James Perkins na isang author, pastor, at counselor ng Family Priorities, na siya mismo ay nagbayad sa isang kilalang author at motivational speaker para lang makausap at makahingi ng magandang insights. Gayundin, patuloy siyang dumadalo sa mga conference para mapakinggan lang ang mahuhusay na speakers at mentors. My points only, kung nais nating maging matagumpay ay kailangang mayroon tayong counselors, mentors o advisers na may ugnay sa ating propesyon, negosyo o anomang linya natin sa buhay.

Ito rin ang payo ni King Solomon, a wisest king ever lived, sa aklat niyang Kawikaan 15.22, “Kung saan walang payo ay nagugulo ang mga panukala: ngunit sa karamihan ng mga tagapayo ay nangatatatag.”

Kawikaan 15:14, “Sa kakulangan ng tuntunin, ang bansa ay bumabagsak, ngunit sa payo ng nakararami, tagumpay ay tiyak.”

Mayroon tayong mapagpipilian kung maraming tayong naririnig na mabubuting payo. Dapat lang maging maingat tayo sa pagpili ng mentors, advisers o counselors. Alam natin na mabuti pa ang isang matino at matalinong tagapayo na pinakikinggan kaysa sampung mangmang at hungkag na tagapayo.

Ang pagkakaroon ng maraming tagapayo ay mahalaga dahil marami tayong naririnig na viewpoints na nagbibigay sa atin na malusog na pundasyon para makabuo ng opinyon. Nakapagdedesisyon tayong mabuti kung lubos nating iimbestigahan ang isyu sa iba’t ibang anggulo at hingiin natin ang tulong na Panginoon na nagbibigay ng wisdom, (James 1:5).

Kung sa nakaraang taon ay wala tayong pinagkakatiwalaan o wala tayong mentor, adviser, o counselor ay kalimutan na natin! Kung nais mabago ang takbo ng buhay at kapaligiran, kalimutan ang nakaraan.

Paalala ni Mother Teresa, “Yesterday is gone. Tomorrow has not yet come. We have only today. Let us begin.”

Magsimula tayo ng bagong plano o estratehiya, kumuha tayo ng mapagkakatiwalaan at matinong mentors, adviser, o counselor! Pray for it! (givalencia777@gmail.com)

39

Related posts

Leave a Comment