IPINABABALIK ni Santa Rosa City, District Representative Dan S. Fernandez sa Manila Electric Company (Meralco) ang P200 bilyon sa mga consumer ng ‘in cash’ at hindi sa pamamagitan ng off-setting sa bills base sa kautusan ng Energy Regulatory Commission (ERC). Sa isinagawang deliberasyon ng Committee on Legislative Franchises, inihayag ni Cong. Fernandez sa kanyang privilege speech ang sobrang pagkolekta ng Meralco sa 7.7 milyong consumer nito. Ayon kay Fernandez, walang karapatan ang ERC na magdesisyon kung ano ang kagustuhan ng consumers sa makokolekta nilang refund mula sa Meralco. “The people’s…
Read MoreCategory: METRO
PAGLAHOK MULI NG PILIPINAS SA ICC PINAG-AARALAN NG PAMAHALAAN – PBBM
PINAG-AARALAN umano ng pamahalaan ang posibilidad na muling lumahok ang Pilipinas sa International Criminal Court (ICC). Ang pahayag ay ginawa ni Pang. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., matapos hingan ng reaksyon hinggil sa tatlong resolusyon na inihain ng anim na mambabatas sa Kamara, kung saan hinihikayat nila ang lahat ng sangay ng pamahalaan na payagan ang ICC na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa mga extra-judicial killings na naganap sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon sa Pangulo, maraming posisyon na pinag-aaralan ang pamahalaan kaugnay rito. Maliban aniya sa pagbalik ng Pilipinas…
Read MoreSTREET DWELLERS SA MAYNILA TUMANGGAP NG MAAGANG PAMASKO
TUMANGGAP ng grocery items bilang maagang pamasko ang ilang pamilya, handog ng Brixton Hills Volunteer Brigade, na ginanap sa harapan ng Manila Police District Press Corps sa United Nations Avenue, Ermita, nitong Manila Biyernes ng umaga . Bandang alas-8:00 ng umaga nang magsimulang mamahagi ng grocery items sa streets dwellers sina Dr. Vincent Sy Chan; Mr. Enrile Sy, president ng Brixton Hills Volunteer Fire Brigade; Mr. Vincen Chan, co-founder; Mr. Philip Dy, General Affairs Officer; Mr. Ken Chioa, secretary; Albert Capulong, at Reynaldo Flores, firefighters. Ang naturang event ay inasistehan…
Read MoreAICS, TUPAD PAYOUTS SA BULACAN PINANGUNAHAN NI VILLANUEVA
PINANGUNAHAN ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang Department of Social Welfare and Development Assistance to Individuals in Crisis Situations (DSWD AICS) at Department of Labor and Employment Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/ Displaced Workers (DOLE TUPAD) payouts para sa 1,950 residente ng Bocaue, Bulacan ngayong Biyernes, Nobyembre 24, 2023. Kasabay nito ang paggunita sa kaarawan ni dating Mayor Joni Villanueva. Sa kanyang mensahe, binigyang pugay ni Villanueva ang kapatid na nanilbihan bilang alkalde mula 2016 hanggang sa kanyang pagpanaw noong 2020. Samantala, nanawagan naman si Villanueva sa DOLE at…
Read MoreIBA’T IBANG GRUPO NANGALAMPAG KONTRA ‘TAX DEAL OF THE RICH’
NAGSAGAWA ng pagkilos ang multisectoral grassroots organizations at iba pang mga kilusan noong Miyerkoles, Nobyembre 22, 2023, sa harap ng Senado, bilang bahagi ng Days of Action for Tax Justice, na coordinated na pagkilos ng civil society organizations sa Asya upang manawagan para sa tax justice sa Pilipinas at sa rehiyon. Kabilang sa civil society organizations na kasama sa pagkilos, ang SANLAKAS, Aniban ng mga Manggagawa sa Agrikultura (AMA), Oriang, Kilusan para sa Kabuhayan, Kalusugan, Kalikasan at Katiyakan sa Paninirahan (K4K), Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita sa Lungsod (KPML),…
Read MoreBINATA ARESTADO SA MURDER
ARESTADO ang isang 31-anyos na suspek sa kasong murder sa lungsod ng Makati, makaraang matunton sa pinagtataguan nito sa Tanza, Cavite. Kinilala ni Police Colonel Samuel Pabonita, hepe ng District Intelligence Division ng Manila Police District, ang suspek na si Jimwell Bondoc, residente ng Sampaloc, Manila. Base sa ulat ni Police Major Jervies Soriano, hepe ng District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU), bandang alas-10:06 ng umaga noong Miyerkoles nang arestuhin ang suspek sa Barangay Sanja Mayor, Tanza, Cavite. Inaresto ang suspek ng tauhan ng DPIOU, kasama ang grupo ng MDIT…
Read MorePEKENG FRENCH HINARANG SA NAIA
HINDI nakapasok sa bansa ang isang Cameroon national nang harangin ng Bureau of Immigration sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) matapos magpakita ng isang ninakaw na French passport. Kinilala ng BI Border Control and Enforcement Unit (BCIU) ang pasahero na si Valentine Forkwa Mbanwei, 31, dumating sa MCIA sakay ng Singapore Airlines flight galing Singapore. Ayon sa BCIU, ang suspek ay nagpakita ng French passport na iba ang pangalan. Gayunman, hindi umubra ang kanyang panloloko dahil rumehistro sa Interpol hit na ang kanyang ginamit na pasaporte ay isang nawawalang passport. Dahil…
Read More40 YRS DAGDAG KULONG SA PDL NA MAHUHULIHAN NG KONTRABANDO
WALA nang pag-asang makalabas sa kulungan ang persons deprived of liberty (PDLs) na mahuhulihan ng kontrabando dahil daragdagan ng 40 taong pagkakakulong ang kanilang parusa. Ito ang nakasaad sa House Bill (HB) 9153 o “Contraband Detection and Control System Act,” na pinagtibay sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara sa botong 208 pabor at walang tumutol. “This will have a chilling effect on our PDLs (persons deprived of liberty). At the same time, we’re telling them that we’re sincere and serious in giving them a new life away from danger,…
Read MoreGAWIN ANG LAHAT PARA MAPALAYA ANG BIHAG NA 17 SEAFARERS – ROMUALDEZ
NAKIKIPAGTULUNGAN ang Kamara sa Marcos administration para sa agarang pagpapalaya sa 17 Filipino seafarers na bihag ngayon ng Houthi rebels sa Yemen. Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, “suportado ng Kamara ang mga hakbang ng Department of Foreign Affairs (DFA) para sa agarang pagpapalaya sa mga seaman natin”. “Panay ang pag-uusap namin ng Pangulong Marcos hinggil sa nasabing problema, at sinabi ko na narito ang Kamara kung kailangan ng ehekutibo ng suporta para mapalaya na agad itong labingpitong kababayan natin,” ayon pa kay Speaker Romualdez. Aniya, “nananawagan din tayo…
Read More