2 LALAKI BINARIL SA LOOB NG BAHAY SA TONDO

PATAY ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng apat na armadong lalaki na sapilitang pumasok sa kanilang bahay sa Molave Extension, Barangay 194, Tondo, Maynila.

Iniimbestigahan na ng Manila Police District (MPD) ang insidente. Batay sa paunang ulat, tinatayang nasa edad 30 hanggang 40 ang dalawang biktima na kapwa natagpuang duguan at wala nang buhay matapos ang pamamaril.

Mabilis na tumakas ang mga hindi pa nakikilalang suspek matapos isagawa ang krimen.

Nagsasagawa na ang MPD ng backtracking at sinusuri ang mga CCTV footage sa paligid ng lugar upang matukoy ang pinanggalingan at direksyon ng pagtakas ng mga armadong suspek.

Patuloy ring inaalam ng mga awtoridad ang posibleng motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng mga suspek.

(JOCELYN DOMENDEN)

79

Related posts

Leave a Comment