P324M INILAAN NG MAYNILA PARA SA MEDICAL EQUIPMENT — ISKO

UMABOT na sa P324 milyon ang inilaan ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila para sa pagbili ng medical equipment bilang bahagi ng pagpapalakas sa healthcare system ng lungsod.

Sa 56th Philippine Association of Schools of Medical Technology and Public Health, Inc. (PASMETH) Annual National Convention na ginanap ngayong umaga sa University of Santo Tomas (UST), sinabi ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso na kabilang sa mga prayoridad ng pamahalaang lungsod ang pagtugon sa Minimum Basic Needs (MBN) ng mga Manileño, partikular sa healthcare, trabaho, edukasyon at pabahay.

Ipinakita rin ni Mayor Domagoso sa harap ni PASMETH President Dean Jose Jurel Nuevo, PhD, DrPH, at ng buong PASMETH ang mga makabagong kagamitang medikal na ginagamit sa pitong ospital ng lungsod, gayundin ang mga libreng serbisyong pangkalusugan na patuloy na ipinagkakaloob sa mga Manileño.

“We have already invested P324 million just to buy equipment alone,” pahayag ni Domagoso, na tinukoy ang ginawang investment ng lungsod mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon.

Binigyang-diin din ng alkalde ang mahalagang papel ng mga medical technologist at iba pang health practitioners sa paggamit ng makabagong kagamitan upang matiyak ang tama at maagap na diagnosis at paggamot sa mga pasyente.

Aniya, makatutulong ang pagkakaroon ng makabagong kagamitan at mga kwalipikadong medical technologist at health practitioner upang magkaroon ng mas malaking pagkakataon ang mga residente na magkaroon ng mas mahaba at malusog na buhay.

“Proper diagnosis is the first and right way of addressing health problems in human beings,” dagdag ni Domagoso.

(JOCELYN DOMENDEN)

75

Related posts

Leave a Comment